Episode 10
Maliit na liwanag galing nang haring araw, ang nababanaag ni Christian galing sa nakaawang na pinto nang verandah sa kanyang silid. Masarap na simoy nang hangin ang pumapasok dito tangay ang mabangong amo'y nang mainit na kape ang kanyang naaamo'y nang dahan-dahan niyang imulat ang kanyang mga mata. Ang sakit at bigat nang kanyang ulo at wala siyang maalala kung paano siya nakasampa sa kama at kung bakit hubo't-hubad na siya. Mag-isa lamang siya nang igala niya ang paningin sa kabuo-an nang silid. Nakatupi na ang kumot na ginagamit ni Prae na nakapatong sa ibabaw nang unan sa sofa bed. Namataan agad ni Christian ang umuosok pang tasa nang kape sa kanyang bedside table kung saan duon nanggagaling ang masarap na aroma nito na kanina oa niya naamoy. Agad niya itong kinuha at humigop. "Aaah, nothing beats from a nice cup of cofee in the morning. At lalong sumasarap ang timpla ni Manang lately ah!" napapangiting isip ni Christian at bumangon na. Sa kanyang pag bangon, namataan niya sa paanan nang kama ang maayos na nakatuping mga damit at ang maliit na papel sa ibabaw nito. Lumapit si Christian at pinulot ang naka tuping papel.
"Good morning! Hope, hindi masyadong masakit ang ulo mo sa hang-over. Nasa kabilang bedside table ang baso nang tubig at aspirin. Nakahanda na din ang mga damit mo. Ang computer bag mo ay nasa tabi nang sapatos mo sa paanan nang sofa bed. Kung ready ka na, bumaba ka na lang para sa almusal mo. - Prae"
Dumako ang tingin ni Christian sa kabilng bedside at nandun nga ang isang baso nang tubig at katabi nito ay dalawang tableta nang aspirin. Nang mapansin niya ang maliit na pulang kulay sa tabi nito. Nang makalapit na saka lang napansin ni Christian na isa itong hugis pusong ginupit na art paper.
"Please, start your day with a lovely mile - P"
Ang nakasulat sa maliit na hugis pusong papel. Pero imbes na mapangiti ay bagkos na tumiim ang bagang ni Christian at pagalit na nilamukos ang mga lovely notes na ginawa ni Prae.
"What a waste! Such rubbish! " usal nito at inubos nang higupin ang natitirang kape. Pumasok na si Christian sa banyo at naligo. Saka pa lamang niya naalala na ngayun nga pala ang dating nang kanyang Lolo Franco galing sa ilang buwan ding pamamalagi nito sa America.
"Ang bango naman nang kusina Manang Belen. Maaga tuloy akong nagutom" bungad ni Mayor Matin Hernandez sa naabutang si Manang Belen na nag aayos nang mesa para sa kanilang agahan. "Mukhang handa at excited na ang lahat sa pagdating nang Papa ah" natatawang dagdag pa nito at na nauupo na sa hapag-kainan.
"Ay, siyempre naman Mayor, medypo matagal-tagal din kasing nawala si Senyor Franco. Gusto mo bang ipag hain na kita? O gusto mo munang mag kape? ' tanong ni Manang Belen dito.
"Parang gusto kung ma-una nang mag almusal sa kanila sa bango nang niluluto ni Aling Susan ah" nakangiting pahayag nang butihing Mayor at tila bata pang gawi na hinahaplos ang kanyang tiyan. Kahit kasi sa edad na trenta y' Nueve at Mayor ito nang kanilang bayan eh, bata parin itong itrato nang kanyang ama.
"Naku ang batang ito, hindi mo pa pwedeng kainin ang masarap na amoy na sinasabi mo. Luto na ang tapa na baka, longganisa at itlog para sa almusal" natatawang sagot ni Manang Belen
"Ha? eh, ano po pala yong kanina ko pa naamoy?" nakakunot ang noong tanong nito sa matanda.
"Humba na Baboy daw ang tawag sa putahing iyon, Oh iyong pagluluto nang pinalalambot nang matagal ang karneng baboy kasama nang mga iba't-inang sangkap. Recipe ni Prae iyon at siya ang nagluluto dun sa loob nang kitchen" pagbibgay impormasyon ni Manang Belen.
"Hmmm, talaga? Nakaka gutom nga ang amo'y. Hindi pa ba luto iyon? Parang gusto ko iyong tikman eh" kulit pa nito sa matanda.
"Tumigil ka nga diyan, Martin at para iyon sa hapunan. Isa sa mga pagkain na inhanda naming ihain mamaya pagdating nang iyong ama" naiiling na wika ni Manang Belen nang mamataan niya ang papasok na mag asawang Rudy at Minerva.
"Kinukulit mo na nman ba si Manang Belen, Martin?" natatawang sabat nang ginang. "Good morning Manang, sina Christian at Prae po, di pa po ba bumababa?" tanong nito sa matanda.
"Si Prae ay kanina pang madaling araw bumaba at tumulong sa pag hahanda nang almusal. Ayon nga at aligaga sa kusina. Balak niya daw kasi kayong patikimin nang kanyang Humbang Baboy gawa nung mabanggit ko na paborito ni Senyor Franco ang karneng baboy" mahabang sagot ni Manang Belen
"Yan po ba yong kanina pa'ng masarap na naamoy ko Manang? " tanong naman ni Doc Rudy.
"Yes, yan na yan bayaw pero bawal pa raw kainin. Para daw iyon sa hapunan mamaya" tila batang pagmamaktol na sabat ni Martin.
Nagkatinigininan na lamang ang natatawang mag-asawa. Pagdating talaga sa pag kain eh, hanggang ngayun ay matakaw pa rin si Martin. Kataka takang na maintain pa rin nito ang matikas na pangangatawan kahit na wala naman itong ehersisyo. At kung pagdating sa pagkain o nobya parang mas pipiliin nito ang pagkain, kaya siguro hanggang ngayun ay binatang-binata pa rin ito. Matanda lang nang siyam na taon si Martin kay Chrisitian kaya lumaking close ang mag Tito.
"Hay, naku Martin pagdating talaga sa pag kain. Manang paki tawag naman po si Prae at sabay na kayumg ma upo para sa almusal" utos nang ginang kay Manang Belen na agad namang pumasok sa kusina para tawagin si Prae.
"Saan na naman kayo gumala nang pamangkin mo kagabi Martin, at anong oras na kayu umuwi? " tanong ni Minerva sa kapatid
"Diyan lang kami sa bayan ate, uminom lang nang ilang bote nang beer. Pero nauna akong umalis dahil tinawagan ako nang aking sekretarya at ipina-alala na me nakalimutan akong pirmahan at kailanganin iyong ipadala sa Manila this morning kaya bumalik ako nang munisipyo. I don't know kung anong oras na umuwi si Christian.
Magsasalita pa sana si Minerva ang lumabas nang kusina sina Manang Belen at Prae na may dalang dalawang tasa nang kape. Agad nilapag ni Prae ang isang tasa nang kape sa bakanteng upuan ni Christian at naupo na sa katabi nito.
"Teka at aakyatin ko na muna si Christian, oh ito na pala eh" akmang tatayo sana si Manang Belen nang makitang parating na si Christian sa komedor.
"Good morning Mum, Dad, Tito. Magandang umagawa din Manang Belen. Thank you sa pag antay and for cleaning my mess last night, and for my coffee" bulalas nito pag ka upong- pagka upo pa lamang sabay higop sa tasa nang kape sa kanyang harapan.
"Hindi n...." magsasalita sana si Manang Belen nang magkasalubong ang kanilang tinign ni Prae at makita itong pinong umiling na para bang sinasabi na hayaan nalang si Christian sa kanyang paniwala. Tumingin si Christian sa natigilang matanda.
"Hindi naman abala iyon" sagot na lamang ni Manang Belen.
"Sige na kumain na tayong lahat, at baka pare-pareho tayong mahuhuli. Christian, I want to talk to you after breakfast" seryosong sabi ni Minerva.
Parang me idea na si Christian sa kung ano ang dahilan na gusto siyang maka-usap nang kanyang ina.
"Me ka meeting ako sa karatig bayan kaya di ako makakasundo kay Papa, pero pwede kung ipahiram ang driver ko at si Allan. Tukoy nito sa private bodyguard nito. Simula pagkabata lumaki na si Christian sa mga matang laging naka sunod at naka bantay sa baway membro nang kanilang pamilya. Maliban na lamang kung nasa bahay o sa eskwelahan siya. Nang minsang matanong niya ang kanyang ama at ina patungkol dito, sinagot lamang siya nito na dahil ito sa pagiging Mayor nang kanyang Lolo Franco.
" Me operasyon ako hanggang alas -2 nang hapon. So late na din ako kung ako ang susundo kay Papa" sagot naman ni Rudy.
"Kami na ni Christian ang bahalang magsundo kay Papa. Gusto ko din kasi siyang maka usap bago pa siya dumiretso dito sa bahay at maipa-intindi sa kanya ang ilang bagay para hindi na siya mabibigla. Kahit kasi successful at dalawang buwan na ang nakalipas after nang kanyang operasyon eh, pina iingat pa rin tayo nang kanyang doctor" sagot naman ni Minerva na tiningnan ang nakayuko lang na si Prae at tahimik na kumakain.
"Meron akong Teacher's seminar sa karatig bayan mum, remember?" putol ni Christian sa ina
"Don’t worry about it. I'll send Ms. Sarmiento and Mrs. De Gracia para dun" sagot nang ginang na di tumitingin sa anak.
Sa narinig na isang pangalan nag angat nang tingin si Prae at tumingin sa kanyang gilid kung saan naka upo si Christian. Ang Ms. Sarmiento kasi na tinutukoy nang ginang ay ang kasintahan nito na si Miss Rosette Ann Sarmiento. Nagkasalunong ang nga tinign nina Christian at Prae. Agad namang nagbaba nang tingin si Prae dahil di niya kayang salubungin ang matalim at puno nang galit na tingin ni Christian.
"Well, what can I say?! It seems like you already have my day...NO...my whole life planned already! I'm done talking and eating. I'll wait you sa study" puno sa pait na saad ni Christian at tumayo na.
Tatawagin pa sana ni Minerva ang anak nang hawakan ni Rudy ang kamay nang kanyang asawa. " Hayaan mo na muna siya. Tapusin mo na ang pag kain mo at saka mo siya sundan" mahinahong utos nito sa asawa.
Sa eksinang iyon sa hapag kainan ay tahimik lamang sina Manang Belen, Martin at Prae. gusto na namang maiyak ni Prae dahil sobrang kinakain na siya nang kanyang konsenya pero tinatagan niya ang kanyang loob. Iniisip nalang talaga niya ang kasunduan nila ni Tita Minerva.
Nahilamos na lang ni Prae ang kanyang mga palad sa kanyang mukha at yuyuko na sana ulit para tahimik na tapusin ang kanyang pag kain nang mamataan niya ang matiim na titig ni Martin sa kanya. Hindi naman galit na tingin ang pinukol nito sa kanya pero hindi niya kayang salubungin iyon dahil parang inaarok nito ang kanyang buong pag katao.