Chapter 7
MARINELLA
Tama nga si Kylie na puro mga gwapo at mala-adonis ang katawan ng mga bisita ni Kuya Sherwin at mga sexy ng mga babae na partner nila.
Nasa gilid ako ng counter kung saan nakapwesto ang mga bartender. Ang lakas ng music nakakabngi. Parang lasing na rin ang iba. Nakatingin lang ako sa mga tao.
Miss okay ka lang ba dito?" tanong bartender.
"Yes. Sagot ko. I prefer na dito lang ako dahil tanging ako lang ang naka-pedal ang sexy ng mga babae halos lumabas na ang kanilang mga kaluluwa atnahihiya ako na nakikita ang binti ko.
“Miss may mga kalat doon kaysa nakaupo ka lang d'yan linisin mo.” Mataray na sabi ng babae na halos lumuwa na ang kaluluwa aa bikini na suot.
“Oh gosh! Bakit tinanggap dito sa resort na'to ang ganitong tao, eww so disgusting yacks. Halika ka na Jolene baka may sakit payan o may kuto look at her so weird. Tingnan mo ang kanyang buhok.” Tinawan nila akong dalawa kumuyum ang kamao ko at kinalma ko ang sarili ko ayokong gumawa ng gulo sa birthday ni Kuya Sherwin.
“Ma'am hindi po siya worker kaibigan po siya ni…” Hindi natuloy ng bartender ang sasabihin ng dumating si Kuya at nakangiting siya sa akin at nilapitan niya ako.
“Marinella ayos ka lang ba dito? tumango ako. Natahimik bigla ang dalawang babae.
“Opo Kuya. Kuya Sherwin nakita nyo po ba si Kylie?" tanong ko.
Kasama niya ang ibang pinsan namin bakit hindi ka sumama sa kanya?" tanong ni Kuya Sherwin sa akin.
Nagkatinginan ang dalawang babae ng makita nilang nakangiti si Kuya Sherwin sa akin na kausap ako. Ang isa napaawang ang kan'yang labi ang nangangalan na Jolene naman ang sama ng titig ng mata niya sa akin.
“Sherwin kilala mo ang nerd na yan bakit mo ini-entertain?” maarteng tanong ng dalawa medyo umigting ang panga ni Sherwin.
Nilingon sila ni Sherwin. Lalong lumaki ang mata ng dalawa ng makita nilang inakbayan ako ni Sherwin.
“Bisita ko siya.” Matapang na sagot ni Sherwin.
“What bisita mo siya!?” gulat na tanong ng dalawa.
“Yes, may problema sa kaibigan ko at hindi lang kaibigan kundi kapatid din ang turing ko sa kanya. Ladies kung may problema kayo sa kanya both of you you can leave the party.” Tiningnan ako ng babae na hindi niya nagustuhan ang ang sinabi ni Sherwin.
“No, I'm just… Nagulat lang kami Sherwin. I'm sorry akala kasi namin isa siya sa mga stuff ng resort yung tagapulot ng kalat.” Maarte na sabi ng babae.
“Umalis kayo sa party ko!” madiin na sabi ni Sherwin lalo pa kasi nila ako binu-bully at hindi nagustuhan ni Sherwin ang pang iinsulto nila sa akin.
“Kuya is fine ayokong masira ang birthday party mo ako na lang ang aalis at sa labas na lang ako.” Sabi ko at hinawakan ko ang braso ni Kuya.
He took a long deep breath. Nag sorry ulit ang dalawang babae kay Sherwin ng mapansin nila na nagsalubong ang kilay ni Sherwin.
Hanggang sa pinaalis ni Sherwin ang dalawang babae. Walang choice kundi umalis na ang dalawang babae. Gusto sana humingi ng paumanhin si Sherwin sa akin ay pinigilan ko. Kasi kahit sino naman ay mapagkamalan ako na workers sa itsura ko. Kaya nagpaalam na lang ako kay Kuya Sherwin na sa labas muna ako ng dalampasigan mag lakad-lakad.
“It's up to you Ellah kung saan ka comfortable hindi kita pipigilan gusto ko rin na mag enjoy ka sa birthday ko.” Sabi ni Kuya Sherwin. I smile at him.
“Masaya naman ako Kuya Sherwin.” Nakangiting sabi ko sa kanya.
“What's going on?” nagulat ako tanong ni Kylie.
“Wala gusto ko kasi lumabas maingay masyado masakit ang ulo ko.” Mabilis na saad ko.
“Marinella naman please let's enjoy girl uminom ka kahit konti lang. Ikaw Kuya hinahanap ka ni Ethan.”Sabi ni Kylie at nagpaalam sa amin si Kuya Sherwin.
“Enjoy girls, Kylie ingatan mo si Marinella." Sabi ni Kuya Sherwin st nagpaalam din siya sa amin.
Hinila ni Kylie ang kamay ko at tiniuro niya sa akin ang mga lalaki sa gilid ng pool naka swim trunks lahat sila ang lalaki ng mga katawan naalala ko tuloy ang abs ni Sandro sa billboard kanina. Nahihiya pa akong titigan ang mga mala Adonis na katawan ng mga lalaki na tinuro ni Kylie sa akin
“Alam mo ba ang gwapo ni Ethan Santos kaso taken na siya ang ganda ng girlfriend niya. I think Nihan ang pangalan ng babae. Isa sa crush ko sa kaibigan ni Kuya si Ethan kaso may nagmamay-ari na sa puso niya sayang.” Sabi ni Kylie.
“Saan siya d'yan sa nakatayo?" tanong ko.
‘‘Ang naka-blue trunks." Mabilis na sagot ni Kylie.
Oo nga ang gwapo niya hayaan mo makahanap ka rin ng mas gwapo pa sa kanya. Nginitian ako ng kaibigan ko.
"Lawyer ang pogi niya diba?" kinikilig na tanong ni Kylie sa akin. I nodded.
Hanggang sa nakita ko ulit ang likod ni Sandro o baka namamalikmata ulit ako. Naalala ko naman ang kanyang abs sa isang segundo kanina tila nag-aanino naman ang kanyang rebulto sa mata ko. Ayaw yata magpalibak. Kinuha ko sa kamay ni Kylie ang kanyang hawak na kopita ng alak basta basta ko lang ito ininom. Nagulat ang kaibigan ko sa ginawa ko.
“Marinella,” tawag ni Kylie sa pangalan ko.
“Nakitako siya, nandito siya.” Sabi ko.
“Sino?”
“Si Sandro." Saad ko.
"Talaga saan siya?” tanong ng kaibigan ko mabilis niyang pinaikot ang kanyang mata hanggang sa tinuro ko ang kinaroroonan ni Sandro namilog sa gulat ang mata ng kaibigan ko.
“Magkakilala pala sila ni Kuya Sherwin?” tanong ko.
“I dunno, hindi ko nga alam nandito siya sa birthday ni Kuya.” Saad sa akin ni Kylie.
Hanggang sa may lumapit na babae sa kanya. Kumunot ang noo ko sa nakita ko na may kasama siyang babae. Hinawakan niya ang maliit na baywang ng babae at hinalikan niya ito sa labi. Bahagyang tumambol ng malakas ang puso sa sobrang bilis. Hindi ko inalis ang mata ko sa kanya.
“Oh fücked! nandito nga si Sandro mukhang bagong babae na naman ang kasama!” malakas na mura ni Kylie.
“Ouch, bakit kaba naghahampas bigla.” Sambit ko ng hampasin ng kaibigan ko ang braso ko.
“Sorry girl nagulat lang kasi ako, kumusta puso mo girl tumitibok pa ba?” Biro ni Kylie sa akin."
"Kaylie dapat ang braso ko ang kinakamusta mo hindi ang puso ko.” Saad ko.
Pero sa totoo walang tigil ang dagundong ng puso ko ng masilayan ko ang gwapong mukha ni Sandro pero parang may konting kirot ang nararamdaman ang puso ko ng halikan niya sa labi ang kasama niyang babae.
“Okay ka lang Marinella?” concern na tanong sa akin ng kaibigan ko.Bigla na nag iba ang reaksyon ng mukha ko.
“Oo, masakit ang tenga ko sa lakas ng music.” Sagot ko pero hindi ang tenga ko ang masakit kundi puso ko na hindi ko alam ang dahilan.
Kylie she took a long deep breath at kumuha ng kopita ng alak sa bartender.
May dala akong gamot pero nasa kwarto natin. Kung masama ang pakiramdam mo ihahatid na lang kita sa room natin para makapaghinga ka.” Umiling ako.
“No I'm fine here baka maya-maya ay mawala din ang sakit ng ulo ko at sa dalampasigan lang ako lalanghap ng hangin mamaya kapag ma boring ako.”
“Marinella baka dahil kay Sandro kaya biglang nagbago ang mood mo? Gusto mo ba na gawan natin ng paraan na may mangyari sa inyo,” kinurot ko ang tagiliran ni Kylie kung ano na naman ang lumala lumabas sa bibig wala talaga itong preno minsan.
“Kylie baka may makarinig sa'yo.” Mabilis kung tinakpan ng kamay ko ang kanyang bibig daldalera talaga siya.
"Nagseselos kaba na may kasamang babae si Sandro? Marunong ng magselos ang kaibigan ko.” I shook my head sa kakulitan ni Kylie.
“Kylie!” tawag sa kanya ng iba niyang kaibigan. Hindi sana ako iiwan ni Kylie pero tinulak ko siya na puntahan niya ang iba pa niyang kaibigan at pinsan.
Pag alis ni Kylie ay ini-ikot ako ang mga mata at wala na roon si Sandro at wala rin ang kasama niyang babae.
“Saan kaya siya pumunta tanong ko?”
Humakbang ako basta lang akong humakbang na parang may hinahanap ako.
Tinanggal ko ang makapal na antipara ko para punasan. Nabitawan ko sa gulat ng patayin nila ang mga ilaw ang at lalong lumakas ang tunog ng music. Sumigaw ang iba ng tugtugin ng D-J ang selos na kanta sinabayan nila. Lahat ay sobrang saya nila.
Lumuhod ako at hinahanap ng kamay ko ang antipara ko. Nakaramdam ako ng hakbang ng paa at parang may naapakan siya narinig ko na may nabasag.
“Ang antipara ko.” Sabi ko dahil ang pakiramdam ko ay may taong nakatapak sa antipara ko.
“Ladies and gentlemen may pa-game ako ngayon. Just for fun lang ito guys. Kung sino may mabuhat na babae at itatalon niya sa pool ay may 500 hundred thousand pesos." Malakas na sabi ni Kuya Sherwin. Naka-off na rin ang mga ilaw.
Papailawin lang ang mga ilaw kung nkatalon na sa pool na may buhat ba babae gf man o hindi ay pasok sa game. Ready!” malakas na sigaw ni Kuya Sherwin sa microphone.
Nagustuhan nila ang game ni Kuya dahil siguro sa reward na 500k. Nang marinig ko na nag-umpisa ng magbilang ng 123 si Kuya ay umurong ako at binalewala ko na ang antipara ko. I feel crowded.
Pag-urong ko ay nagulat at napasigaw ng may malaking bisig na bumuhat sa akin. Feeling ko naninigas ang katawan ko sa gulat at nakaramdam ako ng nervous.
“Bitawan mo ako!” madiin na utos ko pero hindi siya nakinig lalong niyang ang hinigpitan ang paghawak niya sa akin.
“Let's end the game first.” He said.
Familiar ang boses na'yun sa pandinig ko.
“Sandro,” sabi ng isip ko.
Parang tatakas ang puso ko sa lakas ng dagundong nito. He sighs naaamoy ko ang kanyang mainit na hininga na may halong amoy ng alak ang kanyang hininga. Hanggang sa nagsisigawan na ang lahat.
“Talon!” malakas na sigaw ng lalaki ng
Nakayakap ako sa lalaki. Hanggang sa umilaw ang ilalim ng pool ng kulay purple.
“Ready,” sabi ng lalaki na bumuhat sa akin pero, I'm sure na si Sandro ang lalaki.
Malalim ako na bumuntong hininga at ipinikit ko ang mga mata ko. Pakiramdam ko ang gaan ng katawan ko tila papel.
Hanggang sa tumalon na si Sandro na kasama ako. Nang nasa ilalim na kami ng pool ay tila nahihirapan akong huminga. Hawak-hawak pa rin ako ni Sandro. Nang pailawin na nila ang ilaw ay umahon na ang ulo namin ni Sandro.
Kumunot ang noo ni Sandro ng makita niya ako hindi ko alam kung nakilala niya ako o hindi dahil naging straight ang buhok ko dahil sa tubig at hindi ko rin suot ang makapal na antipara ko.
Nagpalakpakan ang lahat samantala ako ay tahimik lang kami ni Sandro nagtitigan.
“Aahon na ako.” Sabi lalangoy sana ako ay pinigilan ako ni Sandro.
Look at me. I can't remember but your eyes are familiar to me. You look so exquisite, beautiful lady.” Ang lakas ng sipa ng puso ko da sinabi ni Sandro. Uminit ang magkabilang pisngi ko sa hiya ba o kinikilig ako sa puri niya sa akin .I look at him namumula na ang kanyang mga mata. Akala ko ay natatandaan niya.
Hanggang sa may humila sa kanya na babae at ang sama ng titig sa akin ng babae. Nakatingin lang ako s kanila
Si Sandro Sander at kasama niya ang nanalo ng 500 thousand pesos.” Sabi ng lalaki hanggang sa umahon na ako sa pool. Tatayo sana ako may bahagyang tumulak sa akin ng malakas nawalan ako ng balance. I feel like I'm drowning. Muli nilang pinatāy ang mga ilaw tanging ang kulay purple ng ilaw ng pool ang nagbibigay liwanag.
“Help, tulong,” sigaw ko nahhirapan ako nakaramdam na rin ako ng pagkahilo.
"Tulungan nyo ako." Sabi ko naninikip na ang dibdib ko.
Nahhirapan ako na huminga tulungan n'yo ako." Sigaw ko hanggang sa nalunod na ako sa ilalim.