C L A I R E Hindi talaga mawari ng aking utak kung saan ko ito nakilala. Hindi naman ako makakalimutin, ngunit sa mga importanteng bagay ko lamang pinagtutuunan pansin ang mga bagay kaya malamang ay hindi ko na maalala ang lalaking iyon, ngunit sya ay pamilyar. Wala akong maisagot sa nakakunot noo na Ethan, kaya wala rin siyang nagawa kung hindi ako'y ipasok sa kaniyang silid at pagbibihisin. Nakahawak ang kaniyang kamay sa aking braso at pinaupo sa gilid ng kaniyang kama. Agad niyang kinuha ang isang bag na may tatak, Chanel. Unang nakita ng aking mata ay ang kaniyang kinuhang dress na ubod ng kagandahan. Kita ko rin ang kagaraan nito. Mahal ito sigurado hindi alam ng mga mayayaman saan namimili ang mga mahihirap kaya malamang mahal ito. Mukhang alam ko na ang kanitang susunod na gagawi

