C L A I R E Tulalang-tulala ako na nasa aking harapan ngayon ang tatlong tao na sa aking pagpasok ay natigilan din. Sila'y nakarating na? Akala ko ay bukas pa hindi ito ang aking inaasahan sa aking pag-uwi ibang kaba ang aking naramdaman kanina lamang ngayon ay mas lalong hindi ako makahinga ng maayos. Ito'y mas dumoble pa masyado akong kinakabahan ngayon dahil ito ang aking naging bungad sa pamilya ni Ethan. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Ako'y hindi makagalaw. "Claring..." Si Ma'am Dana ang unang nagsalita. "M-Ma'am Dana." Gulat ko paring sabi. Nanginig ang aking tuhod habang sila'y tinitignan isa-isa. Si Sir Nathaniel ay nakangiti lamang sa akin. Si Ethan ay nakasimangot at madilim ang kaniyang mukha sa akin ngayon. Si Ma'am Dana naman ay nakataas ang kaniyang kilay sa ak

