Night May ngiti sa aking mga labi habang nakikinig ako sa naging love life ni Tito Lucifer. Hindi ko akalain na ang sinasabi nilang king of hell ay minsan din pa lang umibig sa isang tao. Pero nakalulungkot nga lang na malaman na hindi sila nagkatuluyan na naging dahilan para magbigay ng gano’ng panuntunan ito. “So, this woman, how did you two meet each other?” tanong niya na nagpangisi sa akin. Agad ko namang kinuwento sa kanya ang lahat ng nangyari simula sa simula at wala akong itinago. Kung gusto kong makahanap ng paraan ay kailangan kong sabihin sa kanya bawat detalye. Nang matapos akong magkwento ay napangiti na lang ako nang matawa siya. “We torture human souls for a living, but we can’t keep the fact that humans are also the one who can still make us insane. The things we do

