Asha
Agad niyang tinakpan ang aking bibig kaya imbes na makasigaw ako ay hindi ko ito magawa. Nagsimula na akong maiyak dahil paanong nakapasok si Birch dito sa bahay gayong sinigurado ko naman na sarado lahat kanina. Pagkatapos ay naalala ko iyong malakas na kalabog kanina na aking narinig sa baba at marahil ay siya iyon.
Pilit kong pinalo at alisin ang kanyang kamay na nakatakip sa aking bibig pero masyado siyang malakas. Nakadagan ang buong katawan niya sa akin kaya halos hindi ko maigalaw ang buo kong katawan at tanging kamay ko lang ang naigagalaw ko.
“Shh. Huwag kang maingay Asha. Saglit lang naman ito at matatapos na ako. Ayaw mo man lang akong pagbigyan gayong noong hinahalikan kita ay bumigay ka naman agad,” sabi niya at naluha na ako.
Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at gamit ang isa niyang kamay ay may kinuha siyang tape sabay linagay ito sa ibabaw ng aking bibig. Nang mailagay niya ito tumawa siya na parang nababaliw at hindi ko alam kung ano ang kanyang iniisip.
“Alam mo Asha, kasalanan mo kung bakit hiniwalayan ako ni Jessica e. Kung hindi ka lang sana bumisita sa hospital ay marahil ay nagd-date na kami ngayon at aalokan ko na sana siya ng kasal,” sabi niya sa hangin na parang may kausap nang biglang magbago ang ekspresyon sa kanyang mukha. “Pero sinira mo lahat ng plano ko. Pero huwag kang mag-alala Asha dahil may paraan pa naman para makabawi ka sa ginawa mong kasalanan sa akin.”
Hinaplos niya ang aking pisngi pababa sa gilid ng aking dibdib pababa sa aking tyan hanggang sa marinig kong inaalis niya ang kanyang belt. Nang maalis niya ito ay mabilis niyang tinali ang aking dalawang kamay sa kung saan at halos maiyak na ako.
“Ang arte-arte mo kasi noong una kaya naisip ko na mahihirapan ako sa iyo pero mukhang binibigay na ito ng pagkakataon para sa akin. Hindi ikaw si Jessica pero pwede ka na ring panakip butas sa balak kong gawin.” Tumawa siyang muli at napailing naman ako.
Maya-maya ay naramdaman ko nang tinaas niya ang aking damit at agad na lumantad sa kanya ang aking dibdib. Nababaliw siyang tumatawa habang inaamoy-amoy niya ang aking tyan nang simulan niyang himasin ang aking dibdib. Sinubukan kong iiwas ang aking katawan sa panglalapastangan niya sa akin pero bihag niya ang buo kong katawan at wala akong magawa.
Bakit ba palagi na lang nangyayari sa akin ito? Ano ba ang kasalanang ginawa ko para pagdusahan ko ang lahat ng ito? Habang nagpapakasasa si Birch sa aking katawan ay hiniling ko na sana ay may magligtas ulit sa akin katulad noong nangyari sa akin. Hindi ako makapagsalita dahil nakatakip ang aking bibig kaya halos ungol na lang ang lumalabas sa aking bibig.
“Bakit? May sasabihin ka ba?” tanong ni Birch at mabilis akong tumango. “Saglit lang dahil ayokong makaistorbo ka sa gagawin ko sa katawan mo.”
“H-Help me please,” iyak kong sabi at natawa lang siya lalo.
“Kanino ka naman hihingi ng tulong e tayong dalawa lang naman ang nandito ‘di ba? Shh. Hindi bale at saglit na lang ito.” Tumawa siyang muli sabay tinakpan niyang muli ang aking bibig.
Naiyak na ako at napapikit dahil ayokong magtagumpay siya sa balak niyang gawin. Paulit-ulit kong ipinagdarasal na sana ay may dumating para tulungan ako pero malayong mangyari iyon. Hindi pa tapos ang palabas at halos lahat sila ay nandoon sa plaza.
Nang nawawalan na ako ng pag-asa ay bigla kong minulat ang aking mga mata nang marinig kong parang nagbubukas iyong pinto ng aking aparador. Pati si Birch na abalang hinahalikan ang aking katawan ay natigil sa kanyang ginagawa at napalingon din siya roon. Madilim sa kwarto ko pero kitang-kita ko na sobrang dilim ng loob ng aking aparador.
“Sino’ng nandyan?” tanong ni Birch. “May kasama ka ba rito sa bahay na hindi ko alam ha?” sigaw niyang tanong sa akin pero umiling ako.
“Sinungaling!”
Akmang sasampalin niya ako ay pumikit ako at hinintay kong dumapo sa akin ang kanyang kamay pero wala akong naramdaman. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at nakita kong naka-estatwang nakaupo si Birch sa aking ibabaw habang nasa ere ang kanyang kamay. Pero ang umagaw ng pansin sa akin ay ang takot sa kanyang mga mata na parang may tinitignan siya.
Sinubukan kong tumingin sa aking ulunan pero wala naman akong nakita roon kung hindi mga gamit lang. Maya-maya ay mabilis pa sa alas-kwatro na umalis si Birch sa aking ibabaw at dali-dali siyang bumaba ng kama sabay takot na takot.
“Huwag kang lalapit sa akin! D-Dyan ka lang!” sigaw niya sa kung sinuman pero wala naman akong makita.
Nang makakuha ako ng bwelo ay umupo ako at agad na inalis ko ang tape sa aking bunganga sabay inalis ang belt ni Birch. Pagkatapos ay inayos ko ang aking sarili sabay pinagmasdan si Birch na takot na takot na umaatras palikod. Nagtataka ako sa kinikilos niya pero wala naman akong makitang kahit na sino rito sa aking kwarto.
“S-Sino ka? Huwag kang lumapit sa akin halimaw ka! Tulong! Tulong!” Nagsimula na siyang umiyak sabay pinagsalikop niya ang dalawa niyang kamay at lumuhod sa kung sinuman.
“B-Birch?” tanong ko.
“Tulong! Tulong! H-Hindi na ako uulit…huhu. Patawarin mo ako. H-Hindi ko na siya gagambalain pangako,” sabi niya.
Binuksan ko iyong ilaw at dahan-dahan akong lumapit sa kanya nang marinig ko ang boses ng aking at kapatid sa baba kaya napalingon ako. Akmang lalabas ako ay hinuli ni Birch ang aking kamay at mabilis na tinakpan ang aking bibig sabay may napulot siyang gunting at may tinuturo na kung sino.
“Huwag kang lalapit kung hindi ay papatayin ko siya!” sigaw niya sa nasa harapan namin pero nakikipag-usap lamang siya sa ere.
“Mama! Tasha! Tulong!” sigaw ko nang maalis ko iyong kamay niya sa aking bibig.
Narinig ko ang mga yabag nila Mama at pagbukas nila ng aking pinto ay gano’n na lamang ang gulat nila nang makita nilang hawak ako ni Birch at may hawak itong gunting.
“Aysus! Maryosep! Birch, iho maghunus dili ka. P-Pwede naman natin itong pag-usapan ng mabuti. B-Bitawan mo lang ang anak ko. Nakikiusap ako,” sabi ni Mama.
“Hindi! Diyan ka lang kung hindi ay papatayin ko ang anak niyo!” Napasigaw sila ni Mama nang itapat ni Birch sa aking leeg ang gunting.
Maya-maya ay narinig pa ng iba pa naming kamag-anak ang nangyayari kaya naman pati sila ay tumulong. Umalis si Tasha at hindi ko alam kung saan siya nagpunta kaya naisip ko ay marahil ay natakot siya sa kanyang nakikita. Napapikit naman ako habang nakatutok ang gunting sa aking leeg.
“Iho, hindi ka namin sasaktan at hindi ka rin namin ipakukulong pero bitawan mo lang si Asha. Hmm. Mapag-uusapan natin ito iho kaya bitawan mo na lang iyong gunting,” sabi ni Tito sa kanya habang lumalapit siya sa amin.
“Diyan ka lang sabi kung hindi ay itatarak ko itong gunting sa tagiliran niya! T*ngina! Hindi ba kayo nakaiintindi ng salita? Ha?” sigaw niya. “Pwes tototohanin ko nang malaman niyong nagsasabi ako ng totoo.”
Halos mapapikit na lang ako pero hindi ko naramdaman ang sakit sa aking tagiliran. Rinig na rinig ko rin ang sigaw ng aking kapamilya at kamag-anak dahil sa takot at kaba. Pero wala akong naramdaman at pagmulat ko ng aking mga mata ay nakatigil sa ere ang kamay ni Birch na para bang may pumipigil dito.
Nang makakuha ako ng tyempo ay mabilis ko siyang tinulak at tumakbo ako palayo at agad na yinakap ako ng aking ina. Napatingin kaming lahat kay Birch at nakita namin na nabitawan niya ang hawak niyang gunting at halos mapatalon kami sa gulat nang itarak niya ito sa kanyang tyan. Napatakip ako sa aking bibig nang marinig na namin sa labas ang sirena ng pulis at ambulansya.
“Ate!”
Napalingon kaming lahat kay Tasha nang makitang siya pala ang tumawag ng mga pulis at ambulansya. Agad niya kaming yinakap ni Mama at agad naman kaming bumaba kung saan ay umakyat ang mga pulis at ilang mga first aider na may dalang stretcher. Naghintay kaming lahat sa salas kung saan ay nakayakap pa rin sa akin hanggang ngayon ang aking ina at kapatid.
Maya-maya pa ay bumaba na sila kung saan ay nakalagay na sa isang stretcher si Birch habang nakasunod naman ang ilan pang mga pulis. Pagkatapos ay may isang pulis na tumigil sa aming harapan at tinanong kung sino ang naging biktima ng pamamasok ni Birch.
“Maaari ka ba naming mahingan ng statement, iha?” tanong niya sabay tumango ako.
Makalipas ang ilang oras ay tapos na niya akong nahingan ng statement sabay linagyan nila ng barricade tape ang aking kwarto at sinabing huwag na raw muna akong pumasok doon. Sumang-ayon naman ako at akmang aalis na iyong pulis nang pigilan ko siya.
“A-Ano hong mangyayari sa kanya, Sir?” tanong ko.
“Pagagalingin na muna namin siya sa hospital dahil sa natamo niyang saksak sa tyan. Kapag ayos na siya ay doon na kayo magd-desisyon kung papatawan niyo ba siya ng kaso o hindi.” Tumango naman ako at umalis na iyong pulis.
Sinundan namin sila ng tingin at kita ko na ang daming tao na nasa labas ng aming bahay na nakiki-tsismis. Nakita kong sinakay nila si Birch sa ambulance car at nagsimula nang magsialisan isa-isa ang mga pulis. Nang wala na sila ay tinaboy naman nina Tito at Tito ang mga tao samantalang nakayakap lang sa akin sila Tasha.
Hindi pa rin ako makapaniwala na magagawa ni Birch ang bagay na iyon. Nang gabi na iyon ay hindi ako nakatulog at siniguro nila Mama na hindi ako mag-isa na matutulog ngayon. Mahirap na at baka kung ano nanaman ang mangyari sa akin.
Kinabukasan ay kumalat sa aming barangay ang nangyari sa akin kaya tuwing lalabas ako para lang bumili sa store ay ramdam ko na iba ang tingin nila sa akin. Hindi ko lang maintindihan ang ibang tao bakit ang tingin nila sa iyo ay madumi kapag may mga ganitong nangyayari. Abala ako ngayon na naghihiwa ng mga patatas sa balkonahe ng aming bahay nang mapatingin ako sa sasakyan na paparating.
Nang tumigil ito sa tapat ng aming bahay ay bumaba roon si Jessica at nag-aalala siyang lumapit sa akin sabay yinakap ako. Hinaplos niya ang aking buhok na aking ikinangiti at ang akala ko ay ayos na ako pero nang yakapin ako ni Jessica ay doon bumalik lahat ng nangyari kagabi. Umiyak ako sa bisig niya at pinatahan naman niya ako.
“Pasensya ka na pero narinig ko kasi sa bayan kanina ang nangyari sa iyo kaya agad akong pumunta rito. Shh. Tahan na,” sabi niya.
Pagkatapos ay umupo siya sa aking tabi at agad niyang pinahid ang aking luha.
“Ano ang nangyari? Alam ko na may ginawa sa iyong masama si Birch pero hindi ko alam ang buong pangyayari,” tanong niya.
Agad ko namang kinuwento lahat sa kanya ang nangyari noong gabing iyon. Pagkatapos ay kita ko ang galit sa mga mata niya at kulang na lang ay isumpa niya si Birch.
“Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kukote niya para gawin iyon sa iyo pero oras na gumaling siya ay tutulungan kitang ipakulong siya,” determinadong sabi niya.
“S-Sa totoo lang ay wala akong balak na ipakulong siya.” Kumunot ang noo niya sa akin.
“Ano? Pagkatapos ng ginawa niya sa iyo ay hahayaan mo na lang siyang pagala-gala?” inis na tanong niya.
“Alam ko na problema si Birch at ang kailangan niya ngayon ay medikal na tulong at hindi ang makulong. Kaya oras na gumaling na siya ay ipadadala ko siya mismo sa mental.” Lumiwanag ang mukha niya at sumang-ayon naman siya sa aking balak.
Pagkatapos akong kumustahin ni Jessica ay gumaan ang aking loob at nagpasalamat ako na meron siya sa tabi ko para damayan ako.