KABANATA 14

2006 Words

Mariin akong nakatingin kay Miss Pajares habang patuloy ito sa pagkanta. Aaminin kong hindi ko mapigilan ang aking sariling humanga para sa dalaga. Hindi ko kailanman nalaman o napansin na may ganitong talento ang dalaga, dahil sa loob ng mahigit apat na taon nitong pagtatrabaho rito sa aking bar ay puro costumer, tray, ballpen at papel lamang ang hawak nito sa bawat gabi na makikita ko itong naka-duty, o baka marahil ay sadyang hindi ko lamang talaga ito napapagtuunan ng pansin. Nakaramdaman ako ng bahagyang pagkabog mula sa aking dibdib, pagkabog sa bagay na hindi ko alam kung ano ang dahilan o kung saan nagmumula. Basta't ang alam ko ay humahanga ako sa husay at talento ng dalaga, na para bang gusto ko itong babain upang batiin at sabihing napakahusay nito. "I knew it! S'ya nga iyon!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD