"Can I court you Ms. Gorgeous?"
Sobrang bilis ng kaboog ng dibdib ko pero yung utak ko tumataliwas sa nararamdaman ko ngayon.
"Tumayo ka diyan." Pigil na emosyong sabi ko pero niya ako pinakinggan.
"Kung anong nararamdaman mo yun yung sabihin mo sakin, pwedi mo akong pagtawanan sa kabaliwang ginagawa ko. Maging totoo ka, don't worry di ako nag-i-expect ng kahit ano."
Kitang kita ko sa mga mata niya ang mga salitang nagmamakaawang 'bigyan mo ako ng pagkakataon'.
"Caliv stop." Pigil ko sakanya at bumagsak ang mga luhang di ko alam ang pinagmulan.
"Why are you crying? What's wrong?" Aligagang tanong nito at tumayo para punasan ang luha ko.
"Stop acting that you know everything in me, kasi di mo ako kilala Caliv."
"Walang dahilan kung bakit kita nagustuhan noon kaya kung ano mang malalaman ko sayo di rin iyon dahilan para ayawan kita."
"Hindi mo kasi ako naiintindihan."
"Ano ba kasing hindi ko maiintindihan? May dapat ba akong malaman."
Paano ko ba sasabihin sakanya ang lahat?
"Y-Yung nangyari kay Abegail..." Hindi ko maituwid ang dila ko sa pagsasalita.
"Anong tungkol sa nangyari kay Gail? Alam ko namang kasalanan ko ang lahat."
"Si Gail hindi talaga ang anak niyo any dahilan kaya siya namatay. Nag-suicide siya."
"A-Ano?!" Di makapaniwala nito wika.
"d**g overdose ang kinamatay niya at may ginawa siyang letter sakin para ipalawanag ang lahat ng nangyari, ng hindi kita sisihin.
Malinaw na malinaw dun na ginawa mo ang lahat ng makabubuti kay Gail pero ayaw niyang magulo ang buhay mo kaya hindi siya pumayag."
"Sinadya kong itago ang lahat sayo para sisihin mo ang sarili mo at magdusa ka sa mahabang panahon."
Ilang sandaling nangibabaw ang katahimikan sa pagitan naming dalawa bago siya muling magsalita.
"Itinago mo lang naman ang katotohan pero ako parin ang ugat ng lahat. Wala kang kasalanan."
"Hindi mo ba naiintindihan Caliv? Masama akong tao, makasarili at wala akong pakialam sa nararamdaman ng lahat ng nasa paligid ko."
At sa tingin mo ba kaya kong magmahal?"
"Nasaktan ka nung nawala si Gail at sobrang nagalit ka sakin, kaya bakit hindi? Hangga't nakakaramdam ka ng emosyon kaya mong magmahal."
"Kaya mo bang magmahal ng isang rosas na walang pakiramdam?"
"Oo naman, okay lang kahit one sided love forever basta di ka lang magkakagusto sa iba." Nakangusong sabi nito.
"Kung ikaw nga di kita magustuhan sa iba pa kaya." Taas kilay kong saad.
"Malay mo ma-in love ka sa iba, yung taong walang bad record sayo." Malungkot na wika nito.
"Tch! Tumigil ka na nga. Padilim na umuwi na tayo." Nakangiwing sabi ko sakanya at saka ito tinalikuran.
"San tayo uuwi, sa bahay natin?" Biro nito habang sinusundan ako.
"Don't tell me pinagawan mo din ako ng bahay, napaka-OA mong nilalang."
"Hindi pa, pero magpapatayo na tayo ng bahay dito sa mga susunod."
"Ba't tayo? Wag mo akong dinadamay."
"Huwag ka ng umangal, kasi susundan na kita habang buhay."
"Eh kung tapusin ko kaya ang buhay mo ngayon."
"Ang brutal mo talaga sakin *pout."
"Tumigil ka nga hindi bagay sayo mag-inarte." Saway ko sakanya.
"Psh!.... Anyway, anong gusto mong theme color ng bahay natin?" Nakangiting saad nito.
"Nang-asar ka ba?" Kunot noo kong tanong.
"Nope. I'm serious, it's better to talk our future now." Nanunudyo nitong sabi.
"Lola mo future." Inis na wika ko.
"I want white and gold, but majority in white. What do you think?"
"Bahay ba talaga ang ipapatayo mo o hospital?... Favorite mo talaga ang white?"
"Maaliwalas kasi ang white, but it's not my favorite."
"Eh anong favorite mo kung hindi white?"
"Syempre ikaw, you're my favorite among everything." Nakangising sabi niya.
"HA HA HA. Last mo na yan, ang corny mo."
Kunyaring inis kong saad.
But deep inside natatawa na talaga ako sa mga pinagsasabi niya.
"Yung susi akin na, gusto yata akong ihulog kapag ako yung nakaangkas eh." Wika ko ng marating namin ang motor ko.
Binigay niya naman agad iyon saakin.
"Uuwi ka na ba kaagad pagkatapos mo rito?" Tanong ko sakanya at sumakay sa motor.
"Bakit ayaw mo?" Nakangisi niyang sabi.
Napakunot ang noo ko sa tanong niyang iyon.
"May sinabi ba ako? Di kita pipigilan noh."
"Huwag kang mag-alala di ako aalis agad, masydo mo akong nami-miss eh." Ang laki ng ngiti nito habang sinasabi niya iyon.
"Ang dami pang sinasabi eh, sumakay ka na nga." Pagkasabi ko nun at sumakay agad siya at----
"Hoy! Bitiwan mo nga ako." Pilit kong inalis ang pagkakayakap niya sa bewang ko pero imbis na bumitiw ay sinandal pa nito ang ulo niya sa balikat ko.
"Ang bango mo." Bulong nito sa tenga ko.
"Ikaw abusado ka talaga. Gusto mo bang mabugbog?" Banta ko sakanya.
"Alam kong wala ka sa mood manakit ngayon kaya tini-take advantage ko na yung mga time na di ka pa warfreak." Nakangiti niyang saad.
Gusto kong mainis at itulak siya palayo pero wala akong makapang ganoong pakiramdam sa loob, bagkus isang kasiyahang ngayon ko lang naramdaman.
Hindi ako makapaniwalang sa kabila ng napaka-komplikado kong ugali, may taong katulad niyang kaya akong mahalin.
.
.
.
THE END
[AN: Thank you for reading beybez! Sana nagustuhan niyo. Kayo nalang ang magbigay ng ending,... alams na katapusan niyan.. 'and they live happily ever after' ganurn HAHA basta hindi na tragic yan. Tenkyouuu berymatz! ]
___________________________________________
Karma isn't bad at all times.
But sometimes good karma will hit you in unexpected way.
Kakaiba maglaro ang tadhana kaya kung di ka makakasabay di mo maiintindihan ang tunay na kahulugan nito.