Chapter 7

2746 Words
NANLILISIK ANG MGA MATA NIYANG NAKATITIG SA AKIN. He looks scary na parang mangangagat. “You can’t pay me?” basag niya sa katahimikan sa pagitan namin. “Obviously, yes I can’t,” nagtaas ang kilay ko at halos hinihingal na ako sa pakikipag-usap sa lalaking ito. Tumalikod siya at napatingin sa itaas habang hawak ang ulo niya. Lumingon siya sa akin at mabilis na lumapit. He grabbed my arm at hinila ako patungo sa upuan. “Sit,” utos niya. Anong akala niya sa ‘kin, aso na sasabihan nang sit, then uupo? Nanatili akong nakatayo at matapang na nakatingin sa kaniya. “Tell me who you are,” sabi niya. Napaisip ako kung sasabihin ko ba ang pangalan ko. If he will know me, ay baka lalo lang niya ako gipitin na bayaran ko ang sinira ko. If that happens, my parents will kill me for messing up. Mapapahiya ang buong Herrera dahil kilala na ang negosyo ni Dad. Ayoko mangyari ‘yon. Lalo lang ako makukulong sa mundong gusto kong takasan. “You, brat speak,” untag niya. “If I won’t tell you my name, what will you do?” “Do? I might kill you for smashing my car,” nakikita kong nag-ngingitngit siya sa galit. I know I made a big mistake. Nagpadala ako sa galit, and here I am now, stuck with this man I messed with. Napaliksi ang dibdib ko nang itaas niyang muli ang kamay niya. Akala ko tatamaan ako n ’on. Napahilamos lang pala siya. Ibinaba ko ang aking tingin at napapikit na lang. I should apologize to him for doing this. Maybe I can do something. I closed my hands to pull some strength na makapagsalita sa harap niya. It is time to submit, Lia. “I am sorry for causing you trouble, but I am sorry that I don’t have the money to pay you. I have jewelries, but that won’t be enough to fix the damage I caused,” mahinahon kong sabi. Yumuko siya at napaiwas ako kaagad. Ang akala ko ay lalapit na naman ito sa ‘kin. But he picked a stick from the table and he lit it. He smokes? Sa itsura nga niya, oo naninigarilyo nga. “Sit down, dahil pipi ka at hindi ka marunong magpakilala,” saad niya. “Tell me, bakit mo kilala si Tim?” Naupo ako dahil parang kalmado na rin siya. Pero ang kaba sa dibdib ko ay hindi ko ma-kontrol. Ang laki pa naman niyang tao, tapos tagos sa kaluluwa ko kung tumingin ang mga mata niyang napakaseryoso. “A-ano,” untag ko. “Boyfriend mo?” Umiling ako agad. He’s not my boyfriend. He will never be. “Hindi,” sagot ko. “Then bakit dito ka pumunta? At sasakyan ko ang pinagdiskitahan mo? Don’t you know that car is a limited edition? Ipinamana ‘yon ng lolo ko sa ‘kin. How dare you do that?” Doon ko lang naramdaman ang sakit sa dibdib. May sentimental value pala maliban sa mahal. I made a mistake. Maling-mali ang ginawa ko. Should I call dad na ibigay na ang mana ko para ibayad sa lalaking ito? Pakiramdam ko ang mamanahin ko mula kay dad ay siyang presyo ng sasakyan niya. Mamumulubi ako sa lalaking ‘to. “I am sorry but I came from the slum. I am nobody, Sir,” pinipigil ko ang nanginginig kong kamay. Todo ang kabog ng dibdib ko nang sabihin ko ang kasinungalingan na ito. “Then what can you do to for me if you can’t?” nagpausok ito mula sa sigarilyong hawak. “Allow me to finish my degree. If I find the job, I will pay you.” “Are you kidding? Don’t you hear youself?” “I know it’s hard to do that. But I really cant do it now. I will just sell my jewelries, and the rest, I will pay later. Just spare me from lawsuit, please,” pagmamakaawa ko. Tumitig siya sa akin at nanlaki ang mga mata ko nang makita kong binaybay ng mga mata