3rd person POV Two days later. Nahatulan si Rio nang kasong homicide dahil sa huling pagkuha sa kaniya ng mga Pulisya nang pahayag ay inako niyang siya ang nagmamaneho at nakabangga ng hindi sinasadya. Dinala siya sa Muntinlupa City Jail at doon tuluyang nakulong. Hindi pa rin lubos na makapaniwala ang binata sa kaniyang sinapit. Ginamit ni Don August Pallis ang kaniyang kapangyarihan sa lipunan at ang kaniyang anak na si Nathalia upang tuluyang ipakulong ang binatang kaniyang kinamumuhian. Labis rin na dinamdam ni Rio ang hindi pagdating ni Nathalia sa korte upang tumistigo. Walang nagawa si Connor Treveno para sa kaniyang anak dahil nakiusap si Rio sa kaniyang ama na patawarin si Nathalia at siya ang kusang aako sa krimen na nangyari. Hindi man iyon nagustuhan ng ama at ang buo niya

