Chapter 70: 3rd person’s POV "F*ck!" mura nito noong muntikan ng madulas ang kanyang pagkakahawak sa landing skid. Nangangalay na ang mga braso ni Xaviere habang nakahawak sa landing skid ng helicopter. Nahihirapan na itong higpitan ang paghawak dahil sa kanyang bigat at malaking katawan. Kitang kita ang mga butil ng pawis sa kanyang noo at ramdam niya na ang panginginig ng kanyang braso sa pagod. Napatingala na lamang siya at napaisip kung papaano siya ulit makakaakyat sa helicopter. "Is it true?!" bulyaw ni Clark kay Audrey with bloodshot eyes. Napasinghap nalang siya noong itutok ni Clark ang baril sa tiyan at sinakal siya ng mahigpit sa leeg. Sa sobrang higpit ng kanyang pagkakahawak ay halos hindi na si Audrey makaginga. "Shut the f*uck up! What the hell are you talking abou

