"Ninang, naka-ready na po ba kayo ni Santino?" tanong ko kay Ninang Susan nang mapatapat ako sa bahagyang naka-awang na pinto ng silid ng mga ito. "Ay oo, Inyang. Pababa na rin kami!" malakas na tugong namqn ni Ninang Susan, habang naririnig ko pa ang pananaway nito kay Anias Santino. Napangiti na lamang ako habang napapailing. "Sige po, ninang. Hintayin ko na lang po kayo sa baba." Pagkatapos ay kinabig ko na rin pasara ang pinto at lumakad na pababa ng hagdan. Habang pababa ng hagdanan ay muli ko na namang naramdaman ang lungkot sa aking dibdib nang maalala ko na naman ang aking anak mula sa katauhan ni Santino. Nasa isang taon na rin ang bata. Halos kasing edad lang ni Santino ang aking anak kung hinayaan lamang din sana ng Panginoon na mabuhay ito. Hindi ko sana nararamdaman ang p

