Rio’s POV Napapangiti ako habang pinagmamasdan ang sarili ko sa harapan ng salamin. Nanginig siya sa takot kanina ng ibulong kong gusto ko siyang angkinin sa loob mismo ng kusina. Nahimasmasan ako sa kalasingan at imbes na inumin ang kape kong tinimpla niya ay iniwan ko na lang sa lamesa. Marami pa akong plano at gustong malaman sa ngayon. Pero hanggang maari ay hindi ako manlalambot sa kan'ya. Paggising ko kinabukasan ay itinuro ko kay Nathalia ang mga dapat niyang gawin. Napabilib niya ako nang ipagluto ako ng aking agahan. Siguro sa lumipas na taon na namuhay siyang ordinaryong tao ay natutunan niya ang lahat. Hinahayan ko lang siya pero malamig pa rin ang pakikitungo ko. Hindi rin ako umalis ng bahay pero minsan ay pasilip-silip ako kung saan siya naroon. Nang makita ko siya

