KABANATA 3

1684 Words
Naalimpungatan ako mula sa malalim na pagtulog nang makaramdam ako ng matinding lamig. At ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata nang makita ko ang silid na aking kinaroroonan, dahil hindi pamilyar sa akin ang silid na ito. At isa pang nakapagpalaki ng aking mga mata ay nang mabungaran ang matinding liwanag na nagmumula sa labas ng silid. Hindi ko alam kung nasaan ako at ano ang mga sumunod na nangyari nang oras na nawalan ako ng malay. Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng silid at saka ko lamang napagtanto na nagmumula ang lamig na aking nararamdaman mula sa aircon na nandito sa loob ng silid. At alam kong pang mayaman lamang ang lugar na ito. Wala akong mga kakilala o kaibigan sa school na mayayaman at tanging si Analyn lamang din ang aking kaibigan sa unibersidad na alam kong tulad ko ay isang kahig isang tuka rin lamang ito na gagawin ang lahat para sa pamilya. Mabilis akong napabalikwas at agad hinanap ang aking bag. Maayos namang nakapatong sa maliit na lamesang nasa gilid ng kama ang lahat ng aking mga gamit. Dali dali kong kinuha ang aking cellphone upang tawagan si Sandy dahil alam kong sa mga oras na ito nag aalala na rin iyon. Ganoon na lamang ang muling panlalaki ng aking mga mata nang makita kong halos alas otso na ng umaga, kaya naman mabilis akong napatayo at agad tinahak ang pintuan palabas ng silid habang bitbit ang aking mga gamit. Subalit muli akong natigilan nang mapansin kong iba na ang aking kasuotan at hindi ko alam kung nasaan ang aking uniform at sapatos dahil tanging bag at ilang libro ko lamang ang aking nakitang nakapatong sa side table ng kama. Isang maluwag na bestida ang nakasuot sa akin katawan at isa pa ring malaking palaisipan sa akin ay kung sino ang nagbihis o nagsuot sa akin ng damit na ito. Agad akong napasinghap at agad nahipo ang aking dalawang mapipintog na monay saka ko isinunod ang aking sariwang tilapya, pagkatapos ay saka ko pinakiramdaman. Napakibit balikat na lamang ako dahil wala naman akong naramdamang kakaiba sa aking sarili o ano mang masakit sa aking katawan, kaya naman napahinga ako ng maluwag sa kaalamang nananatili pa ring sariwa ang aking tilapya sa mga oras na ito. Nagsimula na uli akong lumakad palabas ng silid upang maghanap ng taong maaaring mapagtanungan kung paano ako napunta rito at lalong higit ay kung nasaan ang aking uniporme na hindi ko iyon puwedeng iwanan dahil siguradong tatalakan na naman ako ni Sandino. "s**t!" mariin kong mura. "Tatawagan ko nga pala ang baklang iyon." Agad kong kinuhang muli ang aking cellphone sa loob ng aking bag, subalit muli lamang akong napamura nang makita kong nakapatay na iyon at nang sinubukan ko namang buhayin ay hindi na talaga nagbukas pa. "s**t! Bakit ngayon ka pa na-low bat." Palatak ko dahil sa inis na nararamdaman. Wala na akong nagawa at ibinalik na lamang uli ang cellphone sa loob ng aking bag saka ako nagpatuloy sa pagbaba ng hagdanan. "Ay mabuti nam–––" "Ay de putang ut*n ng kabayo!" malakas kong sambit ang pumutol sa pagsasalita ng isang ginang. Hindi ko napigilang mapasigaw ng malakas, dahil sa matinding gulat kasabay rin ng malakas na pagsigaw ng ginang na marahil ay nagulat ito sa aking naging pagsigaw. Hindi ko napansin ang ginang na nasa aking gilid nang tuluyan na akong nakababa dahil sa pag iisip kay Sandino. "Watch your words, young lady." ma-awtoridad na sambit ng isang matipunong lalake na ngayon kapapasok lamang sa loob ng bahay. Natigilan ako at napatulalang napatitig sa kabuuan nito na basang basa ng pawis ang suot nitong kulay gray na t-shirt na medyo hapit sa katawan habang pinaresan nito ng isang kulay puting sweatpants na lalong nagpaganda sa mala-adonis nitong anyo at tindigan. Hindi ko napigilan ang aking sarili na titigan ito ng paulit ulit mula ulo hanggang paa, at hindi ko rin napigilang magtagal ang aking mga mata kasabay ng bahagyang pag awang ng aking bibig nang lumantad ang anim na pandesal ng lalake sa aking harapan. Shit na malagkit my virgin eyes! Nagkakasala na yata ako, oh God! Huwag n'yo naman pong hayaan na madungisan ang aking inosenteng mga mata. Leche talaga! Bakit ba naghubad pa ito sa harapan ko. Impit kong sigaw sa aking isipan kasabay nang waring nanunuyong lalamunan dahil sa masarap na putaheng este magandang tanawin na nabalandra sa aking harapan na para bang gusto ko na itong sunggaban o lapitan at baybayin ang bawat linya ng anim na piraso nitong pandesal. "Ay s**t! Pandesal!" malakas kong mura kasabay nang pagtilapon ng aking mga gamit dahil sa matinding pagkagulat nang bahagya akong tapikin ng ginang sa aking braso. "L-Lola, naman! B-Bakit po kayo nanggugulat!" natataranta kong sambit saka ko mabilis na pinulot ang aking mga gamit. