Adrianna Finally, binuksan na din niya ang pintuan ng sasakyan at nagmadali na ko’ng bumaba para makalayo sa kanya. Nasalubong ko agad si mama pagpasok ko pa lang sa bahay. Nagtaka pa ito at bakit ako umuwi, nag-message na kasi ako sa kanya na du’n ako kina Clarissa dapat matutulog kanina bago ako umakyat ng bintana pero sa kasamaang palad ay hindi natuloy. Tinanong pa nito kung kumain na ko, sinabi ko na lang na oo kahit hindi pa dahil gusto ko na agad magkulong sa kwarto ko at baka ma-corner na naman ako ni Satanas. Nang makapasok sa aking silid ay agad ko’ng ini-locked iyon, pumunta na ko sa banyo para maligo muna para matanggal ang lagkit at kung ano man ito’ng nararamdaman ko na init sa katawan ko. Habang nakatapat ang aking ulo sa shower ay napapikit ako at inaalala ang mga tag

