KABANATA 1

618 Words
PROLOGUE Mistress Gold Digger Ambisyosa Babaeng mababa ang lipad Ilan lang iyan sa mga salitang halos araw araw kong naririnig mula sa mga taong mapanghusga. Ngunit lahat ng iyon ay pikit mata kong hinaharap at nagbibingi bingihinan sa mga taong nakapalibot sa akin. Isang simpleng babae lang ako na nagmahal, at alam kong ang pagmamahal ay hindi ipinagbabawal dahil tumitibok ang puso mo para sa isang taong minamahal. Subalit ang pagmamahal kong iyon ang siya ring unti unting dumudurog sa aking puso at buong pagkatao. "Mahal kita, James, at handa akong makihati, handa akong maging kabit huwag mo lang akong iwan, dahil– dahil hindi ko kaya, hindi ko kakayanin. Mahal na mahal kita," -JENNIEL "Wala tayong relasyon, at kung ano man ang mga nangyayari sa atin ay parehas nating ginusto. And– and I don't love you. I am a married man." –JAMES Mga salitang tuluyang lumusaw sa kakapirasong pag-asang natitira para sa aking sarili. Umasa ako, umasa ako na sa aming dalawa ay parehas kaming nagmamahal, ngunit ang katotohanan ay narinig ko mula sa bibig nito na sa aming dalawa ay ako lang ang nagmamahal. Ang mga salitang iyon din ang nag-iwan ng peklat sa aking puso na hindi ko alam kung paano ko pa maaalis o paano ko pa kakayaning bumangon upang magsimulang muli. Pagdurusa at pagkabigo ang aking natanggap sa inakalang pagmamahal. Unang pag ibig at karanasan na siya ring sumira sa aking pananaw tungkol sa salitang pag-l ibig na hindi lahat ng nagmamahal ay minamahal din tulad ng pagmamahal na ibinibigay mo. Ako si Jenniel Pajares, 22 years old, panganay sa tatlong magkakapatid, at tanging inaasahan ng aking pamilya. Puno ng pangarap at pag asa para sa aking pamilya na kahit anong trabaho ay handa kong pasukin para lamang sa kanila. Aral sa umaga at trabaho naman sa gabi, nasa fourth year college na rin ako sa kursong Bachelor of Science in Nursing, isa akong scholar at dahil doon napag aaral ko ang aking sarili sa tulong din ng aking trabaho sa gabi bilang isang waitress sa J-Bar na aking pinapasukan. At sa loob ng kulang tatlong taon kong pagtatrabaho sa bar na iyon ay wala akong naging problema, maayos ang lahat at malaki ang naitutulong sa akin, dahil sa maayos na pasahod at benepisyo para sa mga kagaya kong working student. Subalit dahil sa isang gabing pagkakamali ay nasira ang aking sarili at prinsipyo, isang gabing dahil sa kapabayaan ko ay muntik na akong mapahamak at makuha ang aking dangal ng mga taong hayok sa laman. Ngunit ang inaakala kong maililigtas ko ang aking dangal ay hindi rin nangyari dahil sa drogang dumadaloy sa aking mga ugat at buong katawan. Halos nagmakaawa na ako sa isang lalakeng gamitin ako upang maibsan ang init na bumabalot sa aking buong katawan na wari bang kung hindi ko mailalabas ang init na iyon ay aking ikamamatay. Hanggang sa nangyari na ang bagay na kahit kailan ay hindi ko inasahan o inisip na ganoon lang kabilis ko maiwawala ang aking dangal. Naibigay ko ang aking sarili sa lalakeng hindi ko kilala, ngunit nang matapos ang gabing iyon ay hindi ako nakaramdam ng pagsisisi sa aking sarili, dahil aaminin kong nagustuhan ko ang ginawa sa akin ng lalakeng iyon, na para bang pagkatapos ng gabing iyon ay muli akong naghangad na maulit pa ang gabing naranasan ko ang kakaibang sarap sa piling ng isang lalakeng hindi ko kilala, na para bang sa bawat oras ay nararamdaman ko pa rin ang mga haplos at halik nito sa aking buong katawan. Kahit ang aking puso ay waring naghahangad na rin sa lalakeng iyon dahil nang gabing iyon ay kasama na rin nitong tinangay ang lahat lahat sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD