It was overwhelming. Natapos ang gabing iyon nang hindi pa rin tuluyang nagrerehistro sa isip ko ang lahat. Kung totoo bang nangyari iyon o baka panaginip lamang. Inihatid pa niya ako ng bahay at agaran niyang sinabi kay papa ang plano niyang panliligaw. Ni hindi man lang nabigla o tumutol si Papa at para bang inaasahan niya na iyon. "Sa oras na malaman kong sinaktan o pinaiyak mo siya, mayayari ka sa akin." Pagbabanta ni Papa kay Jacob. "Seryoso po ako sa anak niyo." Seryoso at agarang sagot ni Jacob kay Papa. Ngumiti at tumango naman si Papa, tinapik sa balikat si Jacob saka kami tinalikuran na. "Magandang gabi po," pahabol na wika ni Jacob kay Papa. Kahit nahihirapan at naiilang pa rin ay hinarap ko siya. "U-umuwi kana gabi na." Simple lamang siyang tumango at para bang binabas

