Chapter 11

4792 Words
REE POV IT’S BEEN A WEEK SINCE THE LAST TIME WE TALKED. Mukhang wala talagang paramdam ang isang ‘yon. Kaya naman naisipan ko muna na lumabas upang makipag-usap sa engineer at architect ko. I have laid my plans, pero lupa na lang ang kulang. They offered some spots, pero hindi ko makitang magandang mapatayuan ang lugar na ini-suggest nila. I drove myself into a hotel, doon kami magkikita ng mga contacts ko sa project na ito. But just before I get myself into the café of this hotel, my eyes has caught somebody at the reception. Gumalaw ang bibig ko patagilid sa pagpipigil na mapangiti ng husto. Kita mo nga naman kapag swerte na ang siyang lumalapit. Suot ang sweat shirt kong itim at nakatali ang buhok ko habang nakatago ang mga mata ko sa sun glasses ko, ay nilapitan ko ito. She’s busy discussing with the receptionist. Inilapit ko ang bibig ko sa tainga niya habang nasa likod niya ako. I can smell her scent that makes me take a deep breath. I don’t know, but suddenly I just want to smell her hair. “Taking me in?” bulong ko sa tainga niya. Maliksi siyang napatingin sa gawi ko, muntik na dumapo ang bibig ko sa pisngi nito. Mabuti na lang at maagap akong gumalaw papalayo mula sa kaniyang tainga. “You again?” singhal niya. Hindi pa rin pala bumababa ang boses nito. “Yes, and I think you’re stalking me,” saad ko. Nagtaas-baba ang tingin nito sa akin. Kaya naman napansin ko ang suot niya. Natawa ako dahil bitbit niya ang signature hand bag niya at naka-slip on slang ito suot ang punit-punit niyang skirt at nakaputing polo sleeves. Nakatali ang buhok nito at kita ko ang buong mukha niya. She don’t wear accessories except her vintage watch. Most of the women I know would dress up like there are paparazzi’s who would take their photos in all angles. But I like how she dress, simple but classy lalo na at ang linaw sa mata ng kulay niya. Pero kung anong simple niya manamit, salungat naman ugali nito. “Did someone raped you?” tanong ko. Tiningnan niya ang sarili niya at nakita ko na mabilis na nagsalubong ang kilay nito. “I am sorry, I mean to say, did someone ripped your skirt?” binawi ko kaagad. “Why do you care?” tanong nito na pa-singhal. “Just asking,” napasandal ako sa counter ng receptionist at napakamot ng ilong ko sabay baba ng sun glasses ko at tumingin sa kaniya. May hawak akong coat sa kamay ko at iniabot ko rito. “What is this for?” taas kilay niyang tanong. “Lahat sila nasisilawan, suot mo,” sabi ko. “Ano?” “Fine, I just want you to realize if you happen to wear your,” sabi ko sabay baba ng tingin ko sa legs niya. I see how her face changed suddenly. Her cheek turned red. Habang tinitingnan ko siya ay napansin ko ang parang cardigan na nakatali sa hand bag nito. “Can I?” tanong ko sabay hawak dito. Kinuha ko agad at iniladlad sa harap niya to see if this can cover her legs. “What are you doing?” tanong nito. “Tingnan mo nga, hindi ka ba naaawa sa legs mo,” saad ko. “Let it be,” sabi nito. “Please wear pumili ka ng itatakip mo sa legs mo,” hiling ko pa. She think a little time at took my coat instead. Inisablay niya ito sa balikat niya. My coat looks longer to her dahil mas matangkad ako kaya halos natabunan na ang skirt nito sa likod. “Better,” sabi ko. “Bakit ka ba nandito?” “Bakit ka nandito? Who’s with you?” tanong ko. “Why do you care? I stay here whenever I don’t feel like going staying home,” sagot niya. “So you stay here and have fun all night?” “It’s not what you think, sometimes, silence makes me think better,” sagot niya. “I see, so can I take you somewhere?” tanong ko. I want to let her see the other reason na itatayo ko ang training school na ‘to na hinihiling ko sa kaniya na i-lobby sa dad niya. “May lakad ako, bakit k aba nakikigulo?” tanong nito. “Cancel that appointment, may mas mahalaga akong pagdadalhan sa ‘yo,” sabi ko. “How can I trust you? Mamaya ipalapa mo pa ako sa leon, ‘wag na,” singhal niya. “Do I?” “Ayoko,” tanggi nito. Hinila ko siya at hinigpitan ang hawak sa kamay niya. Nagpupumiglas pa sana na kumawala sa hawak ko pero ayoko siya bitawan. Gusto kong makita niya ang lugar na ‘yon at mga taong gusto kong makilala niya. I think she will change her mind if she happens to meet them. “Pwede ba? Huwag mo na akong dalhin, pakialam ko ba sa lugar na ‘yon,” hindi ito tumitigil sa pagrereklamo. I opened the door of my car for her. This will be the first time na may dadalhin ako sa lugar na ‘yon. I hope she will understand and she will agree with me later. “Anong drama ‘to? Kahit anong gawin mo, ayokong sabihin kay Dad.” “Ang sabi ng Daddy mo, ikaw ang tanungin ko.” “Ano ba? Bakit kailangan na istorbohin mo pa ako? Don’t you know, I have to see my dermatologist?” Humalakhak ako sa sinabi niya. May allergies ba siya? O magpapaganda lang? “You do have time for beauty, but you don’t have time for a short tour,” sabi ko. “Hindi ako pwede, ibaba mo na ako dito.” “Please, just for a while. Pag-isipan mo pagkatapos, I promise na hindi ka magsisisi,” saad ko. Hindi na siya umimik pa at inabala ang sarili sa phone niya. Supladang-suplada pero kahit galit ay nakikita ko ang lambing sa mukha niya. Lucas is so lucky to have a sister like her. I wish to meet him pero wala pala siya dito. Maybe in some other time makikita ko na siya. “You have brothers right?” tanong ko. “Let’s not talk about my family,” sabi nito. “Alright,” sabi ko na lang. I took my phone and called my Engineer and Architect para i-cancel ang meeting namin. Uunahin kong makuha ang kailangan ko, we can have a meeting tomorrow. LIA POV TAHIMIK lang akong nakaupo. Bakit ba kasi nag-krus na naman ang landas namin? Anong ginagawa niya sa hotel? He looks tidy today, pwera na lang sa buhok niyang hindi kasundo ng gunting. Ang tahimik sa loob ng sasakyan niya. Suddenly I heard sounds of music coming from his lips. I don’t expect na nakakanta siya, but he sounds good to my ears. Napasandal ako sa upuan at ipinikit ang mga mata ko. This trip is unexpected at mukhang may kalayuan ang pupuntahan namin. Sayang naman ng appointment ko ngayon, pero hayaan ko na lang ang isang ‘to kung saan kami pupunta. Besides, it’s been a year since the last time I went out of town. “We are here,” sabi niya ng marahan sa tainga ko. Hindi ako naalimpungatan sa boses niya kung ‘di ay sa hininga niyang kay init sa balat nang dumapo ito sa pisngi ko. Iminulat ko ang mga mata ko at hindi man lang ako nakaimik sa nakita ko. How could he know this place? Akala ko ba hindi naglalabas ng lungga niya ang isang ‘to. Tumingin ako sa kaniya at hindi ko lubos maisip na alam niya ang lugar na ‘to. “Dito?” tanong ko sa kaniya. “Yes this is the place I want to show you,” saad niya. “Anong gagawin mo rito?” tanong ko. “Anong gagawin natin? We will give those things to them,” sabi niya. “What things?” tanong ko. Tumingin siya sa labas at nakita ko ang wing van na nasa tabi nan g sasakyan niya. Anong meron sa loob nito? He unbuckled my seat belt which I usually do for myself and suddenly somebody does. “Come with me, I will show you around,” bumaba siya at mabilis na umikot para pagbuksan ako ng pinto. Hindi ko maintindihan kung paano niya natunton ang lugar na ‘to. Bumaba ako at nagtaas ng tingin. This never changed, ilang taon na mula nang huling nagpunta ako rito. Nandirito pa rin kaya ang mga kilala ko? Sana ay oo naririto pa rin sila dahil tiyak na matutuwa sila if they will see me. Galak ang siyang naramdaman ko sa loob ko dahil ang tagal kong gusto magawi rito. But Dad won’t ever allow me to come. Kaya nga hanggang city na lang ako at hindi makarating sa lugar na ito. Isa itong kanlungan ng mga batang may kapansanan lalo na ang mga batang pipi at bingi. Dati naghahatid pa ang mommy ng mga charity goods dito. But lately she stopped. “How’d you know this place?” tanong ko. “Just like how you don’t want to talk about your family,” sabi niya. I get it, ayaw niya pag-usapan kung paano siya napadpad dito. “Excuse, sir ipapasok po ba?” tanong ng driver ng wing van. “Please, do.” Pumasok naman hanggang sa b****a ng building ang wing van. May kasama naman na dalawang tao ang driver kaya pinagtulungan nila ibaba ang mga equipments mula dito. Nanlaki ang mga mata ko mga inilatag nila sa damuhan. Mukhang mga gamit ito sa pastry. Bakit may ganitong dala si Ree? Aanhin niya ang mga ito? Nagbebenta ba siya? Ito ba ang negosyo niya? But I just can’t ask him dahil kasasabi lang niya na gaya ko, ayaw kong tinatanong, so I assume ayaw din niya. May sumalubong kaagad sa amin. Isang lalaking may katandaan na at kilala ko ito. “Mr. Roshchild,” bati niya sabay kamay dito. At kilala pala siya. Ang pormal ng tawag sa kaniya. Mahigpit na paghawak sa kamay sa isa’t-isa ang nakita ko sa harap ko. Lumingon naman ang matanda sa akin at ngumiti. “Lia?” nagtataka niyang sambit sa pangalan ko. He still recognizes me, kahit ilang taon na akong hindi nagagawi rito. “Rector,” saad ko. Siya ang director nito na ipinakilala sa akin ng mommy noon. “Ako nga po,” sagot ko. Mangha ang siyang gumuhit sa mukha niya. Natutuwa siguro at nakabalik ako rito. “Hindi ko inaasahan na makita kang muli, nag-asawa ka na pala?” tanong nito. Muntik na akong masamid sa sarili kong laway dahil sa narinig ko mula sa kaniya. Mukha na ba akong nag-asawa? “H-hindi po, Rector, hindi ko siya asawa,” sabi ko agad. Bago pa magkagulo-gulo dahil wala akong tiwala sa kasama ko. “So you know her, Rector?” tanong ni Ree. “Of course, ang batang ito ang kalaro ng mga bata rito noon.” Lumingon si Ree sa akin at napatingin na lang din ako sa kaniya. Nakakahiya na hindi man lang ako nagsabi sa kaniya agad. But here we are. “It’s good to know,” napatango siyang nakangiti bilang tugon niya kay Rector. “Come, nasa loob sila at matutuwa silang naparito kayo,” sabi nito. Hindi ko lubos akalain na didikit ang kamay ni Ree sa likod ko. Para bang aakayin pa ako papasok. Pero huli na ng mapansin ko na magkadikit na kaming naglalakad na dalawa. “Could you,” sabi ko. “What?” tanong niya. “Kamay mo,” puna ko rito. “Let it be, baka kasi mabangga ka ng mga batang naghahabulan. Hindi pa naman nakaririnig ang mga ‘yan,” saad nito. Tama siya, makukulit ang mga batang naririto na nadadaanan namin. Natutuwa akong makita sila ulit at halos malaki na ang iba. Kita ko rin na may mga bagong bata na naririto. Maybe their parents have abandoned them dahil sa kapansanan nila. If only I can make them hear sounds and speak words to be heard, pero hindi sila pinalad sa bagay na ‘yon. Naglalakad kasi sa pasilyo at si Rector ay maraming ikinukwento kay Ree. They sound so close like they knew each other for so long. “Mabuti at tumawag ka na makararating ka,” saad nito. “I told you, I will find time to meet everyone again,” sabi nito. “Ang Mommy mo, hindi na nakakatwag dito. Kamusta siya?” “She’s busy with business, kaya umuwi ako para sana ako na lang ang gagawa ng hindi niya magagawa para sa mga bata.” “Look how you’ve changed, talagang nagkaisip ka na bago ka nakabalik dito.” Nagkunot ang noo ko sa usapan nilang dalawa. Ang akala ko na ako ang higit na kilala, ay mukhang mas kilala ang isang ‘to at ako na lang ang bisita. I LIKED IT THERE. Doon ko lang ulit naramdaman ang katahimikan. I have been living city life at ang kalaro ko ay sarili ko lang. But what amazed me more ay nakita ko na ang mayabang na kasama ko at over-confident na lalaki ay may malasakit pala sa mga tao rito. We are in his car. I assume na iuuwi na niya ako kaya naman kinuha ko ang phone ko mula sa hand bag ko. Tumikhim siya matapos siyang pumasok pero hindi ko binigyan ng pansin. “Aren’t you cold?” he asked. Napataas ako ng aking tingin sa bandang unahan dahil ikinagulat ko na naman ang tanong nito. Kanina habang nakaupo ako na mag-isa at pinagmamasdan ang mga bata, he asked me if naiinitan ako. Ngayon naman kung nilalamig ako. Aba naman, mukhang may change of heart ang isang ‘to. Tiningnan ko siya agad. “H-hindi,” mabilis kong sagot. “Bakit kasi ang iksi ng skirt mo?” I saw his eyes roll down my skirt. “Paki mo?” Singhal ko. “Are you always like this?” he asked me. “Hindi, sa ‘yo lang.” “So may galit ka?” nagkunot ang noo niya sa tanong niyang ‘yon at bahagyang humarap sa akin. “Wala.” “Can we talk?” “Kausap mo naman ako, bakit ka pa nagpapaalam?” “Alright, maybe this is not the right place for us to talk.” Mabilis siyang nagpaandar ng sasakyan. “Are we going home?” tanong ko. “Kung hindi mo ayusin ang tono ng pananalita mo, hindi ka uuwi.” “This is not right,” protesta ko pa. “Then what is right?” “Iuwi mo na ako,” pakiusap ko. “You drive,” sabi niya. “Ayoko nga.” “At bakit? Gusto mo umuwi, tatlong oras lang naman.” Napasalikop-bisig akong sumandal at pinikit na lang ang mga mata. Why can’t I do something? Hindi na ako umimik. Naririndi ako makipagtalo sa isang ito. I am thinking of doing something, pero baka kausapin lang ako ng isang ito. Gusto niya siya lang ang nagtatanong, ayaw naman niya pansinin ang mga tanong ko. “Hey, Lia.” Nagulat ako at tinawag ako sa pangalan ko.Seriously? He knows to call me my name? Hindi ko minulat ang mga mata ko at nanatiling nagkukunwari na tulog. “I badly need your help tungkol sa proposal ko,” he said. Then I remember kung ano ‘yon. “Please help me get that lot, doon ko itatayo ang training school na matagal ko ng pangarap. If this will be materialized, makikinabang ang mga bata sa kikitain ng training school. And I can take them there too para mag-aral sa pagluluto at iba pang bagay na pwede nilang mapagkakitaan.” He sounds serious. Kaya ba dinala niya ako doon? Para makita ko sila at pagbigyan ko siya? Isang kurot sa puso ko ang siyang pumukaw sa isip ko. But I don’t want to entertain him now. I am tired at gusto ng katawan ko humimlay. Ang dami ng sinasabi niya and he sounded like a music to me. Lalo pa at malamig ang boses niya. Ilang saglit pa at hindi ko siya inimik ay narinig ko na lang siya na kumakanta. Hindi ko alam kung bakit napakanta siya. But that song he sings, sounds weird to me. Parang ballad na rock na ewan. But he sounds cool to my ears. May talent pala ang isang ‘to talaga. Hanggang sa naidlip na ako ng tuluyan. I OPENED MY EYES. Isang malamig na hangin ang dumampi sa pisngi ko. It’s dark all around. Ginabi kami. Napalingon ako sa driver’s seat at wala siya doon. But I can smell something. Nakakagutom naman. Tumingin ako sa itaas at nagulantang ako sa aking nakita. “s**t!” bulalas ko. Nasaang mundo ako at nagkikislapan ang mga bituin? “You awake?” he asked. Ikinagulat ko lalo nang makita ko siyang nakatingin sa akin mula sa taas. “Ano ka ba?” Singhal ko. Kung saan-saan na naman ba niya ako dinala? “Where are we?” mabilis kong tinanggal ang seat belt at bumaba sa sasakyan. I think we are in the middle of nowhere. Malayo ang lights mula sa ibaba. I chilled when the cold wind welcomed me. “Here,” sabi niya sabay abot ng coat niya. Napayakap ako sa sarili ko. Nasa Tagaytay ba kami? Bakit naman ang lamig. “Come on, kunin mo na,” sabi niya. I just looked at him. Hindi siya makapaghintay at siya na mismo ang naglagay nito sa likod ko upang matakpan ang katawan ko. “You’re so slim, kumain ka naman ng maayos, nagmumukha kang,” sabi niya. “Nagmumukhang ano?” agad kong singit. “Nothing.” Tumalikod ito at sinundan ko siya ng tingin. He lit bon fire in a distance at parang may niluluto siya doon. Anong trip meron ang lalaking ito? He’s weird, really weird. Inikot ko pa ang mga mata ko at my nakita akong folding chair at may lamesa pang kasama. Is he camping? Naloko na, bakit ako dinamay? Sana inuwi man lang muna ako. “Ano ‘to? Nagdesisyon ka maglatag dito ng camp site?” tanong ko. “Ayaw mo? You can now leave, Miss Herrera.” He is threatening me now. “I cant stay here, iuwi moa ko, I need my bed,” sabi ko. “Who told you were staying? Gusto ko lang paranas sa ‘yo ang buhay na ayaw mo,” sabi niya. “So this is how you want me to remember? Live like nomadic?” nanggigil ako sa lalaking ito. “Could you behave for a moment? I grilled meat for us, napadaan ako kanina sa isang supermarket. Napasarap ang tulog ko kaya hindi na kita ginising. I missed doing this, naisip ko lang. Since kasama kita, damay ka muna.” Napahugot na lang ako ng aking hininga. Where the hell did he get all these? Inikot ko ang mga mata ko sa paligid. My tent siyang nilagay sa tabi ng sasakyan sa kabilang side. Naloko na talaga. He’s spending the night here? Seryoso ba siya? “Ree please this is not my thing, take me home.” Tumayo siya at nilapitan ako. “Why would you worry? Nakatulog ka nga sa tabi ko while I drive, that means you trust me,” sabi niya. He’s right, nakatulog ako, ibig sabihin ay kampante ako sa kaniya. “Sit down, gusto ko na kumain, I bought you a salad, okay lang ba na hindi ako ang gumawa?” he asked. What is the deal with that? Nakakapagtaka naman. Naupo kaming dalawa. He placed the food in front of me. He is right wala akong choice dahil kasama ko siya. I need to eat dahil nahihilo na ako. Kanina may ipinahanda nga siya sa orphanage pero hindi naman ako kumain. I noticed na hindi rin siya nakakain doon dahil naging busy niya sa board. I am craving these foods before me. How’d he know I like them all? Gusto ko na kumain pero hesitant ako dahil baka pagtawanan niya ako. “Go on, eat whatever you like to,” sabi niya. Inilatag niya ang pinggan sa sa harap ko. Naisipan niya ba talaga magdala nito? O sadyang sinadya niya ‘to ngayon na mangyari? “Susubuan pa ba kita?” tanong