BINALEWALA ko ang mga sinabi nt Mommy niya. Nagpatuloy ang panliligaw niya ng isang buwan. Sa loob ng isang buwan na iyon ay unti-unti na rin akong nahuhulog sa kaniya. O baka mas nahuhulog pa nga ako sa kaniya simula pa lang ng una. Kahit na mayroon akong kaunting nararamdaman ay hindi ko pa rin klaro kung tama ba itong nararamdaman ko o kung totoo ba dahil ayokong magpadalos-dalos sa gagawing desisyon. Okay na sana ang lahat ngunit hindi sa ngayong araw na ito. O hanggang dito na lamang siguro ang lahat. "Sino iyong babae?" bulungan ng nakasalubong kong dalawang babae. Kanina pa ako tinatawagan ni Jacob ngunit hindi ko iyon magawang sagutin at wala aking balak. Palabas na ako ng campus. Hindi pa man nag-uumpisa ang unang klase ay wala na akong gana ngayong araw at mas gugustuhi

