Adrianna As usual, hindi rin umubra ang balak namin ni Farah. Ngayon masasabi ko talaga na makapangyarihan ang pamilya nila Brion. Hindi man lang ako nakapagpaalam at nakapagpasalamat kay Farah bago ito umalis dahil kahit hindi man natuloy ay willing naman siya na tulungan ako. Laking pasasalamat ko naman na pinagbigyan ako ni Ate Denise at ihahatid niya ko sa kinaroroonan ni mama. Pinauna na niya ko pinasakay sa loob ng sasakyan, may tatawagan lang daw siya saglit pero sa isip ko malamang si Brion ang tatawagan niya. Naalala ko bigla ang aking cellphone, kaya kinuha ko ito sa loob ng aking evening bag. Ang daming missed call ni Brion at ni Clarissa at may mga text message din, pero wala ako sa mood basahin iyon ng bigla naman ito'ng nag-ring. Clarissa is calling... Wala pa naman

