Rio’s POV Pagkatapos akong kausapin ni Don August sa loob ng kaniyang library ay tahimik akong lumabas. Nagpaalam na rin ako sa kaniya tungkol sa bakasyon ko sa trabaho. Laking pasalamat ko dahil pinayagan niya ako kahit na sinabi nito na pupunta siya ng ibang bansa para sa negosyo. Ang buong team Agila ay buo kahapon dahil tumawag ng meeting si Chef Alvarez tungkol sa pagsulong namin sa Siargao. Naroon nakatago ang mga armas na dala ni Derek noong pumunta siya ng Russia. Sina Garon naman at ang mga kasamahan nito ay nasa Siargao pa rin at tahimik na nagmamasid. Kahit na ayaw ko pang mag-leave sa trabaho dahil hindi ko kayang ipagkatiwala si Nathalia sa mga bodyguard ng kaniyang ama ay kailangan kong umalis. Wala na akong magagawa kung ‘di ang sumama dahil ako naman talaga ang leader

