SEIS

1535 Words
Maaayos ang naging takbo ng club sa nga araw na nakalipas minsan may nagkakagulo pero naayos naman. Palagi akong puyat dahil nga gabi ang bukas ng bar at 4:00am ang sara namin. "Ano maayos na ba lahat?" Tanong ko sa mga janitress at server dahil 10minutes nalang ay magsasara na kami. "Miss Lhur may customer pa po dun sa isang VIP room. Siya po yung sinasabi namin na di naman nanggugulo pero ang hirap pauwiin dahil sa sobrang kalasingan." Nag-aalalang sabi ng isa sa mga server. "Ba't ngayon niyo lang sinabi may tao pa pala?" Mahinahong saad ko sa mga ito. "Kanina pa po kasi namin pinapakiusapan kaso mukhang wala na sa katinuan at di na makatayo." "Anong room number?" "VIP R-9 po Miss Lhur." "Kung tapos na kayo sa mga gawain niyo pwedi na kayong umuwi ako ng bahala dito." "Sigurado po kayo Miss Lhur?" Tanong pa ng isang bartender. "Oo, pwedi na kayong umuwi." Pinuntahan ko na ang nasabing VIP room. Pagkapasok ko dito ay tumambad agad saakin ang isang lalaking nakayuko at mukhang wala na nga sa katinuan. "Excuse me po Sir magsasara na kami kaya kailangan niyo ng umuwi." Pilit kong pinapakalma ang boses ko pero di ito sumagot at tumango-tango lang kaya linapitan ko ito at sinigawan. "Sir magsasara mo po kami." Sinadya ko talagang lakasan and boses ko para magising siya. "Oh!... cheers!" Tugon nito at humagikhik. Bahagya niyang inangat and mukha niya kaya naaninag ko ang mukha nito. Caliv?! Anong ginagawa ng taong toh dito? Mukha ng kahabag-habag ang hitsura. Pinag-aralan ko ang kabuoan ng mukha nito na labis na ang pamumula. "Hoy! Tumayo ka na nga diyan magsasara na kami." Sigaw ko dito. Kung kanina at may paggalang pa ang tawag ko sakanya ngayon at tila nawalan ako ng respeto ng makilala ko siya. "Okay! I'm sorry, Miss manager? I think you are." Pilit itong tumayo at pagiwang-giwang na naglakad. Nataranta ako ng muntik na itong matumba buti nalang at nahawakan ko ang braso nito. "Ahm. sorry, sorry!...." Tinaas nito ang dalawang kamay niya na nagpapahiwatig na kaya pa niya ang sarili niya. "I'm fine...I'm not drunk." Mayabang na sabi nito kaya binitawan ko siya. Hindi ko alam kong matatawa ba ako ng bigla itong bumangga sa pinto. 'I'm not drunk daw ah.' Napailing ako at walang nagawa kundi alalayan ito palabas. "You know Miss, your scent is so familiar. " Tiningnan ako nito at nginitian. "That's Lhurielle's perfume too 'white rose' I really like it." Natigilan ako sa sinabi nito. 'Tanga ako nga toh at kailan pa ako inamoy ng lalaking toh, ha?' "Huwag ka na ngang maraming sinasabi anong oras na oh nanggugulo ka pa dito." Sabi ko dito at kinuha ang isang braso niya para alalayan itong maglakad. "Nasan ang kotse mo diyan?" tanong ko dito ng makarating kami sa parking lot. "That one (pointing the gray mercedes SUV) that's my car." "Sigurado ka? Pag tayo nakasuhan ng carnaping malilintikan ka sakin." "No, no, no. Here's my key." Kaya pinuntahan namin iyon dahil mukhang kanya nga talaga at inalalayan ko siyang sumakay dito. Napaupo muna ako sa shotgun seat dahil sa kaunting pagkahapo. 'Tch! Ang bigat mo." 'Pero teka nga, bakit ko ba ginagawa toh? Pwedi ko naman siyang kaladkarin palabas at iwan siya dun isa pa may atraso toh sakin eh at lalong di ko siya responsibilidad. Tsk... Bahala na nga andito na eh alangan ibalik ko siya sa loob at sipain palabas dahil lang sa di ko naman siya responsibilidad. "Dito ka na muna magpalipas na umaga huwag kang magmaneho, masyado ka pang lasing at heto ang susi mo." Inabot ko sakanya ang susi ngunit ng kunin niya ito ay di parin niya binibitawan ang kamay ko. 'Anong problema nito' "Do you know Miss?... I lost everything in my life in just one mistake at that night." "And then everyone treat me like a criminal, without knowing that I am the most effected of losing my child and little sister." 'Eh anong tawag niya sa sarili niya kung hindi kriminal?' "Di intensyon ang mga nangyari." pagpapatuloy nito. "Kapatid talaga ang turing ko sakanya but everything has change on that night, 'my engagement night' pinagsisihan ko ang nagawa kong iyon sa tinuturing kong kapatid na naging dahilan ng maaga niyang pagkawala." 'Tinuturing na kapatid pero tinalo mo? Ako ba ginag*go nito??' Ano nga bang pakialam ko sa mga problema mo, pwedi ba bitiyan mo na ako.' "After what happened with Gail, akala ko yun na yung pinakamasakit." 