niya ang katawan ko. What is he thinking? Ngumisi siya na parang alam ko na ang nasa isip. “You look young and you’re still young. Where are your parents? I want to speak to them.” Umiling ako kaagad. Ito ang hindi pwede, Lia. Malaking problema lalo. Fix this now or else you will die forever. “Nag-aaral pa ako,” usal ko rito. “Nag-aaral ka at malakas ang loob mong mangwasak ng sasakyan ng iba. I don’t believe you,” sabi niya. “But..” “Show me a proof that you are then I will spare you, or else we can both make a deal that will free you from bigger liabilities,” padaliang kumilos paitaas ang ulo niya na parang naghahamon na sa akin. “Ang bastos mo.” “You’re a brat. Huwag mo ako pinagloloko sa drama mo. Hindi ako lumaki sa palasyo para hindi mabasa ang mga tulad mo. Nasaan ang mga magulang mo?” “I told you, mahirap lang ako. Nagkamali lang ako nang akala na kay Tim ang sasakyan mo. Babayaran kita. Pero huwag ngayon.” Biglang nabasag ang bangayan namin nang tumunog ang phone niya. Tumayo siya at tumungo sa bandang balcony na nakabukas ang pinto. Doon niya sinagot ang tawag. Naisipan ko bigla na pagkakataon ko nang tumakas ngayon. Tumayo ako at dahan-dahan na naglakad papunta sa pinto para makalabas. Habang abala siya ay pagkakataon ko nang tumakas. Nilingon ko pa ito na nakatalikod at abala sa kaniyang kausap. I think mekaniko ang kausap niya dahil ikinukwento niya dito ang problema sa sasakyan niya. I slowly opened the door and I quickly shut it. I then rushed myself to the lift. Pero saktong umaayon ang panahon sa akin, nang pagbukas nito ay nakita ko ang walang hiyang lalaki na sumira sa plano ko. “Lia,” sambit ni Tim sa pangalan ko, mabili itong humakbang palabas ng elevator para lumapit sa akin. Biglang nag-apoy ang pakiramdam ko at mabilis na umangat ang kamay ko para salubungin ang pagmumukha niya. “You missed that coming,” tanging nasabi ko ang nakita kong napayuko siya sa paghawak sa ilong niya. There is blood dripping at wala na akong magagawa doon. Mabilis akong pumasok sa elevator at isinara ito. Hindi siya naghabol at nagkatinginan lang kaming dalawa. Wala akong utang sa lugar na ito. Hindi ako makikita ng Ree na ‘yon dahil mawawala ko sa paningin niya. Babalikan ko siya kapag kaya ko nang ibigay ang hinihingi niya. I just need to find a way na hindi magpakita sa bahay. That wedding should called off. I cant just marry a rich man dahil kailangan. I can sort things my own. Alam ko na kaya ko. Wala lang tiwala ang parents ko sa akin. REE NAGKASALUBONG KAMI NI TIM. He’s bleeding. Anong nangyari? Kung kailan naman pinaghahanap ko ang babaeng ‘yon, ngayon naman ay nagdurugo ang mukha ng isang ‘to. “Tim?” nagsalubong ang kilay kong nagtataka sa nangyari sa mukha niya. “Bro she hit me,” bungad nito na nakahawak sa ilong niyang dumurugo. Nilapitan ko siya kaagad. “Sino may gawa?” “Ang unica hija ng mga Herrera.” “Herrera? You mean, Lucas?” turan ko. “Kilala mo ‘yon?” tanong ni Tim. Hindi ko siya sinagot. I pretended like I heard nothing. “Come, let me help you with that,” inakay ko na lang ito patungo sa unit ko. Hindi ko alam na may kapatid na babae si Lucas. Ang buong akala ko ay hindi makapagbibigay ng anak ang mommy niya. But here, Tim just said na kapatid ni Lucas ang nakabangga niya. We get in at hinanap ko kaagad ang first aid kit ko. Inilapag ko ‘yon sa table para kay Tim. This man aint a man of troubles. Alam kong mahaba ang pasensya ng isang to. Kung meron mainitin ang ulo, ay ako ‘yon. Kaya nagtataka ako at humantong ‘to sa ganito. Napasandal ako sa mesa na nagsalikop-bisig at tinitingnan siya. “Tell me what happened?” sabi ko. Ngayon siya na lang ang aalalahanin ko. Mukhang mas kailangan niya ang kausap. Parating na rin naman ang mekaniko ng sasakyan. Siya na ang bahala magtransport n’on para ayusin kung may nasira nga. Sa sobrang gulat ko sa mga nangyari, after that woman fell off, ay nawala sa isip ko kung ano ang nangyari sa sasakyan. “My fiancé tried to run away. Malas niya lang dahil ang kaibigan niya ay madaldal,” sabi nito habang abala sa pagpahid sa dugo sa mukha niya na nagmumula sa ilong niya gamit ang gasa. Napailing ako, “ you mean a woman made you look like this?” “Huwag mo ako tawanan, Ree. Alam mo na may mga babaeng sobrang feminine kumilos pero may itinatagong lakas sa loob. Hindi ko lang alam bakit ganoon na lang kalakas ng loob niya. She punched me on my nose, at tingnan mo ngayon ‘to?” sabay turo sa ilong niya. “I can see you, bro. Pero mas masakit yata ang nangyari sa akin ngayong araw nang dahil sa ‘yo.” Nagtaas ng tingin si Tim sa akin. “What do you mean to say?” “That woman who punched you, and the woman who smashed may Lambo, Muira, I guess iisang tao lang.” Tumayo si Tim. “What? I don’t get it. You mean dito siya galing? How can you be so sure to say that?” “Sa kwento mo, at sa nangyari sa pagmumukha mo ay hindi malayo mangyari na iisang babae lang ang umagrabyado sa atin.” Kumuha ngayon ng phone si Tim. He even showed me her picture. “Yeah,” tumango ako, “that’s her. She smashed my car at the parking ground dahil hinahanap ka. Gusto ko pa sana paglaruan, kaso nakatakas. Masyado kong niluwagan ang bantay.” “So dito pala tumungo? I wonder who told her I stay here sometimes,” sabi ni Tim. “Wala akong maintindihan sa mga nangyari. Could you please tell me? Hindi ko alam kung bakit ako nadadamay dito? Ipinagpipilitan niya na sa iyo ang Muira ko,” sabi ko. “When was the last you asked for it?” tanong ko kay Tim. “I am sorry, Bro,” napahawak sa batok niya si Tim habang ang isang kamay naman ay may hawak na tissue na nakalagay sa ilong niya. “Noong engagement night na nagkita tayo sa bar.” “I see. Kaya ba sure siya na sa ‘yo. ‘yon? Didn’t you told her that you got trouble with your car? Now you pay for the trouble she caused me. Ayaw akong bayaran, nag-aaral pa raw eh.” “Naloko ka n’on? Nag-aaral nga siya. But she owns the Herrera’s Shipping lines, Ree. Malabo na walang pera ‘yon. Look it, she even smashed your millions of worth car, you think she is?” Napahilamos ako ng mukha ko. “So she is Lucas’ sister?” tanong ko kay Tim. “Exactly, Ree. Kapatid siya ni Lucas, she is Lia Yssabelle Herrera.” Lia Yssabelle na heredera pero ubod ng tapang. What is she up to? She looks like she grew up in the wild. Kakaiba dahil karamihan sa mga kilala ko sa society ay iba naman magsalita, iba kumilos. Pero ang isang ‘to ngayon ko lang nakita. Napahugot ako ng hininga at napailing sa aking naiisip. “You know what? Minamadali ko na sana ang kasal so we can file annulment after. I only want to grant my dad’s wish na maikasal sa anak ni tito Enrico. But look, sobrang ilap at mahirap itali.” “Dismayado ka sa pagiging mailap? O dismayado ka at inayawan ka?” “You know me, Bro. I can get all the women I want.” “All the women you want? What about Herrera? Don’t you want her?” tanong ko kay Tim. “I will catch her and her leash, soon.” “Huwag kang pasisiguro dahil madulas ang isang ‘yon.” “Ano ba ginawa sa sasakyan mo?” tanong ni Tim. Ikinuwento ko sa kaniya lahat. He said, I must let it pass dahil kapatid naman ni Lucas. But she should be liable sa ginawa niya. Hindi ibig sabihin na magkakilala kami ni Lucas ay hahayaan ko na lang. “Do you have her address?” tanong k okay Tim. I wanted to chase her. Hindi dito magtatapos ang lahat. Ayaw na ayaw ko sa lahat ay ang niloloko ako at pinaiikot sa laro nila. “Address? Naglayas nga sa bahay nila. Her mom called me to stop her from leaving. Kaya kami umabot sa ganito at nadamay ka.” “So kasalanan mo?” tanong ko sa kaniya. “Now look, Tim wala akong mukhang ihaharap sa pamilya ng tatay ko sa nangyari.” “Bro she broke my nose. Your car could be fixed, but look at me,” itinuturo niya ang kaniyang ilong. “I am sorry, Bro. Dalhin na kita sa ospital. Doon maaayos nila ang problema mo diyan.” “No I can do it myself,” sabi nito. “I just want to apologize sa ginawa niya sa ‘yo.” Tinapik lang ni Tim ang balikat ko at nagpaalam na itong aalis. Mukhang mag-hunt pa ako sa babaeng ‘yon. Maraming tao akong maaabala dahil sa kaniya. But since she is Lucas’ sister, tama si Tim na hayaan ko na lang si Lucas ang siyang mag-settle nito. Hinatid ko sa pinto si Tim at hinanap ko ang phone ko. I need to speak to Lucas now. Maybe he can help me see her sister. Gusto ko lang ipakita sa kaniya that I am not someone she can play tricks with. Baka nakakalimutan niya ang pangalan ko. Nakailang tawag ako kay Lucas, but he does not answer it. I think mas maigi na puntahan ko siya ngayon. But how am I supposed to do that kung kukunin ng mekaniko ang sasakyan? I cant drive it if its broken. Kaya bumaba ako sa parking ground to check on my car bago pa man tanggalin doon. Napakamot ako ng ulo sa nakita ko. I will be spending for this? This is crazy. She should at least replace the wind screen. Pero matigas ang babaeng ‘yon. Should I see a lawyer? Kung mangyayari ‘yon ay another burden na naman. Ayoko pa naman ilagay ang sarili ko ngayon sa mga ganiyang bagay. I came home to fix myself and think of the next thing to do. Mas gugustuhin ko na lang sana ang tahimik na pamamalagi dito. But this woman messed up with me. “Sir ayos na po ba ang babae na nagwala dito kanina?” basag ng isang staff ng condo sa katahimikan ko na nakatitig sa sasakyan. “You saw her do it, right?” tanong ko. “Oo, Sir. Kaya nga inaawat ko. Sigurado ako mananakit katawan n ‘on sa sobrang galit niya na nagawang basagin ang wind screen niyo.” “Maybe,” tugon ko dito. LIA TILA NAGHAHABULAN KAMI NI MOMMY. “Talk to me, Lia. Nakakahiya ang ginagawa mo. Hindi mo ba naiisip na pwede maiskandalo ang pangalan ng kompanya dahil sa kalokohan mo? Grow up for God’s sake, Lia,” untag ng mommy na nakasunod sa likod ko habang paakyat ako sa kwarto ko. “Mom at once,” nilingon ko ito nang mapahinto ako. “Ask me if what I want to do,” sabi ko. “Kulang pa ba ang pagbigyan kang lustayin mo ang pera ng Daddy mo?” “Mom it’s not about money or anything. It is about my life,” singhal ko dito. “Your life?” “Yes, my life that you are trying to manipulate. Hindi ko kailangan ng asawa, Mom. What I need is to have a life.” “Anong klaseng buhay, Lia? Alam mo ba na hiyang-hiya ako kay Timothy sa ginawa mo.” “So ikaw? Ikaw na naman ang may kagagawan na hindi ako natuloy. Kasi nakialam ka, Mom?” seryoso kong tanong. She was about to lift her hand when somebody hold it. “Lia come to my office, hija. We will talk,” mahinahon na sabi ng Daddy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD