First day pa lang ng meeting ko dito sa Seoul ay super na-stress na ako. Ang kukulit ng mga bagong business partners at sobrang lamig pa! Gusto ko na lang na bumalik sa suite para makasama si Jett pero nag-explore pa kami. Mabuti na lang at naka-sneakers ako at hindi high heels, siguradong mababali ang paa ko pag nagkataon. Hapon na nang makabalik ako sa aming kwarto at hindi ko siya nadatnan doon. Nagpaalam din naman siya na mamasyal at sana, sana lang at wala siyang makilala na bata at super maganda na koreana. Pero bakit ko ba hinihiling ‘yon? Wala na akong pakialam kung may makilala man siya, I am just his guardian at dapat hindi ko na pinapakialaman ang kanyang personal life. Dumiretso ako sa aking kwarto, hinubad ko ang aking sapatos, coat, mga damit hanggang sa underwear na lang a

