Chance

1779 Words
Episode 12    Pagkatapos tumulong sa pagliligpit nang mesa ay, agad umakyat sa taas si Prae para ayusin ang kanilang kwarto ni Christian at para na din mag ayos nang sarili. Simula kasi nang magising siya kaninang madaling araw ay di pa siya naka ligo. Naghilamos lamang siya at agad nang bumaba para tumulong sa pagluluto. Agad sumilay ang isang ngiti sa kanyang labi nang maalala ang nangyari kagabi. Nakatulog siyang naka unan sa dibdib ni Christian pagkat hindi siya nito binitawan kaya nakatulugan nalang niya ang yakap nito. Kung gaano kabilis ang kanyang pag ngiti ay siya namang bilis nang pagkawala nito nang makapasok siya sa kanilang silid. Nandun pa rin ang mga damit ni Christian sa paanan nang kama, kahit ang medyas nito ay nandun pa rin. Tanging ang Computer bag at ang sapatos lamang nito ang wala na doon. Mas lalong nadagdagan ang kirot na kanyang naramdaman nang makita ang naka lamukot na papel sa sahig. Ito ang mga love notes na kanyang maingat na ginawa kaninang madaling araw bago bumaba. Mabuti na lamang at kahit pappano ay ininom ni Christian ang kapeng kanyang tinimpla para dito.   "Prae, laban lang. Few days mo pa lamang. Kaya pa. Pasasaan ba at makikita at mamahalin ka rin niya" malakas na bigkas ni Prae sa sarili at ibinalik na lamang ulit sa closet ang mga gamit ni Christian. Agad niyang inayos ang higaan nito at tumuloy na sa banyo para maligo. Kahit kasi kinakabahan siya sa kung ano ang magiging reaction ni Senyor Franco sa presensya niya sa pamamahay nito ay excited pa din siyang magpa kilala nang personal sa matanda.             "Pero hindi pa rin ito sapat na rason para, masira ang buhay ko by jumping in a relationship dahil lang sa maling interpretasyon nyo sa nakita nyo at gawin akong pambayad sa utang na loob. Granted that all of you wants to look after Prae para makabayad sa mga nagawa nang parents nito but we can do other things to do it. We are not living in an old era where arrange marriages exist!" malakas na  namutawi ni Christian.   " I am begging you, Hijo. I hear you when you said na wala talagang nangyri sa inyo ni Prae that morning sa Theatre Hall, but what choice do I have? Our family was the reason kung bakit nawalan nang anak at manugang sina Aling Pacing and dumanas sila nang matinding kalungkutan for all these years. Would it still be our family the reason na bibigyan ulit sila nang matinding sakit at panibagong daguk sa kanilang pamilya by letting them feel that their only beloved granddaughter ay tini take advantage natin? I couldn’t live that guilt, Hijo. I can't! Not again." Naiiyak na paki usap ni Minerva sa anak. "Go on with the flow at the moment. If you think that you cannot really love Prae, then make her realized that. Bata pa si Prae but she is smart. Sooner or later she will realise that you and her are not really meant for each other, if di man baka she'll move on with her infatuation of you. At least, siya ang magdedesisyon at kakausap sa mga Lolo at Lola niya to back out on wharever agreement we have with them, but for now I am asking you to be a man enough for this family to be proud of" mahabang litanya ni Minerva bago iwan ang nagugluhang si Christian.       Kanina pa naka alis ang kanyang ina para maghanda sa kanilang pagsundo sa airport ang kanyang Lolo Franco. Naiwan sa loob nang study si Christian na hanggang ngayun ay hindidi parin makapaniwala sa mga ipinagtapat ni Minerva. Ngayun naging malinaw na sa kanya ang lahat, kung bakit hanggang nayun ay laging bangungutin ang kanyang Tito Martin, dahil pala iyon sa traumang pinagdaan nito sa kamay nang mga dumukot sa kanya. Ngayun nabatid na ni Christian kung parang bata parin ito i trato nang Lolo Franco, at gusto eh laging nakikita. At ngayun mas naging malinaw na sa kanya kung bakit ganun nalang ka involve at ka hands on ang Lolo niya sa pagpili nang mga scholar sa kanilang bayan at kung bakit intresadong intresado ang kanyang ina kay Prae umpisa palang noong nag practice teaching pa lamang siya. Ang akala niya noon eh dahil nakikitaan lang nang potensyal nang ina si Prae dahil sa natural na matalino ito at bilang Principal nang paaralan eh, gusto lang nito na ma monitor ang bawat istudyante.           Ikinakabit na lamang ni Prae ang huling kurtina sa kwarto ni Senyor Franco nang kumatok at pumasok si Manang Belen.   "Prae, halika nang bumaba ineng at dumating na si Senyor Franco" ang sabi nito.   "Sige po, Manang. Sana po magustuhan ni Senyor Franco ang ayos nang kanyang silid, ano ho Manag" kinakabahang pahayag ni Prae.   "Ay, naku tiyak magugustuhan niya ito Prae. Maaliwalas sa mga mata ang kombinasyon nang mga kurtinang nilagay mo. Hindi kagaya dati na napaka lungkot at madilim tingnan " masayang sabi nang matanda.   Napangiti naman si Prae. Mula pagka bata hilig na talaga niya ang pagbuburda o pananahi nang mga kurtina. Mahilig din siyang magpinta kaya naman nakahiligan niya ang mag mix and match nang mga kulay.  Maririnig na nga ang komusyon at ang ingay ni Lyn sa ibaba. Halatang nakikipag biruan ito sa mga naroon kaya medyo napanatag ang kanina pa kinakabahang si Prae.     "Ikaw talaga Lyn, ay palabiro pa rin. Akala ko nga eh, nag asawa ka na" natatawang bulas ni Senyor Franco sa matabil na si Lyn   "Ay, naku Senyor wala pa pong nagkamali este...nadali" pabirong sagot naman ni Lyn na ikina tawa nina Senyor Franco.   Namataan ni Minerva ang paglapit nila Prae at Manang Belen.   "Maliagayang pagdating Senyor Franco, ang nakangiting wika ni Manang Belen".   "Salamat Belen. Maligaya ako na naka balik at naka uwi na ako sa aking bahay. Iba talaga ang buhay dito sa atin kompara sa buhay sa Amerika, saka ang mga pagkain doon ay hindi masarap. Walang kalasa-lasa. Hindi kagaya dito na mabubusog ka talaga sa mga luto ni Susan" sagot naman ni Senyor Franco.   "Naku salamat naman Senyor at namiss nyo pala ang luto ko, pero sa ngayun po baka hindi lang luto ko ang ma -e-enjoy nenyu kundi pati na din ang luto ni Prae. Sa katunayan nga po halos lahat nang putahi na inihanda namin sa inyong pagdating ay siya ang nag luto" sabi naman ni Aling Susan na itinuro si Prae na biglang nahiya at namumula.   Dumako ang tingin ni. Senyor Franco sa katabing dalaga ni Maang Belen. Lumapit naman si Minerva kay Prae at inakay ito palapit sa ama.   "Papa, this is Prae. Siya ang sinasabi ko sa yo na magiging hands on na taga pag alaga mo everytime na wala siyang pasok sa school. Ang future wife nang paborito mong apo na si Christian at ang nag iisang anak nina Amara at Ramon" pagpapakilala nang ginang kay Prae.   Nahihiya man agad nag taas nang tingin si Prae at nahihiyang tumingin kay Senyor Franco. Nalusaw nang kanyang kaba ang gulat niya nang banggitin ni Minerva ang pangalan nang kanyang mga yumaong magulang. Hindi kasi niya malubos maisip na kilala nito ang kanyang mga magulang.  Naramdaman na lamang ni Prae ang paghawak sa kanyang kamay ni Senyor Franko at ang pag hatak nito sa kanya para yakapin.   "Welcome to the family Prae...welcome to our family" mahinang usal nito at naramdaman nalang ni Prae ang pinong paghaplos nito sa kaanyang likod.   Tiningnan naman ni Minerva ang anak na si Christian at kitang-kita niya ang pag tiim nang bagang nito kasabay nang pag excuse nito sa sarili.   "Lo, I have to go! Sobrang late na ako sa meeting ko sa isa sa mga parent nang estudyante ko. I will catch up with you later. You should rest too" dali daling paalam nito na hindi na nga inantay ang sagot ni Senyor Franco. Ni hindi na nga ito nakapag paalam sa kanyang ina.   "Well, he is really in a hurry..Papa at importante ang meeting na yon" pag tatakip na lamang ni Minerva sa anak.   "That is okay. I understand. Anyhow, di pa ba tayo kakain? Nagugutom na ako at excited na akong matikman ang luto ni Prae. Hija, set beside me, marami akong itatanong sa yo" at nagpatiuna na sa paglakad si Senyor Franco habang hawak sa kamay si Prae.         Sumasakit na ang batok ni Mayor Martin Hernandez sa sunod-sunod na mga ka meeting niya. Kanina pa rin kumakalam ang kanyang sikmura dahil hindi siya nakaka in nang marami sa almusal kanina dahil sa drama sa hapag- kainan. Gustuhin man niyang tulungan ang pamangkin na si Christian pero ayaw niyang pakialaman ang plano ni Minerva. Hinahaplos ni Martin ang kanyang batok nang mapansin aniya ang babaeng pamilyar sa kanya. Naka teacher's unform ang babaeng kakapasok pa lamang sa maliit na restaurant. Nakilala niya ito, ito ay walang iba kundi si Ann, ang nobya ni Chrisitian.  Agad tumayo si Martin at sinenyasan ang kanyang bodyguard na umupo lang. Sinalubong niya si Ann.   "Hi, Ms. Sarmiento... right?" tanong niya sa nagulat na guro   "Good afternoon, Mayor. Yes, Rosette Ann Sarmiento. But you can call me Ann. Fancy meeting you here" nangiting sabi nito na mas laalong tumingkad ang ganda sa paglitaw nang dalawang dimples nito sa magkabilang pisngi.   "Me mga ka meeting ako na mga future investors dito. Actually, katatapos lang nang huling ka meeting ko kaya at long last makaka-kain na rin ako" nahihiyang sabi ni Martin. Aminin man niya o hindi nabibighani siya sa simpleng ganda nang guro. 'Ikaw, what brings you here? Don't tell me na lumipat ka na nang eskwelahan na pinagtuturuan? " tanong ni Martin kay Teacher Ann, dalawang bayan kasi ang pagitan nang Aurora at San Miguel.   "Naku, hindi ho Mayor. Me Teacher's seminar kasi ako dito kaya andito ako. Actually, katatapos lang din kaya ngayun lang din ako makaka lunch" nakangiting turan nito.   "Well, what a timing! Would you like to join me for lunch? Mas masarap kasing kumain pag me kasabay" aya ni Martin dito.   "Naku, nakakahiya naman ho Mayor at maabala ko pa kayo" tila nahihiyang sagot ni Ann.   "Nope hindi ka abala, and I insist! like I said mas ganado akong kumain pag me kasabay. And please call me Martin" sabi ni Martin at inaalayan na si Ann papunta sa kanilang mesa.   Ipinaghila ito ni Martin nang upuan at saka pa lamang siya umupo nang masigurong komportable na ang babae.   "I'm really starving, so shall we order food?" tanong ni Martin kay Ann na tumango naman. Sabay na silang nag buklat sa Menu habang pasulyap-sulyap si Martin sa guro na abala sa pagpili nang pagkain. Di maintindihan ni Martin kunng bakit para siyang teenager na umasta sa harap nang guro at di niya kayang i-explain sa sarili ang kakaibang damdamin na napukaw ni Teacher Ann sa kanyang pagkatao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD