Chapter 20 Like Me Not

1262 Words
Pakiramdam ni Viel ay pwede ng pigain ang kamay niya sa pamamawis dahil sa kaba. Ewan ba niya kung bakit ganoon ang pakiramdam niya habang hinihintay ang pagdating ng Aunt Lucca ni Ford. Napalingon siya ng maramdaman na may tila presensiya sa likod niya. Nakita niya si Ford na nakasandal sa hamba ng kusina habang siya ay abala sa pag-aayos ng kusina. Si Tetay naman ay inaasikaso si Klein habang si Nana Aida na muna ang tumitingin kay Baby Ri. Ayaw pa kasi muna nila ni Ford na masyado pagurin ang matanda dahil kakagaling lang nito sa iniindang karamdaman. Siya ngayon ang punong abala sa paghahanda. Inirapan niya si Ford dahil nakapaskil sa guwapong mukha nito ang isang ngiti na hindi niya mapangalanan. Tila iyon paghanga at... pagmamahal? Hindi. Hindi. Imposible. Mahirap maging assumera. "Ano Mr. Ford Damien Montecillo? Tutunganga ka na lang ba riyan? Habang ako rito hindi na magkandaugaga?" pagtataray niya pa. Umalis ito sa pagkakasandal mula sa pader at lumapit sa kanya. "You look so adorable, Babe." Binato niya ito ng kutsarang hawak na mabilis naman nitong inilagan habang tumatawa. "Tigil-tigilan mo iyang kakabola mo. Tikman mo iyong niluto ko, baka may kulang pa na rekado. Nakakahiya sa Aunt mo kapag palpak," pagbubunganga niya rito. Pero ang loko tila aliw na aliw naman sa pagka-aligaga niya. Sarap sabunutan at pitikin sa dragon balls! "Ano iyon, Babe? Tikman kita?" panunudyo pa nito. Pinaglapat niya ang mga labi at gigil na muling dumampot ng kutsara at akmang babatuhin ito pero mabilis nitong inangat ang mga kamay tanda ng pagsuko. "Joke lang! Eto na nga oh, titikman na!" Ang mga mata ng hinayupak ay tila nagsasayaw sa tuwa. Lumapit ito sa kalan at tinikman ang niluto niyang kare-kare na paborito raw ng tiyahin nito. Pinagmasdan niya ito habang tumitikim. Napapikit pa ito habang ngumunguya. Hindi niya mabasa ang reaksyon nito kaya muli nanaman siyang kinabahan. Napakurap pa siya ng biglang dumilat si Ford. "Oh my god Babe! Ano nga ulit pangalan ko?" sambit nito na nagpasingkit ng mga mata niya. Kaunti na lang talaga makakalbo na niya ito eh. "Sige mambwisit ka pa. Bahala kang humarap mag-isa mo sa tiyahin mo!" pikon na angil niya rito. Tumalikod siya at akmang magwa-walkout. Naiinis na talaga siya sa hindi nito pagseseryoso. Agad naman itong humabol at mabilis siyang niyakap mula sa likod. Ibinaon pa nito ang mukha sa leeg niya na may kasamang pagsinghot. "Sobrang sarap ng luto mo, Barn. I'm sure magugustuhan ni Aunt Lucca ang kare-kare mo," pag-aalo nito sa kanya. Tinatangka niyang alisin ang kamay nito sa pagkakayapos sa kanya pero matigas ang pagkakakapit nito. Ginapangan siya ng kilabot ng maramdaman ang labi nito na magaan na dumadampi sa leeg at balikat niya. Maygad! Parang hinihingal siya sa malakas na pagkabog ng dibdib niya. "Ford, bitaw na!" "Ayoko!" pagmamatigas nito. "Isa!" banta niya. "Kiss muna. Kahit smack lang," hirit pa nito. Walang kahirap-hirap siya nitong naiharap at mabilis na hinapit palapit lalo sa katawan nito. Ang mga kamay naman niya ay napakapit sa magkabilang braso nito na malabakal sa tigas. "Ford, pwede bang tigilan mo na ang pangbubwisit mo? Ang dami pa nating kailangang ayu---," hindi niya natapos ang sasabihin ng walang babalang sakupin nito ang labi niya. Masuyo, mapang-akit, marahan, walang pagmamadali. Wari bang ninanamnam nito ang pagkakalapat ng mga labi nila. Napakalambot ng labi nito at hindi niya maisalarawan kung gaano iyon kasarap. Sh*t! Sabay silang napadilat ng makarinig ng pagbusina mula sa gate. Sa gulat niya ay naitulak niya pa ito. Pakiramdam niya ay nag-iinit ang pisngi niya. Habang ang talipandas ay halos mapunit ang labi sa lapad ng ngiti. Dinilaan pa nito ang ibabang labi habang nakatitig sa kanya. Sarap sipain! "Aunt Lucca's here. Come, Babe. Salubungin natin," parang kaswal lang talaga rito ang kapangahasan nito. Samantalang siya, halos mabingi sa lakas at bilis ng t***k ng puso niya. Hinila siya nito sa kamay at nagpatinaod na lang siya. Bumukas ang pintuan ng mansiyon at iniluwa ang isang babaeng napakasopistikada at elegante. Unang impresyon niya ay nakaka-intimidate talaga ang presensiya nito. Tila alagang-alaga ang mukha nito dahil walang wrinkles at kulubot roon. Ang sabi ni Ford ay nasa mid-50's na ito pero hindi halata. Parang nasa early 40's lang ang itsura nito. Ang mga kilay nito ay talaga namang on fleek at perpektong nakahabi. Ang labi naman nito ay natatabunan ng kakaibang kulay ng lipstick. Parang brownish na black. Para tuloy itong kumain ng tinta ng pusit. Nakagat niya ang labi. Sorry po! Nakasuot ito ng coat na itim na may fur sa may kwelyo. Parang siya ang naiinitan sa suot nito. "Aunt Lucca!" sinalubong ito ni Ford ng yakap. "Damien, ang higpit ng yakap mo! May galit ka ba?!" paangil nitong sambit habang kinakalas ang malalaking braso ni Ford. Gusto niyang matawa sa reaksyon nito. Agad naman kumalas si Ford at sabay silang natawa ng tiyahin. "Sorry Auntie. How's your flight?" "Okay naman. But I think I have jetlag," hinilot nito ang sintido at napadako ang tingin sa kanya. "Who is she, Damien? Siya na ba ang mapapangasawa mo?" napalunok siya sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. Nanunuri. Nangingilatis. Pakiramdam niya nahusgahan na nito buong pagkatao niya. "Yes Auntie. Meet my fiancee, Viel. Viel, this is my Aunt Lucca," pagpapakilala ni Ford sa kanila. "Nice to meet you po, Ma'am," sambit niya rito pero muli siyang napalunok ng nakita niya ang pagtaas ng kilay nito at paghagod ng tingin sa kanya mula ulo hanggang paa. "Viel," banggit nito sa pangalan niya na tila ba gusto nitong memoryahin ang kanyang pangalan. Mabuti na lang at hindi Aunt ang itinawag niya rito. Kung hindi baka mas mapahiya pa lalo ang pakiramdam niya. "Auntie, doon na tayo sa dining area magkamustahan." basag ni Ford sa tila tensyon na namumuo. Inalalayan na nito ang tiyahin papunta sa komedor at sumunod naman siya. Whew! Magaling naman siya bumasa ng kilos ng tao, pero dito sa Aunt Lucca ni Ford ay tila hindi umubra ang galing niya. Syet na malagkit! Tila nakakubli ang totoong emosyon nito. Inobserbahan niya rin ito habang kumakain dahil kinakabahan siya baka hindi nito magustuhan ang luto niya pero wala rin siyang makuhang reaksiyon mula rito. "Viel, come with me at the library," napatigil siya sa pagliligpit ng pinagkainan nila ng magsalita si Aunt Lucca. Huminga siya bago masuyong tumango. "Opo," sagot niya. Agad ng tumalikod ito at naglakad paakyat sa library. Panandalian kasing umakyat sa kwarto nito si Ford kung kaya't naiwan sila ng tiyahin nito. "Ma'am, nandito na po ako," wika niya matapos makapasok sa library at marahan na isinara ang pinto. Nakaupo ito sa couch. "Sit down," utos nito sabay turo sa kaharap nitong upuan. Agad naman siyang tumalima. "Alam mo ba kung bakit kita ipinatawag dito sa library, Viel?" tanong nito. Ayun nanaman ang mapanuri nitong tingin. Gusto niyang umirap sa hangin. Manghuhula ba siya? Duh? "Kung oofferan n'yo po ako ng sampung milyon para layuan ko ang pamangkin n'yo, sige po tatanggapin ko kahit medyo mababa iyon. Mahal kasi bilihin ngayon, Ma'am." wala sa loob na sagot niya habang nakapaskil ang tila alanganing mukha niya. Sandali itong natigilan at napatitig sa kanya na ikinakaba niya. Paktay kang bata ka! Preno-preno rin kasi ng bibig Viel! Ngunit napakurap siya ng bigla itong humagalpak ng tawa. "Oh my god, Hija! I think you're watching too much dramas!" sambit pa nito sa pagitan ng pagtawa na halos parang naiiyak na ngunit agad din na tumigil at sumeryoso. Tumuwid ito ng upo at inayos ang sarili. Luh? Gagi. Kaya pala Lucca ang pangalan. Baliw yarn? Char!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD