"THANK YOU, Miss de Vera. We'll call you back." Pang-limang beses ko na iyong narinig sa mga inapply-an kong kumpaniya. Tatawag daw ngunit ni isa ay wala man lang tumawag pabalik sa akin kung natanggap ba ako. Maganda naman ang record ko pero hanggang ngayon wala pa rin akong nahahanap na trabaho. Isang buwan na ang nakalipas nang grumaduate ako sa kolehiyo. Ilang araw pagkatapos ng graduation ay naghanap na agad ako ng trabaho. Sa loob ng isang buwan ay wala pa rin tumatanggap sa akin. "Bakot kasi ayaw mo pa tanggapin iyong offer ng Hortons Company? Dalawa iyon di ba?" tanong ni Shiella kasama ko sa pag-aapply. "Marami pa namang ibang kumpaniya diyan," agad na sagot ko. "Girl, number 1 biggest company iyong nag-offer sayo ng work tinatanggihan mo? Choosy ka pa? Tapos ngayon wala k

