Chapter 25 MARINELLA Natatawa ako sa mga kilos ni Sandro sa harapan ni Lola Esperanza at ni Mama Monette. Nang sabihin ni Lola Esperanza sa akin ang babaeng tinanggihan ni Sandro na pakasalan. Habang nagsasalita si Lola Esperanza ay pinigilan niya ang kanyang Lola Esperanza. Tiningnan ko lang si Sandro. ‘‘Hija, ibig sabihin ay matagal munang kilala ang anak ko?” tanong ni Mama Monette. Tumango ako magsalita si Sandro. “Mommy may pupuntahan pa kami ni love,” Malambing na sabi ni Sandro sa kanyang ina tila kine-kere na niya talaga ang love na tinatawag niya sa akin. “Mag ingat kayo at huwag mong bigyan ng stres si Marinella bawal sa nagdadalang tao ang ma stress. Sabihan nyo akong dalawa sa araw ng checkup mo hija?” Nakatinginan kami ni Sandro. Sinenyasan ko si Sandro sagutin ang tan

