Lhurielle's PoV,
Ilang linggo na ang nakakalipas pero ni anino ng lalaking iyon wala na akong nakikita.
'Ano kayang nangyari dun? Minsan naman pakalat kalat lang iyon sa kung saan.'
Teka! Ba't ko ba siya hinahanap. Tsk.
Friday ngayon kaya medyo marami ang customer.
Sa sobrang pagod sa gabing iyon di na ako nakauwi at natulog nalang sa sofa ng isang VIP room.
Alas nuebe na ng magising ako pero ang bigat parin ng pakiramdam ko parang di nabawasan yung pagod ko kagabi at parang nadagdagan pa nga, kaya pagkalabas ng bar ay bumili muna ako ng kape sa malapit na coffee machine baka antok lang toh.
Parang iba yung pakiramdam ko ngayon, ah. Feeling ko lalagnatin ako.
Dahil sa sakit ng ulo ay di ako makatuwid at nakayuko lang akong naglalakad hawak ang kapeng binili ko pabalik sa parking lot. Sa sobrang sakit ng ulo at kalutangan ng utak ko ay di ko namalayang may mababangga na pala ako at natpunan ko ito ng konting kape.
"Ay! Pasensya na. Di ko sinasadya." Pero nanatili parin akong nakayuko.
"Anong nangyari sayo?" tanong ng isang pamilyar na boses.
"Oh, ikaw pala. Sorry." lalagpasan ko na sana ito pero hinawakan niya ang braso ko.
"Ang init ng balat mo at namumutla din yung mukha mo."
Nagulat ako ng bigla niya akong hatakin sa kung saan. Natatamad akong magreklmo at magsalita kaya sumama nakang ako.
'Saan naman niya ko dadalhin, don't tell me sa hospital ang OA naman niyang tao.'
Buti nalang sa drugs store niya ko dinala kundi mawiwirduhan talaga ako sakanya.
"Dito ka lang muna bibili lang ako ng gamot."
Di ko na siya sinagot at hinintay na lang siyang bumalik. Ng bumalik ito ay inabot niya sakin ang isang sandwich at tablet ng gamot, and water bottle.
"Kainin mo muna iyan bago ka unumin ng gamot makatutulong iyan para bumaba ang body temperature mo masyado kang mainit."
"Bakit mo toh ginagawa?" Tanong ko dito habang nakatingin ng diretso sakanya.
"Because I care." tipid na sagot niya.
"Why do you always care? Eh ako nga wala akong pakialam sayo."
"Really? Bakit mo ako hinatid sa kotse ko that night pwedi no naman akong hayaan nalang matulog sa labas." Taas kilay nitong tanong.
"Wag kang mag-assume. Masyado ka lang kaawa-awa nun kaya kita tinulungan." Pangangatwiran ko.
"Pero ikaw wala kang dahilan para gawin mo toh."
"Di pa ba dahilan na gusto kita?"
Naningkit ang mata ko sa sinabi niyang iyon.
"Gusto lang ba iyon? Inabot na ng almost ten years."
"Okay okay. I admit, I'M IN LOVE!" Confident niyang sabi.
Hindi ko alam pero napangiti ako na parang iwan.
"Why are you smiling like that, di ka naman siguro na-offend, noh?"
"Grabe, ang tibay mo." Napailing ako habang nakangiti.
Kinain ko na yung binigay niya at ininom yung gamot saka sabay kaming lumabas ng drugstore.
Nagtaka ako dahil ng tingnan ko ito ay parang namamangha siya sa mukha ko.
"May dumi ba sa mukha ko?" Tanong ko sakanya at natawa naman sa gulat na naging reaksiyon niya.
"Nagsha-shabu ka ba?" Muling tanong ko dito.
"A-Ahm... Yung m-mukha mo kasi."
Di makapaniwala niyang wika kaya kinapa ko ang mukha ko.
"May dumi ba? Parang wala naman." Sabi ko dito.
"Hindi wala namang dumi."
"Eh, ba't ganyan ka makatingin?"
"A-Ah.. Wala, yung ngiti mo kasi ang dalas nakakapagtaka."
Taka ko itong tiningnan.
"Ayaw mo ba?"
"Hindi ah, ang ganda nga eh masarap sa mata."
Ang lakas ng loob niya. Napailing nalang ako.
"Ano ba kasing ginagawa mo sa lugar na ito." Pag-iiba ko sa usapan.
"Diyan ako dati nakatira sa building ng Vegaz kinuha ko lang yung mga gamit ko dahil pinabalik na ako sa kompanya ni Dad at gusto niyang bumalik na din ako sa bahay."
"Ah, kaya pala ang dalas kitang makita dito nitong mga nakaraan. Salamat nga pala."
"For what?"
"Sa pag-aalala."
"Gusto ko naman yung ginagawa ko, kung pwedi nga lang kita alagaan habang buhay eh gagawin ko, kaya no worries the pleasure are mine." Nginitian ako nito.
"Anyway, about nga pala sa nga nasabi ko sayo that night. Just forget it, don't worry wala akong balak na guluhin ka, yung pagmamahal ko sayo mananatiling sakin lang yun.
Alam ko lahat ng naging atraso ko sayo at di ko nakakalimutan iyon." Ngumiti siya ulit saakin ngunit ang mga ngiting iyon ay pilit at napakapait na.
"Alam kong di mo kayang magmaneho, pwedi ba kitang ihatid?" Malumanay nitong tabong saakin at wala sa sarili naman akong napatango.
Inalalayan niya ako papunta sa kotse niya at pinagbuksan ng pinto.
Nakakapagtaka dahil bigla siyang naging tahimik.
Walang nagtangkang magsalita saamin habang nasa daan.
"Wala naman akong sinabi, pero mukhang alam na alam mo kung saan ako ihahatid." Wika ko ng mapagtanto ang daan na aming tinatahak at upang mabasag na rin ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Syempre naman, dito ko pinapadala ang mga white rose eh." Ngumiti siya.
Awtomatiko din akong napatingiti.
"Ginagamit mo parin yung perfume, kahit alam mong sakin galing iyon?" Tanong nito.
"Ginagamit ko iyon for almost ten years kaya ang hirap magpalit." Pagdadahilan ko.
"Wala ka bang ibang brand ng perfume liban dun?" Tanong niya.
"Ba't pa ako bibili kung may source naman ako?"
Napangiti siya sa sinabi kong iyon.
"Seriously, nagustuhan mo?"
"Malamang wala naman akong choice, ikaw lang ang nangungumusta sakin monthly with perfume and roses."
Tumawa lang siya at saktong huminto sa harap ng bahay ko ang kotse niya bumaba ito at pinagbuksan ako ng pinto.
"Thanks for your time." Nakangiti niyang wika.
"Kanina ka pa panay ngiti at pasalamat, wala naman akong ginawa sayo."
"Masaya lang along nakasama kita." Inilahad niya ang kamay niya sakin at inalalayan akong bumaba.
"Sige aalis na ako malilate na ko sa flight. Huwag mong abusuhin yang sarili mo kasi gustuhin man kitang alagaan wala akong karapatang gawin iyon."
"Aalis ka?" wala sa sariling tanong ko sakanya.
"Oo, nagkaproblema kasi yung branch namin sa Singapore kaya kailangan kong ayusin yun. Di na masisira ang araw mo kahit kailan kasi di na ako nagtatangkang magpakita pa sayo, mauuna na ako. Magpagaling ka, ingat palagi." tinapik niya muna ako sa balikat bago ito tuluyang tumalikod.
Iwan ko ba pero may nagtutulak saking pigilan siya.
"Sandali lang."
Gulat pa itong napalingon sakin.
"Bakit, pipigilan mo ako?" Biro nito.
"Hindi, ba't naman kita pipigilan."
"Bakit mo ko tinawag? Umasa tuloy ako." Kunyaring matamlay nitong sagot.
"Psh!... Basta magkikita pa tayo, nasanay na akong may nanggugulo at naninira ng araw ko eh."
Natawa siya bigla.
"Pwedi ko ba isama ang sarili ko sa next delivery ng perfume at roses?"
"Pano kung sabihin kong oo."
Nanlaki ang mata nito sa gulat ngunit napangiti rin kalaunan.
"Are you sure? baka maniwala ako."
"Do I'm look like joking?"
Napaawang ang labi niya at nagpipigil ng ngiti.
"Okay, uuwi ako agad. Just for you Ms. Gorgeous." Sabay kindat.
"Hintayin mo ako ah." Masayang wika nito at pumasok na ng kotse niya.
Binuksan niya ang window ng kotse at kumaway bago tuluyang umalis.
Anong bang nangyayari sakin? Nababaliw na yata ako. Bakit ko ba sinabi ang lahat ng iyon? Baka kung anong isipin niya.
.
.
.
.
.
.