Chapter 24 The Past and The Present

1298 Words

Nakaawang ang mga labi ni Viel habang pinapakinggan ang mga sinasabi ni Jasper. Humigpit ang hawak niya sa baso ng kape na nasa harap niya. "Believe me, Vi. Hindi ko gusto ang iwan ka. Kinausap lang talaga ako ng kuya mo para layuan ka," yumuko ito at humigit ng hangin bago muling tumingin sa kanya. Napaka-amo pa rin ng mukha nito. Iyon ang bagay na una niyang nagustuhan dito noon. Ngumiti siya ng mapait. "Kasama ba roon ang pang-iinsulto mo sa 'kin?" she hissed beneath her breath. Pinipigil ang emosyon at sakit na muling bumabangon sa dibdib niya habang inaalala ang nakaraan na nagpalugmok sa buo niyang pagkatao kasama ng kumpiyansa niya sa sarili. Umiiling ito at agad na inabot ang mga kamay niya na mahigpit pa rin na nakabaon sa baso ng kape na tangan. Bumaba ang tingin niya sa kama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD