Sa mga araw ay lumipas at nalaman kong napakasaya ang mga araw na iyon. Lagi kong nakakausap sina ina sa aking cellphone at malapit na muli ang aking pasahod. Ako ay kasintahan ni Ethan ngunit ginagawa ko rin ang aking trabaho bilang isang katulong niya. Ito ay napakahirap dahil pinapatigil na ako ni Ethan sa ganitong set-up sa aming dalawa. Para sa kaniya ay insulto ito. Nais ko na ring itigil ito at maghanap na lamang ng ibang mapapasukan. Ayaw din ni Ethan, malalayo ako sa kaniya. Hindi ko parin nasasabi sa aking pamilya na may iniirog ako dito sa Maynila. Hindi ko pa alam kung papaano ko sasabihin na ang aking amo mismo ang aking kasintahan. Bumubuti na ang lahat sa kanila sa aming bahay malakas na si ama at nakabalik na sa kaniyang trabaho sa bukid. Kahit na pinapatigil ko na ay ayaw

