Nairaos namin ang aming trabaho para sa lunch ng event. Kahit konting oras lang kaming natulog ni Silver, para na-boost up pa ng aming energy, after clearing everything between us. Ang gaan na nang pakiramdam ko at kitang-kita ko rin ang kakaibang saya ng aking baby boy na ganado sa kanyang ginagawa. Just like me, marunong din siyang magluto, natuto siya dahil sa akin. Ngayon nagpe-prepare na kami ng ingredients para sa dinner time ng event. Bumisita din ang kilala ko na organizer and she gave us compliments from the guests na nasa event. Proud naman ako doon at tuwang tuwa rin at baka maakakuha kami ng new clients. Wala na akong kinuha na ibang staff dahil nandito naman ang mga staff ng hotel para tulungan kami. matapos naming ilagay sa ref ang lahat ng hiniwa namin na ingredients, na

