Chapter 68 Audrey screamed Xaviere’s name. Namumutla na siya at kanina pa humahagulhol. Halos nahihirapan na rin itong huminga. Hindi niya alam kung tatalon din ba siya o di kaya ay babarilin na lamang ang kanyang sarili. Hindi niya kayang mabuhay ng wala si Xaviere. Mas gugustuhin nitong mamatay kaysa manatili sa mundong hindi niya kasama ang pinakamamahal. Dama niya ang paninikip ng kanyang dibdib at ang pananakit ng kanyang mga mata sa kakaiyak. Nahihilo din ito dahil sa pagkakabangga ng kanyang ulo kanina at sa pagkabigla sa mga pangyayaring naganap mula sa simbahan hanggang sa kasalukuyan. Umabot sa punto na napatulala na lamang siya at gustong gusto ng paputukin ang baril sa kanyang sarili. Halos wala ng kabuhay buhay ang kanyang mga mata. Ang tanging nnagpapatibay lamang sa kanya

