Prologue

290 Words
“Wala ka na nagawa na tama! Wala ka talagang silbe sa pamilya na to! You never deserve having our name attached to yours!” I just let them scream all they want. Kahit naman ano ang gawin ko, mali para sa kanila. Baka nga kapag tinanong kung ano ba ako sa buhay nila, hindi nila sinasabi na anak nila ako. “Leave this house and never come back! Never ever show yourself to us again! You are such a disgrace!” and with what my dad said I immediately went to my room. Hinayaan ko muna na ilabas ng sarili ko ang lahat ng sakit na itinago ko kanina habang sinisigawan nila ako. Sa loob ng twenty years na nabubuhay ako hindi ko man lang nakita sa kanila na tuwang tuwa sila na naging anak nila ako. Unti-unti ko nang sinimulan ang pagliligpit ng gamit ko. Pasalamat na lang ako at may nabili akong condo na lingid sa kaalaman ng pamilya ko. I was eighteen nung binili ko ang condo na iyon. Pinatulong nila ako sa kompanya nila at ang pera na nakuha ko ang pinambili ko. Nagustuhan ko rin ang location dahil malapit sa eskwelahan ko. Nang mailagay ko na lahat ng gamit ko sa mga bag ko ay agad ako nagpatulong sa mga kasambahay namin para maipasok sa kotse ang mga gamit ko. Pinapangako ko na darating yung araw na kakayanin ko na makilala ang pangalan ko dahil sa lahat ng hirap at sakripisyo ko sa pangarap ko at hindi dahil anak ninyo ako. Itinatak ko sa isip ko ang mga kataga na iyan. Pagod na ako sa trato ng ibang tao! Gusto ko kung ierespeto nila ako ay dahil sa pangalan na mayroon ako sa industriyang ito at hindi dahil anak ako ng isang kilalang negosyante!

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD