Ilang araw na ang nakalipas at sa pagdaan ng mga araw na ‘yon, malimit na kaming mag-usap ni Silver. Mula no’ng umuwi siya ng gabing nagkaroon kami ng pagtatalo, at umalis siya, nag-iba na ang pakikitungo nya sa akin. He was so cold and distant. Kinakausap niya lang ako pag may kailangan siya o may activity sila sa kanilang school. Ni hindi na nga niya ako iniimbita na manood ng kanilang basketball games. And one time nang dumaan ako sa kwarto niya may narinig akong kausap niya, may boses ng babae at mukhang naka-loudspeaker ang phone niya. He was playing with his guitar at hangang hanga naman ang babae na kausap niya sa kanyang phone. Masakit, dahil dati rati, ako ang tinutugtugan niya ng gitara. Sobrang sakit, pero kailangan kong magtiis dahil ito ang gusto ko at ito rin ay para sa ikabu

