Brion Naka-upo kami ngayon sa kama ni Adrianna Sweetie sa loob ng kwarto niya. Parehas nakasandal ang aming mga likod sa headboard ng kama. "Alam mo hindi ko maintindihan si mama, bakit parang ang hirap niya kontakin minsan, ano ba yung business na inaasikaso ni Tito Jose at kailangan pa nila mag-stay dun ng matagal, at saka December na oh, paano yung set-up ng holiday celebration natin, uuwi ba sila or pupuntahan ba natin sila dun." Ang wika niya habang hawak niya isang black clear book folder. Wow, dedicated si Adrianna Sweetie sa kanyang trabaho at dala-dala niya pa dito sa bahay yung clear book folder. "Ano ba'ng sabi sayo ni Mama Rose?" Ang tanong ko sa kanya. "Ayun nga eh hindi malinaw ang sagot niya basta bahala na daw tapos parang lagi siya nagmamadali, dati ayaw nun ng text

