3rd person POV Palakad-lakad si Nathalia habang hawak ang cellphone. Kanina pa niya tinatawagan si Rio ngunit hindi ito sumasagot. Ano bang nagyari doon at hindi niya magawang sagutin ang tawag ng dalaga gayong tumutunog naman ang cellphone niya? Nakaramdam ng inis si Nathalia at pabalang na ibinaba ang cellphone sa harap niyang mesa. “Ufffs!” huminga siya nang malamim. Napailing at naglakad palabas sa kanilang malawak na harden. Nahagilap ng mga mata niya ang mga tauhan ng Daddy niya na nakapalibot sa main gate. Napailing siya ulit. Kinuha niya ang plastic kettle at nilagyan iyon ng tubig upang magdilig. Tahimik niyang dinidiligan ang mga rosas sa paligid. Hindi siya napansin ng mga tauhan ng ama niya na kasalukuyang nag-uusap. Nakinig si Nathalia sa usapan ng dalawang tauhan ng ama na

