Chapter 03

2200 Words
Rio’s POV Nagmamadali akong pumunta sa hidden office namin na naka-base sa Metro Manila. Katatawag lang ni Cheif Alvarez na mayroon na siyang impormasyon tungkol sa Casa ni Don August Pallis na nakatago sa Bulacan. Nang marating ko ang opisina ay abala ang lahat sa harap ng computer nila. Napansin ako ni Clark. “Sir, nasa loob po si Cheif Alvarez, kanina kapa niya hinihintay at may gusto raw siyang sabihing importante.” Sumaludo siya sa akin. Binati rin ako ng iba kahit abala sila sa ginagawa. We’re an Philippines NBI agents. Nakatutok ang imbestigasyon namin sa mansyon ng mga Pallis. “Thank you, everyone.” Tumalikod na ako sa kanila at dumeresto sa loob ng maliit kong opisina. Pagbukas ko ng pinto ay nabungaran ko si Cheif Alvarez na naka dikuwatro sa sofa paharap sa working table ko. “Good evening Sir.” Magalang kong pagbati sa kaniya. Lumapit ako sa working table ko at umupo sa swivel chair. Tumikhim siya bago nagsalita. “May report akong natanggap Rio mula sa agent ko sa Bulacan. Ang sabi niya sa akin ay nandoon naka-base ang Casa ni Don August Pallis at ang kaniyang mga kaibigan. Gusto kong pagtuonan mo pa iyon ng pansin habang nagtatarbaho kapa sa kanila.” Kinuha niya ang enveloped na nakapatong sa maliit na lamesa at ibinigay iyon sa akin. “Pag-aralan mo ito. Reports iyan ni Garon. Natuklasan din niya sa wakas ang tinatagong illegal na gawiin ni Don August Pallis.” Paliwanag niya sa akin. Tumango ako sa kaniya. “Salamat Sir. Hindi rin ako sigurado pero parang pinapasundan niya ako sa mga tauhan niya. Kahapon nang ihatid ko ang anak niya sa paaralan ay biglang na-plat ang gulong ng sasakyan namin. May nakikita kabang pattern?” Naguluhan din ako sa sitwasyon kahapon. Alam kong hindi iyon basta na lang na na-plat kun’di may nagkusang butasin ang gulong ayon sa inspections ko. Umiling siya sa akin. “Dapat kang mag-ingat Rio. Hindi basta-basta itong trabaho mo. Mas maigi pa na huwag ka muna pumunta dito sa base natin hanggang maari.” “Copy Sir.” Binuklat ko ang envelope na ibinigay niya sa akin. Nakita ko ang mga litrato nila Don August Pallis at ang kaniyang mga kaibigan habang naglalakad sila papasok sa loob ng maliit na gate. Ngunit nagulat ako nang mahagilap ng tingin ang isang lalaking pamilyar. Mr. Sandoval. Tumingin ako kay Cheif Alvarez. “Sir. Mukhang kilala ko itong kasama nila.” Ipinakita ko sa kaniya ang hawak kong larawan. Tiningnan niya iyon bago tumingin sa akin. “Si Mr. Sandoval?” tanong niya. Tumango ako. “Siya iyong nagkakautang sa kuya Ethan ko dahil na bankrupt ang kompaniya niya.” “Kailangan mo rin malaman na kasama si Mr. Sandoval sa mga gawain nilang hindi mabuti. Sa tingin ko ay kaibigan nila iyan.” Sumang-ayon ako sa sinabi niya. “Gagawin ko ang misyon ngayong gabi kasama ang team Agila. Gusto ko lang malaman mismo ang kinalalagyan ng kanilang Casa.” “Mukhang delikado pa sa ngayon. Mas maigi kong sa sumunod na lang na araw.” “Masusunod po Sir.” Sumaludo ako sa kaniya. “Sige. Hindi na ako magtatagal. Inform mo lang ako kapag may mga nangyayaring hindi normal.” Tumango ako sa kaniya kasabay ng pagtayo. Kinamayan niya ako bago tinapik sa balikat. “Copy po, Sir.” “Mag-iingat ka palagi Rio. I’m so proud of you.” Nagpasalamat ako sa kaniya bago siya lumabasa ng aking opisina. Itinungkod ko ang mga kamay sa ibabaw ng lamesa ko at pinag-aralan ang mga reports na ibinigay niya sa akin. No wonder na sa loob ng tatlong buwan na pagtatarbaho ko sa kanila ay wala pa akong nalalaman tungkol sa illegal na negosyo ni Don August Pallis dahil naka-base pala ito sa Bulacan. Napapailing ako habang isa-isang binubuklat ang mga folder na nakaipit sa puting envelope. Ngunit hindi mawala sa isip ko ang larawan ni Mr. Sandoval. Hindi ko akalain na lumubog na siya sa utang ay nagagawa pa niyang sumama sa mga kaibigan niya. Alam kong nasa kay Kuya ang anak niyang dalaga dahil nagbabayad ng utang. “Kapag nalaman ito ni Kuya ay sigurado akong malaking gulo na naman,” bulong ko sa sarili. Tinapos ko nang mabilisan ang mga reports na binabasa ko. Pagkatapos ay nilagay ko iyon sa secret lockers ko. Lumabas ako ng opisina ko. "Clark?" tawag ko sa kaniya. Binalingan niya ako sabay baba sa hawak niyang enveloped. Halos lahat sila ay busy sa kanilang mga ginagawa. "Yes Sir," sagot niya. Lumapit siya sa akin. Binulungan ko siya. "Ready mo ang team natin. Susulong tayo sa Bulacan dalawang araw simula ngayon. Wait for my signal." Tumango siya sa akin. Minsahe pa ang kilay. "Copy Sir." Hindi na ako nagtagal at nagpaalam na ako sa kanila. Nasa daan ako pauwi sa Penthouse ko nang mapansin kong parang may sumusunod sa akin na itim na sasakyan. Binagalan ko nang kaunti ang pagmamaneho at minataan ang sumusunod sa akin. Binuksan ko ang dashboard ng sasakyan at inilabas doon ang pistol gun. Nang lumiko ako sa kabilang kanto kong saan hindi matao ay naging agresibo ang pagsunod sa akin ng itim na sasakyan. "Anak ng p*ta!" Malutong akong nagmura dahil hindi ako tinatantanan ng sasakyan na ito. Nang nasa lilim na kami ay may narinig na akong putok. Binilisan ko ang pagmamaneho at pinasuot ang sasakyan ko sa makitid na daan. Hindi ko na nga alam kong saan ako papunta. Nakarinig pa ako ng putok at tumama iyon sa gulong. Biglang napahinto ang sasakyan ko. Agad akong bumaba at nagtago sa hood ng sasakyan. "Mga tarantado kayo akala ninyo maiisahan niyo ako." Kinalabit ko ang gatiliyo ng baril ko at ipinutok iyon sa kanila. Huminto sila sa gilid ngunit walang bumaba. Kinalabit ko ulit ang gatiliyo ng baril at tumama iyon sa salamin. Biglang umatras ang itim na sasakyan at nagmamadaling umalis. Hinayaan ko sila at hindi sinundan. Tinawagan ko si Clark para humingi ng tulong dahil na-plat ang sasakyan ko. Hindi pa nag-iisang oras ay dumating si Clark kasama ang dalawa pa naming kasamahan na sina Joey at Aron. "Mukhang inaabangan ka nila Sir. Kanino kayang grupo iyon?" nakangisi niyang tanong. Nagsindi ako ng sigarlyo habang sinusuri ko ang gulong. "Tarantado iyon ah. Wala din naman palang ibubuga." Habang sinusuri ko ang gulong ng sasakyan ko na tinamaan ng mga bala ay hindi ko maiwasan ang mag-isip at pagdudahan ang mga tauhan ni Don August Pallis. Pangalawang threat na itong nangyayari sa akin. Noong una ay binutas lang ang gulong ng sasakyan at ito naman ang kasunod. “Dapat kasama mo na kami palagi, pero sa tingin ko..” umiling siya bago nagsalitang muli. “Parang pinagta-trip-an ka lang yata. Hindi kaya…hindi kaya mga tauhan ng boss mo ‘yan?” Napatingin ako sa kaniya ng deretso. Mukhang nahulaan ni Clark ang nasa isip ko. Nginisihan ko siya. Ayaw kong ipaalam muna ang nasa isip ko. “I’m still investigating.” Tumawa siya. “Alam ko po ‘yon sir. Oh paano ako na ang bahala dito sa sasakyan mo. Umuwi kana at ipapakuha ko na rin ito sa truck.” Tinapik ko ang balikat niya. “Salamat Clark.” “Walang problima.” Sumaludo pa ito sa akin. Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa Penthouse ko. Hindi nagtagal ay nakarating na rin ako. Isindal ko ang likod sa may sofa at binuksan ang TV. Nanonood ako ng balita ng mag-ring tone ang cellphone ko. Binalingan ko iyon at sinilip ang nag-text. Amanda Nathalia Pallis. Kumunot ang noo ko nang mabasa ko ang pangalan niya sa screen ng cellphone ko. Mensahe nga na galing kay Amanda Nathalia Pallis. “Hi Rio, wala pala akong pasok bukas. Puwede mo ba akong samahan sa sementeryo?” Mas lalong kumunot ang noo ko sa mensahe niya. At sino naman kaya ang dadalawin niya sa sementeryo. Ang hirap magtanong sa amo at baka bigyan pa niya ng kahulugan. Sa huli ay nagtipa ako ng sagot. “Okay,” matipid kong sagot. Ganoon lang dapat sumagot ng pormal. ‘Di ba? Mautak din ako minsan? Napailing ako sa kapilyahang naisip ko. Hindi na siya nag-reply kaya itinuon ko na lang ang atensyon ko sa TV. Kinabukasan ay maaga akong bumangon. Nag-text din sa akin si Clark na nasa repair shop na ang kotse ko. Nagpasalamat ako sa kaniya. Gamit ang sasakyan ng amo ko ay nagmaneho ako papunta sa mansyon nila upang sunduin si Nathalia. Kapaparada ko pa lang ng sasakyan ay nahahilap na ng mga mata ko ang mga tauhan ni Don August Pallis na nakapalibot sa buong labas ng mansyon. Nahulaan ko na iyon. Kapag ganitong madaming stand by men’s sa labas ay may panauhin siyang nagbisita sa kanila. Ganito palagi ang nangyayari dito sa mansyon na ito. Tumango ako sa dalawang nakatayo sa labas ng gate. Nginisihan lang nila ako habang naninigarilyo sila. Ni isa sa mga tauhan ni Don August Pallis ay wala akong kaibigan o kakilala man lang. Hindi kasi nila ako kinakausap bangkos ay nginisihan lang nila ako sa tuwing nagkikita-kita kami. Tulad ng dati sa tuwing hinihintay ko sa labas si Nathalia ay nakasandal ako sa hood ng sasakyan. Hindi nagtagal ay lumabas na rin siya ngunit hindi siya nag-iisa. Nakaakbay sa kaniya ang ama niyang si Don August. Napatayo ako nang maayos. Nang tuluyan na silang makalapit sa akin ay bahagya kong niyuko ang ulo bilang paggalang kay Don August Pallis. “Magandang umaga Rio. Kumusta ka Iho?” Pakiramdam ko pa ay makahulugan ang kaniyang sinabi. “Mabuti naman po ako, Sir. Salamat sa pagbati.” Sinulyapan ko si Nathalia sa tabi niya bago ako tumingin ng deretso sa kaniya. Tinapik niya ang balikat ko. “I hope na maalagaan mo ang anak ko,” nakangising sabi niya. “Tungkulin ko ang alagaan at protektahan ang anak ninyo. Makakaasa po kayo Sir.” “May tiwala naman ako sa’yo Iho. Sobra-sobra pa nga,” sagot din niya sa akin. “Salamat po, Sir.” Hindi ako ngumiti. Matigas ang bawat salitang lumalabas sa bibig ko ngunit may kakayahan. Nagpaalam na si Nathalia sa ama niya at tahimik kaming umalis. Dumaan pa kami sa flower shop dahil bumili siya ng puting rosas. Gusto kong magtanong ngunit mas pinili ko na lang ang manahimik sa huli. Nang marating namin ang sementeryo ay bahagya kong ginilid ang sasakyan at pinagbuksan siya ng pinto. “Gusto mo bang sumama sa akin?” tanong niya. Nakatingin pa ito sa akin na tila hinihintay ang sagot ko. Tumango ako kaniya at tahimik na sumunod. Naglakad pa kami papasok hanggang sa huminto siya sa magarang lapeda na may pinturang puting kulay. Napatitig ako sa lapeda. Eloiza L. Pallis. I wonder ito yata ang libing ng Mama niya. Nababalitaan ko lang na patay na raw ang mama niya ngunit hindi pa ako sigurado kung makatotohanan nga iyon. Bahagya siyang lumuhod at ipinatong ang puting rosas sa ibabaw ng sementadong lapeda. Hinaplos niya ang pangalang nakasulat doon. Paulit-ulit niya iyong ginagawa habang ako ay tahimik lang na nakamasid sa kaniya. Hindi nagtagal ay tumayo na rin siya at binalingan ako. “Siya ang mommy ko, Rio. She passed away when I was little.” Ipinakilala niya ako sa Mama niya kahit ito ay nakaburol na. Parang hinaplos ng malamig na tubig ang puso ko. Kahit maldita pala itong lady boss ko ay may busilak rin na puso. Pinatayan ko ang pagkakatayo niya bago ko siya binalingan at nagtanong. “Anong sanhi ng kinamatay ng Mama mo?” kuryoso kong tanong. Tumingin muna siya sa lapeda bago umiling. “Hindi ko alam. Ang sabi ni Daddy nagkasakit raw ang Mommy ko.” Hindi siya nakatingin sa akin habang nagkukuwento. “Kung hindi ko nakikita ang portrait ni Mommy sa kuwarto ni Daddy ay baka hindi ko na rin siya kilala. Buti na lang at inalagaan iyon ng Daddy ko. My Mom is his greatest love.” Tahimik lang akong nakikinig sa kaniya. Ang tanging nagagawa ko lang ay ang tumango sa kaniya. Binalingan niya ako. “Eh ikaw Rio? nasaan ang mga magulang mo?” tanong niya sa akin. Lumunok ako bago nagsalita. “Hindi ba nasabi ko na sa iyo na patay na ang mama ko at hindi ko alam kung nasaan na ang papa ko.” Pagsisinungaling ko. Ayaw kong mahungkat ang aking pinagmulan at baka ikapahamak ko pa iyon. Hindi sa wala akong tiwala kay Nathalia pero kailangan kong mag-ingat para sa kaligtasan ko at sa mga plano ko. “Magkapareho lang pala tayo,” sabi niya. “Mas lamang po kayo Miss. Mayroon ka pang natatawag na tatay.” Ngumisi ako sa kaniya. Inirapan niya ako. “Pareho lang ‘yon, may tatay nga ako pero palagi namang wala. He choose his work over his family.” “Sorry,” bulong kong sabi. Binalingan niya ako. “Kaya nga walang pinagkaiba ‘di ba?” Nangingiti akong tumango. “Sige na nga, para patas. Ang hirap manalo,” bulong ko. “Anong sabi mo?” tanong niya. Hindi niya siguro naintindihan nang maayos ang pagbulong ko. “Maniniwala kaba kapag sinabi kong…you’re a goddess?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD