Nilapitan ako ng Mommy Norene matapos makakuha ng pagkain sa buffet table, "Anak kumain ka na din." Pag-yaya nito sa akin. "Sige po, mom. Ang daddy po?" Sagot ko sa kaniya. "Hayun kausap ang itay mo sa may garden. Napaparami na yata ng inom." Pahayag nito habang hawak ng isang kamay ang plato ng pagkain at ang isang kamay ay may hawak ng juice. "Maupo na kayo, mom. Sasaluhan ko kayo pagkakuha ko ng food pero pupuntahan ko muna ang itay at daddy." "Sige, anak. Oh this is delicious!" Parang itong batang natakam sa plato ng pagkain. Tumungo ako sa labas at pinuntahan ang dalawa kong ama. "Tay, Dad," bati ko sa kanila. "Oh, eto na pala ang dalaga natin." Bati sa akin ng itay medyo nakakarami na nga ito ng inom dahil dumadaldal na. "Anak, napag-usapan namin nitong si balae sana makahana

