“HOP in.. Ibababa kita sa mas maliwanag na lugar.” Ito ang sabi niya habang nakahawak sa manibela ang kanang kamay niya.
Maliwanag daw? Kailangan ko ng titingin sa sasakyan ko.
“No.. I need my car.”
He looked at my car na nasa harap ng sasakyan niya.
“Well I think I can’t help you with your car, Miss?” tila sinadya niyang iwanan sa ere ang huling salitang sinambit. “Come on! I’ll drop you off kung saan ka pwedeng makakahingi ng tulong.”
“Saan?” tanong ko rito dahil sa pagtataka na kung saan ako dadalhin ng isang ‘to.
“May malapit na gasoline station dito, right?” he asked.
Napatango ako. Of course kabisado ko naman ang lugar namin.
“But in one condition.”
“Ano?”
“You will have to go with me tonight. I have an urgent meeting.” Umatras ako mula sa pinto ng sasakyan niya. Ayoko nga sumama rito. Huwag na lang. I will stay inside my car and I will wait for help.n“Huwag na lang.” turan ko rito na nagtataray na dahil sa inip.
Bumaba siya kaagad at binuksan niya ang pinto sa kabilang bahagi. He’s waiting for me to get in.
“Halika na..”
“No, Sir.” Umiling ako. “I won’t. I just need help kung may maitutulong ka.”
“Well, I want you to know,” muli ay ibinaling niya ang kaniyang tingin dito. “I can’t fix it,” sabay ng pag-iling niya at tumingin sa akin habang hawak niya ang nakaawang na pinto ng kaniyang sasakyan.
Nagsalubong ang mga kilay ko. “Then you may leave me here,” untag ko sa kaniya.
Nilapitan niya ako at nagbaba ng tingin. Ilang segundong tingin ang kaniyang ginawa. Inilapit pa nito ang mukha niya sa akin na naging dahilan naman ng paglihis ng aking katawan sa pag-iwas sa kaniya.
“You were begging for help,” he said in whisper as his breath touches my face. He smells good, I admit.
“Tapos ngayon magpapaiwan ka?” nagtataka niyang tanong ngayon. Tama naman siya. I need his help. Pero ayaw ko maki-ride. Sa pag-iisip nito ay napairap ako ng aking mga mata. Nilalamig na ang hita ko at pakiramdam ko ang sagwa na parang napakaluwang ng loob ng suot kong bestida.
“I-i will stay inside my car,” utal kong sambit na nakatitig pa rin ang mga mata nito sa ‘kin.
“Fine!” he said and stepped aside.
Napakurap mata naman akong tumingin sa kaniya.
And to my surprise ay mabilis siyang pumasok sa sasakyan niya at pinaandar ito.
He’s leaving? Seriously? How rude of him?
Nanginginig ako sa inis nang makita kong umatras siya para makaalis na. He drove away. I closed my fist in disappointment. How could somebody leave a woman here.
“Damn you!” I shouted in disgust.
Napasandal ako sa sasakyan ko dahil hindi ko na alam if what else can I do?
BACK PAIN is what I feel right now. It’s cold and my bed feels a bit hard I guess. Bumalikwas ako upang maghanap ng mas comportableng pwesto dito sa kama ko. But this feels not like my bed. I am slowly trying to open my eyes kahit parang ang sarap pa matulog.
Ramdam ko rin ang bahagyang kirot sa ulo ko. Did I had a drunken night last night? Mabilis kong hinawakan ito at iminulat ang aking mga mata.
My eyes were wide open with a question in mind and speak.
“Where am I?” I whispered to myself for I see another kind of a ceiling.
Oo tinatanong ko ang aking sarili ngayon. Inikot ko pa ang aking tingin sa paligid. Nagsalubong ang kilay ko na nanlaki ang mga mata nang mahimasmasan ako. “This is not my car,” utal kong sambit at napahawak sa aking bibig na muntik ng mapanganga.
“Shit.. what did I do?”
I looked at myself and I am still wearing my clothes. Pero nang tingnan ko ang aking sarili ay mas lalo akong nakaramdam ng kaba. Kinapa ko pa ang aking dibdib dahil sa hindi ko inaasahang kaba. Paano ako napadpad dito? I checked on my under garment at okay naman. I suddenly remember na wala akong undie kagabi.
Napailing ako. No.. Meron akong undie. I remember na nakabili ako sa convenience store.
Tama nakabili ako eh. Pero lalo naman akong napakunot noo when I remember that guy na sinamahan ko. Napahawak ako ng aking ulo because I left my car somewhere else.
Kumilos ako ng mabilis. Ibinaba ko pa ang damit ko dahil bahagya itong nalukot paitaas. Napalingon ako sa paligid, at maliwanag na pala. And I am in a parking lot? I am trying to remember on what happened last night. I smell my breath and it sucks. Nakainom ako kagabi.
Uminom kami ng kasama kong lalaki? Napahilamos na lang ako sa pagkabalisa. Taranta na akong kumilos upang lumabas sa sasakyan. Hindi ko alam kung saan siya naroon. Pero ayoko siyang makita ako sa ganitong sitwasyon. Nakakahiya. A little thought quickly bothered me. What if, Lia?
I shook my head to calm myself. Mabilis kong sinulyapan ng tingin ang lugar. Nasa hotel kami?
Nanindig ang balahibo ko na isipin na naririto kami sa parking lot ng isang hotel.
I should leave right now. Patakbo ko nang lakarin at nilisan ang sasakyan niya. Hahanap ako ng masasakyan dahil tiyak na may kalalagyan ako pagdating sa bahay.
Hindi pa man ako tuluyang nakalalayo ay may natanaw akong taxi. Pumara ako rito at sumakay.
“Maam saan po, tayo?” kaagarang tanong ng driver. Sinagot ko kaagad at nakiusap na bilisan upang marating ko ang bahay namin.
Balisa pa rin ako. Who is he? Did I slept with him? Ang sakit ng ulo ko. Maybe I had enough last night.
Hindi ko alam kung alin ba sa mga nasa isip ko ang totoo. Ang sabi ko hahanap ako ng makakapag-ayos ng sasakyan, but here I am. Wala akong nagawang ganoon dahil nasa sasakyan ako ng lalaking ‘yon.
Bakit naman iniwan ako sa loob? Nasa labas na kami ng hotel. Mabilis akong napahugot ng hininga sa pag-iisip. Napikit ako ng mariin dahil sa isiping, baka nagyaya siya na mag-hotel kaming dalawa. Pagkatapos ay hindi ako sumama kaya iniwan niya ako sa sasakyan.
I slowly reached on my temple and massaged it slowly. Relax muna, Lia. You’re thinking too much. You did not make out with the guy. Masaki tang likod mo dahil nasa upuan ka ng sasakyan niya.
Pero bakit nasa driver’s seat ka? Tapos three sixty degrees na nakaunfold ang upuan ng car niya?
I again rubbed my face. Pinagpapawisan ako ng malapot. This is not right. I should not have left the car. Paano ngayon masasagot ang mga tanong ko?
Then something came into my mind.
“BURNING inside. This is how I feel right now.” Bulong ko sa lalaking kasama ko. We were dancing at the bar.
“Hey I think, let’s call it a night,” malinaw ang narinig ko mula sa bibig niya.
Tumingin siya sa ‘kin. And I smiled like crazy. “Night? No.. handsome you go and leave me here.”
Nagtaas ang sulok ng kaniyang labi. “I am Ree,” pasigaw na nitong saad dahil malakas ang tugtog.
“Shut up!”
“Do you want me to take you home?” he offered.
I laid my head on his shoulders. I stayed that way for I am tipsy, just a little bit.
“I think we should leave now.”
“Not.. yet.. I just started,”
“Hindi mo na kaya.”
Inilayo ko ang ulo ko sa balikat nito at mabilis na kinuwelyuhan ko siya. I stared at his eyes. They look so perfect and I think I found him. I smiled insanely like I was flying in space lightly.
I grabbed his head close to me. More closer to my lips. I kissed him like he’s gonna burn with my kiss.
“Tastes better..” I said when I let go of him.
“Whoah! What was that for?” he held my arms and looked into my eyes. Napapatawa ako sa reaction nito.
“Men always asks for a kiss when they buy women a drink..”
Tiningnan niya lang ako. “Did you liked it?” tanong ko para lang makasiguro.
“Your kiss?” mabilis niyang sagot.
Mabilis akong tumayo at lumapit pa sa kaniya. I dared to sit on his lap. I kissed him again like I never cared around me. “Buddy open it, let me in,” I softly whispered to him. “Take me to your car..”
“You’re drunk..”
“Who’s drunk?” tanong ko sa kaniya. Itinuro ko agad ang aking sarili. “You call me drunk? You bastard, I am not drunk.”
“But I can see you losing your balance already.”
I laughed at him. He’s ridiculous to say that. “How lame of you, buddy? Come on! Where is your car?” tanong ko rito na parang wala sa sarili.
Dumukot siya ng pera mula sa wallet niya at iniwan sa counter. He helped me, holding me tight on my waist. I felt my body was swaying into the wind.
Nasa parking lot na kami at binubuksan niya ang sasakyan. I put myself in at pumasok na rin siya. I intensely pulled him closer to me grabbing his shirt. Pero hindi pa ako nakontento at gumapang na papunta sa kaniya.
“You should do this with me,” I whispered to his ear.
THIRD POV
ISANG TAPIK sa kaniyang balikat ang kaniyang naramdaman.
“Lia wake up.”
She opened her eyes and it’s her Dad sitting beside. “Nananaginip pala ako. My head hurts. I had a nightmare I guess. Pero iba ang sakit ng ulo ko ngayon. I feel like I was drunk last night.” These are her thoughts unspoken.
“Come on, Lady. We need to talk.”
Bumangon agad siya at sumandal sa head board ng kaniyang kama.
“Where were you last night? You were wasted.”
Napapikit siya nang isipin kung ano ang nangyari. But she cannot remember anything except that dream she had.
“Sino ba kasi ang lalaking ‘yon?” now she’s talking into herself.
“Lia I am asking you, anak.”
She looked at her dad.
“I don’t know, Dad. I can’t remember where I was, what I did.”
“Pwede ba naman na makalimutan mo? Tim took you home last night. Nakakahiya naman sa magiging manugang ko na inuuwi ka niyang lasing.”
“W-what?”
“Yes! You were wasted at hindi ko lubos maisip na uuwi ka sa sitwasyon na ‘yon.”
Napahawak siya sa ulo niya sa pagtataka sa sarili.
“My head hurts, Daddy. Can we talk later?” hiling niya rito.
“Well, I guess we cannot. I don’t have much time, dear. Me and your mom will have to go for a business trip.”
“Aalis ka kasama si Mom?”
“Ikaw sana ang isasama ko, but I guess, Tim needs to spend some time with his future wife.”
“Dad I want to talk to you about it,” mahinang tinig na sambit niya.
“Alright,” tumayo si Enrico at humarap kay Lia. “When I get back. We will surely talk about the details of your wedding.” Napatango-tango itong nagsabi. “Anything you want for your wedding, Lia. Just tell, Dad,” sinuklay ng kamay Enrico ang buhok ni Lia. Ganito siya maglambing sa anak niya.
Napanguso si Lia dahil tutol ang loob niya sa narinig mula rito.
“But, Dad please hear me out.” Nagsalubong na nag kilay niya at halos kumontra ang damdamin niyang makirot.
“I wish too, dear. Pero sumilip lang ako to see you.” Ngumiti si Enrico sa anak.
“I don’t want to get married with Tim, Dad.” Mabilis at mapangahas niyang sabi sa ama.
“Don’t say that, Lia. Think about it.” Tumalikod na ito at tumungo sa pinto ng kaniyang kwarto. He opened it at left her alone in her room.
Napasandal siyang muli at iniuntog-untog ang ulo sa head board ng kaniyang kama.
“I hate you people.”
With this thought of her, something popped into her mind.