Rio’s POV Pinagsiklop ko ang mga kamay ko habang nakaupo kami ni Nathalia sa gilid ng dagat at tahimik na pinapanood ang maingay na alon. Ipinatong niya ang ulo sa balikat ko. Binalingan ko siya at isang beses na dinampian ng halik sa tuktok ng ulo niya. “Gusto ko rin naman ng tahimik na buhay. Alam mo, sa tuwing umuuwi ako sa bahay namin ay palagi akong nakakatikim ng sermun sa mama ko. Palagi niyang sinasabi na mag-resigned na ako sa trabaho at lumipat na sa kompaniya namin.” Nagpakawala ako ng malalim na hininga bago nagpatuloy. “Palagi raw siyang nagdadasal para sa kaligtasan ko,” dagdag ko pang sabi. Napangiti ako nang maalala si Mama. Ang mama kong pinakamaganda at maunawain. Tiningala niya ako. “Tapos..” muli niyang ibinaba ang tingin na para bang makikinig sa sasabihin kong