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ng ginang kasabay ng pagngisi ni Sir James, ang lalakeng kanina lang ay aking pinagpapantasyahan. Subalit agad akong natigilan at waring naistatwa sa aking kinatatayuan na hindi ko alam kung paano ako kikilos o kahit ang ibaling ang aking ulo sa direksyon ni Sir James nang matauhan ako at maalalang ito ang aking boss sa J-Bar kung saan ako nagtatrabaho. Shit! Ano bang mga pinaggagagawa ko at ano ba kasing ginagawa ko rito! Lecheplan naman talaga, oh! Mapapahamak na naman yata ako ng pagiging best in lutang ko, eh! Impit kong sigaw sa aking isipan saka ako dahan dahan humarap kay Sir James habang nakayuko ang ulo kasabay nang mahigpit na yakap sa aking mga gamit. Nararamdaman ko ang panginginig ng aking mga tuhod na wari bang ano mang oras ay maaari na akong bumagsak dahil sa matinding nerbyus at hiya na aking nararamdam. Sobrang nakakahiya ang aking pinaggaggawa at hindi malabong dahil doon ay alisin ako nito sa bar at mawalan ng trabaho na hindi puwedeng mangyari dahil maaaring masira din ang huling taong pag aaral ko sa kolehiyo. Naramdaman kong humakbang si Sir James papalapit sa akin pagkatapos ay tumigil ito nang ilang hakbang pa mula sa aking kinatatayuan, "Follow me to the office." Tanging sambit nito saka ako tinalikuran, wari namang sa puntong iyon ay nakahinga ako ng maluwag na kumpara kanina ay para akong pangangapusan ng hininga dahil sa presensya nito. "Ineng, napansin ko lang mahilig ka yata sa kape. Abay masyado kang magugulatin, eh. At hindi rin 'yan maganda sa kalusugan, ke bata bata mo pa nerbyusa ka na." Komento ng ginang. Napangiwi na lamang ako kasabay ng marahang pagtango. Sobrang kahihiyan ang aking dinanas ngayon at sa harapan pa mismo ng aking boss. Hays! Bakit ba naman kasi agad kang natulala, Jenniel! Ayan tuloy hindi mo agad naalalang boss mo na pala ang lalakeng pinagpapantasyan mo! Bulong ko sa aking isip habang naglalakad papunta sa direksyong tinahak ni Sir James. Saglit pa muna akong tumigil sa tapat ng pintuan at nagpakawala ng ilang malalim na paghinga pagkatapos ay saka ako mahinang kumatok sa pinto. "Come in!" malakas na sambit ni Sir James mula sa loob ng silid. Dahan dahan kong pinihit ang doorknob pagkatapos ay marahan kong itinulak papasok ang pinto kasabay nang matinding kabog sa aking dibdib. Nakayuko akong bumungad nang tuluyan na akong makapasok sa loob ng silid at saglit pa munang tumayo sa gilid ng pintuan. "Take a sit." Paanyaya nito saka itinuro ang upuang nasa tapat ng table nito. Marahan naman akong tumango saka lumakad sa upuang itinuro nito. Agad akong naupo habang nananatiling nakayuko. "I called the university you are attending to inform them that you will be unable to attend. Do not even bother going into the bar." Imporma nito na mababakas pa ang pagiging ma-awtoridad na awra nito, na lalo lamang nagpagdagdag sa nerbyus at takot na aking nararamdaman. Takot mula sa huling sinambit nito, na kanina lamang ay naiisip kong baka mawalan na akong trabaho dahil sa aking kabaliwan. "And before you lea–––" "Sir, hindi ko po tatanggapin ang huling sahod na ibibigay ninyo, dahil hindi naman po siguro makatarungan 'yong aalisin n'yo ako sa trabaho dahil lang sa pinagnasa– este sa pagkakamali ko kanina. Nabigla lang po ako dahil– a-alam n'yo na first time kong makikita ng katawan ng lalake tapos ang sherep pe este ang– ang g-ganda pa ng hubog ng kata–––" "What are you talking about, Miss Pajares?" nakakunot noong putol ni si Sir James sa aking pagsasalita habang mariing nakatingin sa akin. Napatulala na lamang ako sa guwapo nitong mukha ngunit agad rin akong nagbawi at napatakip sa aking bibig nang bigla akong matauhan mula sa aking mga pinagsasasabi. Shit naman talaga, Jenniel! Bakit ba kasi hindi mo inilulugar pagiging lutang mo! Kastigo ko sa aking sarili kasabay nang palihim at marahang paghila sa aking buhok. "I-Im sorry po, sir." Hingi kong paumanhin habang nananatiling nakayuko. "S-Sabi n'yo po kasi 'wag na akong magabala pang pumasok sa trabaho. Eh, iyon lang po kasi ang nagpapaa–––" "I know, Miss Pajares. Oo, hindi na kita pinapapasok sa trabaho mo mamaya it's because para makapahinga ka at hindi para tanggalin ka sa trabaho. I know you have not gotten enough rest over the last few days because you have been working consecutive overtimes." seryoso nitong sambit habang mariing nakatitig sa akin na agad ko naman ikinaiwas ng tingin dahil pakiramdam ko ay para bang hinihigop ng pares na mga matang iyon ang aking katinuan. "I also know that you passed out at the university yesterday due to work," muli pang sambit ni Sir James. "S-Sir," tanging salitang lumabas sa aking bibig kasabay nang muli kong pagbaling ng tingin dito. Nababakas ko sa pananalita nito ang waring pag aalala para sa akin, dahilan upang makaramdam ako ng matinding kilig. Bumuntonghininga ito, "Before you leave, eat something. Just let Manang Raquel know if you need anything." Tumayo na ito pagkatapos sabihin ang huling mga salitang iyon. Habang ako'y naiwang hindi nakaimik at hindi agad nakakilos na wari bang hanggang ngayon ay idinuduyan pa rin ang aking sarili sa ibabaw ng ulap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD