[Few weeks after]
Noon palagi kong sinusumpa ang bawat pagkakataong magtatagpo ang landas, pero ngayon di ko maintindihan ang sarili ko kasi hinihiling ko ng sana magkasalubong na kami ulit ng madalas tulad ng dati.
Hindi ko alam kung anong tawag sa nararamdaman kong toh ngayon, pero hindi toh pwedi.
Guilt lang siguro toh dahil sa mga nagawa ko sakanya dati kahit wala naman talaga siyang kasalanan. Iba kasi ang totoong nangyari kay Gail sa nalaman niya at sinadya kong itago yun para makonsensya siya ng mahabang panahon at sisihin ang sarili niya dahil sa pagkakaalam niya kasalanan niya lahat.
Napakaaga pa para sa trabaho pero bihis na ako, 4:50pm palang mamayang alas otso pa ang bukas ng bar. linabas ko na ang motor ko at umupo lang muna doon habang nakatingin sa mga punong nasa harapan ng bahay.
Akala ko noon, kontento na ako sa ganitong buhay.... paulit-ulit, walang ganap, walang bago.
But recently I realized, nakakasawa din pala.
*I deeply sigh.
Ano kayang pakiramdam ng totoong saya?!
Wala sa sarili kong tanong sa isip.
"Delivery for Ms. Lhurielle Zaruento."
Isang boses ang nagpabuhay ng diwa ko sa di kalayuan.
Nilingon ko ito at di nga ako nagkamali.
"Roses for you Ms. Gorgeous." Nakangiting saad nito sabay bigay ang bouquet.
Napakunot ang noo ko dahil parang may kulang.
"Wait... Bakit kulang?" Tanong ko kay Caliv.
"May ipapakita ako sayo." Di maalis ang ngiti nito sa labi.
"Huh!?" Tanging naiusal ko.
"May trabaho pa ako." Parang iwan kong dahilan .
"Maaga pa naman... So, papayag ka o sasama ka?"
Wow, ang ganda ng choices.
"Where's your key?" Tanong nito na pinagtaka ko na naman pero nilahad ko din sakanya.
"Pwedi ba nating gamitin yung motor mo?"
"Ano ipagda-drive kita?" Kunot noo kong tanong.
"Hindi ah, marunong naman akong mag-motor. Tsaka ako ang nakakaalam ng location kung saan tayo pupunta."
"Di ako umaangkas." Never akong umangkas at nagpaangkas sa motor.
"So, first time mo ngayong aangkas. Let's go." Sabi nito saka kinuha yung susi sa kamay ko at sumakay sa motor.
"Don't worry first and last na toh. Kaya, please! come with me." Nakangiti niyang wika.
Parang may kung anong kumirot sa loob ko sa sinabi niyang iyon. Walang bahid ng kalungkutan ang buong mukha niya at mukhang alam niya kung anong ginagawa niya.
Di ko na nagawang magtanong pa at sumakay nalang din.
"Teka. Isa lang pala yung helmet ko, baka mahuli tayo." Wika ko ng bigla kong maalala.
"Huwag kang mag-alala di tayo lalabas ng Village."
"Ano, babagalan ko lang ba o bibilisan?" Tanong nito pagka-restart niya ng motor.
"Yung pinakamabilis para makauwi agad tayo."
Di ko inaasahan ang biglang pag-andar ng motor kaya di sinasadyang napahawak ako sa bewang niya.
"Hoy! Magsabi ka naman bago ka magpaharorot bigla." Saway ko sakanya at akmang bibitiw na sana sakanya pero lalo niya lang binilisan ang pagpapatakbo.
"Humawak ka lang sakin." Sigaw nito at kitang kita ko sa side mirror kung gaano kalaki ang ngiti niya kaya kinorot ko ang tagiliran nito.
"Ikaw nanamantala ka yata eh."
"Ngayon lang naman toh." Tumatawang wika nito.
Pagkalipas ng ilang minuto ay huminto kami sa isang lugar na napaliligiran ng mga malalaking punong kahoy.
Ilang beses na akong nakadaan dito at palaging kakaiba ang pakiramdam ko sa lugar na ito, nakakamangha kasi ang mga laki at korte ng mga puno dito.
"Ano namang ginagawa natin dito." Tanong ko sakanya.
"Basta sumunod ka lang sakin." Nakangiti parin nitong wika.
"Hoy! Anong binabalak mo, ha?" Bulyaw ko sakanya at napayakap sa sarili.
Sa totoo lang wala naman akong nararamdamang kahit na anong kaba pero nawe-weirdo-han lang ako.
Natawa lang ito sa reaksyon ko.
"HAHAHA wala akong gagawing masama sayo, ano ka ba."
Bigla nalang nitong kinuha and kamay ko at hinatak sa----
"Wow! ! !" Tanging naiusal ko ng makita ang ekta-ektaryang bulaklak ng white rose na ginawang background a sun set.
Napakaganda.
"N-Nasaan tayo?" Namamangha kong sabi.
"Eight years ago ng bilhin ko ang lupang toh. Ilang beses kong sinubukang dalhin ka dito pero wala akong lakas ng loob."
"A-Ano?... G-Ginawa mo ito para sakin?" Di makapaniwala kong tanong.
"Maganda ba?"
"Napakaganda." Wala sa sarili kong sabi habang nakatingin sa mga bulaklak na lalo pang pinaganda ng liwanag ng sunset.
"Alam mo bang wala akong interes sa bulaklak noon pero ng simulan mong magpadala ng mga white roses dun ko lang na-appreciate na maganda pala sila. At dun ko rin unang beses na naramdaman na babae parin ako."
Napangiti lang ito at muli akong hinatak sa kung saan.
"Alam mo din ba na di talaga galing France yung mga pabango." Nahihiya niyang sabi at napayuko.
"Ahh okay." Walang pakialam kong sabi.
"Di ka galit or disappointed?" Nag-aalalang tanong nito.
"Ba't naman ako magagalit? Tsaka di rin ako mahilig sa imported." Sagot ko dito habang namamangha parin sa mga bulaklak.
"Saan mo yun nabili, sa divisoria? Ang bango na din ah."
"Ako ang gumawa nun."
Awtomatikong napalingon ako sakanya at yukong yuko ang ulo nito na tila labis na nahihiya.
"Gino-good time mo ba talaga ako? Pagkatapos ng ektaryang bulaklak, pati yung pabango ikaw yung gumawa? At ginawa mo yun ng almost ten year? Pinagloloko mo ba ako, sa tingin mo maniniwala ako."
Gusto kong maniwala sa lahat ng sinasabi niya pero, imposibleng mag-e-effort ng ganito sa isang tulad ko.
Aalis na sana ako pero hinawakan niya ang kamay ko.
"Nagsasabi ako ng totoo, at higit pa dito ang kaya kong gawin ng kahit ilang dekada pa."
Senserong wika nito.
"Believe me Lhurielle, I love you... at kaya kitang mahalin kahit walang kahit na anong kapalit." I was shocked when he kneel down in front of me.
"Alam ko any lahat ng naging kasalanan ko sayo at tanggap ko din na kahit kailan ay di mo ako kakayaning mahalin. Pero gusto ko paring subukan, gusto kong malaman mo lahat, at sabihin sayo ang nararamdaman ko ng sa gayun ay wala akong pagsisihan na kinimkim ko lang lahat."
Hindi ko alam kung among gagawin ko, parang may parte kasi saaking nagsasabing pigilan ko siya at tumakbo nalang ako palayo.
"Lhurielle Shawn Zaruento, I love you.... You're the white rose that making my life beautiful in almost a decade, a white rose that make me fallin in love without any reason, and a white rose that even wrapped with thorn are still the most gorgeous."
"Pwedi mo ba akong bigyan ng pagkakataong mahalin ka?
Can I court you Ms. Gorgeous?"
.
.
.
.
.