3rd person POV Dinala sa pinakamalapit na ospital si Rio pagkatapos siyang barilin ni Nicolla. Tumama ang bala sa gilid ng kaniyang tiyan. Nang humandusay siya sa sahig kanina ay halos himatayin si Nathalia sa takot nang makita ang asawang walang malay at duguan. Nabitawan na rin ni Nicolla ang baril nang mapagtantong naiputok niya iyon kay Rio. Nanginginig ang kaniyang kamay at dahil sa galit ay hindi siya nakapag-isip nang matino. Dumating sina Chef Alvarez sa bahay nila Rio dahil kaagad na naitawag ng taga presento na nakawala si Nicolla. May dalawang Pulisya na kaniyang pinaslang sa loob mismo ng kulungan. Kaagad na umupo sa sahig si Nicolla at tinakpan ang kaniyang tainga. Hindi niya sinasadya, iyon ang tumatakbo sa isipan niya nang makitang walang malay si Rio at dumudugo na ang

