(FLASHBACK - not so long ago) Denise Since pinagkatiwalaan ako ni Brion para ayusin ang gusot sa buhay niya ay kailangan ko mag-isip ng magandang plano kung papaano pa-plantsahin ang problema niya. Although wala pa naman ang problema pero ang mga ganito'ng issue ay kailangan i-resolve ng mas maaga. Kahit pa sabihin na malayo pa ang eleksyon because when it comes to politics, hindi uso ang salitang malayo. I need both of their files. I need to know kung ano ba ang nangyari sa mga buhay nila sa nakalipas na limang taon. Lahat ng pwedeng makatulong, ultimo katiting na impormasyon ay kailangan ko. Walang problema sa timeline ng pinsan ko'ng si Brion. Kahit pa sabihin na pinsan ko siya eh hindi rin siya nakaligtas dahil pina-imbestigahan ko din siya. Hawak ko ang files nilang dalawa.