'Pake ko sa nararamdaman mo pavictim ka rin eh.' "Hiniwalayan ako ng fiance ko, sunod-sunod ang naging problema ng company dahil sa mga personal issues na ginawa ko kaya maraming investors ang nagback-out, kaya iyon itinakwil ako ng ama ko." "Halos patayin ako gabi-gabi ng konsensya dahil sa lahat ng nagawa ko sa mga tao sa paligid ko." Bumagsak abg sunod-sunod na luha nito kaya tinanggal niya ang salamin niya at bumuntong hininga. "At higit sa lahat labis kong nasaktan ang isang babae na tanging si Gail lang ang meron." Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala at maawa sa taong kaharap ko ngayon aaminin ko mukhang di rin madali ang pinagdaanan niya. "Ang totoo alam kong kahit gaano kalaki ang kasalanan mo kay Lhurielle magbabanta lang siya ng isang nakakakilabot na salita pero di niya gagawin iyon, ganun siya kabuting tao. Alam kong di siya na nunumbat pero nagawa niyang makapagsalita ng maraming masamang bagay sakin at saktan ako dahil sa naidulot kong kalungkutan at poot sakanya. "Kitang-kita ko sa mga mata niya ang galit at lungkot kasabay ng pagbagsak ng mga luha niyang di ko inaasahang makita. " 'Ano bang sinasabi nito? Makapagsalita siya parang kilalang-kilala niya ako, ah.' "Apat na taon ng nakalipas pero hinding-hindi ko makakalimutan ang gabing iyon. Dahil nung gabing iyon labis kong nasaktan ang babaeng tangi kong minahal." Parang tumigil ang pagtibok ng puso ko sa huling salitang binitawan niya. 'Hindi naman siguro ako ang tinutukoy niya hindi ba?' "Si Lhurielle, siya ang una't huli kong babaeng mamahalin at wala akong pakiaalam kahit nagmumukha na akong t*nga sa pagpapadala sakanya ng white rose perfume at bouquet sa loob ng ten years. " 'What?! Sakanya galing iyon?.... Pero imposible. Hindi pwedi. Gustong-gusto ko ng tumayo sa kinauupuan ko ngayon at takasan ang mga susunod niyang sasabihin. It's can't be real. "College palang nagustuhan ko na siya ng sobra. Her simplicity are seems like a white roses, pero kahit gaano siya ka simple parang napakahirap niyang abutin at pakiramdam ko kahit among gawin ko di ko kayang abutin yung standards niya. Isa siyang rosas na sobrang nakamamangha pero sa kabila nun ay may matatalim itong tinik na tila lasong banta sa lahat ng taong magtatangkang mapalapit sakanya.... kaya di ko magawang humarap sakanya ng dala ang nararamdaman ko, sobrang naduduwag ako kaya pinilit ko nalang makontento sa pagtingin sakanya sa malayo at sinubukang magkagusto sa iba, pero kahit kailan hindi mapapantayan iyon ng katotohanan siya parin talaga ang pinakagusto ko sa lahat. At ang nararamdamang iyon ay lalo pang naging imposible sa nangyari kay Gail, isamg bagay na panghabang-buhay ko na pagsisisihan." "I'm really! ! . . really! sorry Miss gorgeous!" Bakit ba dinala ako dito ng tadhana? Ano bang sense nito?.... Para makapag-explain siya? Para marinig ko yung side niya? Walang kwenta... Ang akala niya ba mapapatawad ko siya dahil sa confession niya?.. H-Hindi ako naniniwala. Sinasabi ng pakiramdam at puso ko na hindi siya nagsasabi ng totoo dahil hanggang ngayon sobrang sakit parin ng mga ginawa niya. Pero ang utak ko, kumbinsidong totoo ang lahat ng tinuran niya kasi kitang-kita ko iyon sa mga mata niya. Hindi ko na nakayanan at agad kong binawi ang kamay ko dito saka bumaba sa kotse niya. Bakit kailangan kong marinig lahat ng iyon kung kailan lasing siya. Naguguluhan na talaga ako, ano ba itong nangyayari bakit parang nag-iiba ang tingin ko sakanya ngayon?? No. Hindi pwedi toh! 'Napakatraydor talaga maglaro ng tadhana.' Hanggang sa pag-uwi ko sa bahay ay punong puno parin ako ng pagtataka, mag-aala sais na ng umaga ay di ko parin maramdaman ang antok sa sobrang puno ng tanong ng utak ko. Sa sobrang pag-iisip ko ay bumangon na ako ng tuluyan at kinuha yung box na pinaglalagyan ko ng notes na binibigay niya sakin. Binuksan ko iyon at binasa ang mangilan-ngilang notes. Palaging nasa dulo ay from 'IamvilaC'.................... what the heck? Bakit ang b*bo ko naman sa part na yun kahit sinong magbasa nito pwera sa kashongahan ko ay mahahalatang nakabaliktad yung name na nakalagay dahil capital iyong last letter. 'I am Caliv' that's it, the hell my mind! Ba't ngayon ko lang naisip yun. Pano niya ko nagustuhan? Ako daw maganda, bulag ba siya o doleng? Tumingin ako sa salaming nasa harap ko. Mukha akong puting version ni Moana dahil sa kulot kong buhok at kung nagkataong maitim ako jusmeyo mala-igorotang sinaunang Pilipino na yata ako. Teka, bakit ko ba iniisip yun tsk.. nakakasira talaga siya ng ulo wala na siyang ibang ginawa kundi guluhin ang buhay ko. 'Ang wirdo din ng taong yun. Sana lang naman talaga tadhana pakiusap! Huwag mo ng pagtagpuin ang mga landas namin pakiusap lang!' . . . . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD