Chapter 59 Nagsimula ng magbulungan at mag usap ang mga bisita pagkatapos marinig ang aking sagot. Batid ang pagkagulat at pagkalito sa kanilang mga mukha habang pabaling baling sila sa kanilang mga katabi na tila kumakalap ng dahilan sa nakabibigla kong sagot. Parehong ekspresyon din ang ipinakita ng pari sa aking harap at ni Audrey. Mula sa direksyon ni Mr. Eun nakikita ko siyang mukhang hindi rin makapaniwala sa sinagot ko, I smirked at him and I saw him stand up from his chair. I never saw him unfazed but now he looked extremely furious habang naglalakad patungo sa amin. Audrey grabbed my hand which made me shift my attention to her. She was piercingly looking into my eyes. Kitang kita ang lito sa kanyang mga mata. Alam kong hindi niya pa naproseso ng maayos ang aking sagot sa pari.