niya. “No need,” sabi ko. Kusa kong pinagsilbihan ang sarili ko. Sa totoo lang ang ganda-ganda ng paligid. We are like in a hill at overlooking dito ang mga nagkikislapang ilaw sa baba. Those looks like blazing fires na malalaki. But I don’t have the idea kung ano ang naroon. Tahimik akong kumain. I want to thank him, pero ayoko. Ginusto niya na isama ako kaya wala akong utang na loob sa isang ‘to. He grilled fish and some meat. Natawa na lang ako ng matikman ko ang meat, dahil nagluto siya na walang asin. Kita nga naman kung bumalik ang karma. Kailangan niyang magpakabusog sa walang lasa na pagkain. “How’s that?” tanong niya dahil nakita niya akong tumikim. “Ang sarap-sarap. I suggest ito lahat ang kainin mo. I go for the fish. Okay lang ba?” “Really? It’s good?” tanong niya. “Let me put this on your plate.” I offered him my service. Gusto ko I enjoy niya ang walang lasang luto niya. Natatawa ako sa isip ko dahil d’on. Pero hinihintay ko na mag-react man lang siya sa lasa. Nagulat akong naubos niya ang inilgay ko. Hindi ako nakaimik. How did he swallowed that tasteless meat? Napangiwi ako dahil parang nakakaawa siya na walang lasa ang kinain niya. Tumayo ito at may kinuha mula sa isang cooler chest. At may cooler chest pa na dala. He handed me a can of beer. “Pati ito, dala mo?” gulat kong tanong. “Of course,” sabi niyaa sabay bukas ng beer niya. Nilagok niya ang laman at napaawang na lang ako na nakaupo sa upuan. “How’d you like that tasteless meat?” tanong ko. “Anong masama? I liked it,” sabi niya. Grabe hindi ko kaya ‘yon. “Wait, bakit tayo nandito?” tanong ko. “I am tired, I don’t wanna go back in Manila. Kaso kasama kita, kaya tiisin mo muna. I bought you that one, you can rest inside. Hindi ko kasi alam kung okay sayo na sa loob ng car. Kapag kasi ni-hotel kita baka sa b****a pa lang ng pinto mag-eskandalo ka na, mapahiya pa ako.” Sa sinabi niya, nakakatuwa. Naisip niya pa ‘yon? “Are we that far? Pwede naman sa hotel na lang, I can get myself a room.” “Ayaw mo ba ma-experience man lang saglit ang ganito?” “Camping?” tumawa ako. I think he is sentimental. Only a few would risk a night and spend it under the skies having a thin sheet roof. “Kung hihilingin ko ba na tatlong oras lang tayo dito to grant your wish to stay, payag ka? Tanong ko. I cannot stay here all night. Mauubos ako sa lamok at maraming insekto dito. I cannot sleep knowing my roof is so thin. Humalakhak siya saglit. What’s funny? “Yeah,” sagot niya. “I don’t have a time for things like this.” “You don’t have or don’t want to?” he asked. Naupo siya sa harap ko at sumandal sa upuan. “So what else do you do at night when your not interested in camping?” “Interesado ka o na-iintriga?” tanong ko. “Fine, if I may, ilang taon ka na?” tanong niya. “Nasa legal age na ako.” “Napaka-considerate mo talaga kausap. Do you always do that?” he asked. “Sa’yo,” sagot ko. “I think you’ll like me.” Maliksi akong tumayo. Nag-umapaw yata lahat ng yabang sa langit at nasalo niya lahat. “Oh? Planning to walk away? Malayo ang bayan dito, sinadya ko sa liblib na lugar para hindi moa ko layuan.” “Could you please? Just s-shut the f**k up. Naririndi ako sa ingay mo.” Bulalas ko sa kaniya. I need to call on somebody to pick me up here. Pero sino? Magagalit na naman ang dad if he will know where I am. I checked on my phone, and unfortunately, wala itong baterya. Magkakautang na naman ako sa ubod ng yabang na lalaking ‘to kung makikisaksak ako sa kotse niya. Kaya naman ay naglakad ako papalayo kung saan siya naroon. Gusto ko na lang ng katahimikan. I need to make myself calm at i-preserve ang pasensiya ko. Mauubusan ako ng magandang asal sa lalaking ‘to. Ilang minuto lang na wala siyang imik, ay nagulat na lang ako nang may tumunog mula sa likod ko. This sounds like a string. That ukulele swings me in the cold wind wearing his coat. Parang nasa tabing dagat lang ako at nakikinig sa musika habang nilalanghap ang malamig na sariwang hangin. Ree got a lot to keep his self. Pero bakit niya pinaririnig sa akin ang mga musikang alam niya? Kanina, he sang a song that made me fall asleep, and now he plays the strings to calm me. My heart couldn’t resist the melody it hears. Napapakalma ang isip ko at gusto ko ang naririnig ko. Napalingon ako sa kaniya at doon nagsimula siyang kumanta. I can’t describe how I feel right now, but his saddening strums made my tears fall from my eyes. Mabilis kong pinahid sa hindi ko malamang dahilan. Why did I cry upon hearing that tune? Napansin niyang nakatingin ako sa kaniya habang hawak ko ang beer sa kamay ko. Tumango siya at ngumiti ng pasaplid. Biglang iniba niya ang tono ng tinutogtog. He brushed the strings with a danceable tune at doon na lang ako napangiti na rin. I sat beside him and listened to him sing. Hours passed at humihikab na ako. “Sleepy?” he asked. “I am,” sabi ko. Tumayo siya at niligpit niya ang mga gamit. Kumilos ako para tulungan siya which is not my thing. “Leave it, pumasok ka na sa kotse, masyado na lumalamig ang hangin.” Hindi ko na siya kinontra. I settled myself inside. Buntong ng hininga na lang ang nagawa ko. “Let’s find an inn,” he said. “We should. Gustong-gusto ko mahiga, nakakapagod.” “I am sorry for dragging you here.” “It’s okay. I actually liked it here. Far from everything, and I felt good.” “I am happy to know, it’s time to leave.” He drove us into an inn. Bumaba kaming dalawa at napapaisip ako. I am praying in my head na hindi messy ang lugar na ito. It’s almost ten in the evening and the parking lot looks congested. “Are we getting in?” I asked him. Sa palagay ko kasi wala na kaming makukuha na dalawang kwarto nito. “Stay inside the car, ako na lang ang kukuha ng room sa loob. I will check the place kung maagugustuhan mo ba? I can’t let you sleep in a bed na mangangati ka lang,” sabi nito. Nakakatawa lang dahil naiisip niya pala ang mga ‘yon? “No, I insist I want to go inside too. May itatanong ako doon.” I want to check the place if this is safe for me. Pumasok kami. The place looks good. Pwede na for a night to stay. We approached the reception area. “Miss I’d like to know if my hot and cold shower?” tanong ko kaagad. Ree was about to ask pero ako na ang bumungad. “Yes, Maam meron po.” “Sounds good, we need two rooms.” Mabilis kong sabi. “I am sorry, Maam we only have one vailable room for two,” sabi niya. I shook my head. This can’t be. I need to go to the bathroom, nangangati na ang paa ko. I don’t have clothes to wear, maliban sa robe kung meron sila. “I’ll take it,” sabi ko. “Para po sa inyong dalawa, Maam?” tanong neceptionist. “W-wait,” he interrupted. “We need two separate rooms, Miss.” “I am sorry, sir pero isa na lang talaga. Nag-occupy kasi ang mga bikers, halos lahat po ng rooms sa kanila naka-reserve. “ “We can’t stay in a single room.” Pagpupumilit ni Ree. Napaisip tuloy ako. I need to use the bathroom now. I badly need it now.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD