Rio’s POV Mga halakhak at tila mula sa garden namin ang nagpaggising sa akin. Napangiti ako nang marinig ko ang malamiyos na boses ng aking pinakamamahal na asawa habang nakikipaglaro ito sa mga anak namin. Bumangon ako mula sa kama at isinuot ang rubang nakasampay sa gilid ng sofa. Siguro ay nilagay ito rito ng misis ko dahil alam niyang wala akong kahit isang saplot sa katawan. Pumasok ako sa walk in closet namin at nagsuot lang ng boxer. Pagkatapos ay lumabas ako sa balkunahe namin at tahimik kong pinangmamasdan ang mag-iina ko. Si Brill ay nakahawak na naman ng plastic na espada habang hinahabol niya sina Genson at ang mommy nila. Napangiti akong muli nang mahuli ni Brill si Genson, pinalo na naman ito kaya naman itinutok rin muli ni Genson ang plastic gun niya sa kakambal. Tumili

