Chapter 61 3rd Person's POV Napuno ng ingay at putukan ng baril ang loob at labas ng simbahan. Maraming mga rebulto at mga upuan ang sumabog at nasira gawa ng mga umuulang bala mula sa magkabilang panig. Ang mga kisame ay butas butas na din at maging ang mga pader ay may tama na ng ligaw na bala. Sa sobrang gulo ay halos hindi ka mag-aakalang nasa simbahan nagaganap ang labanan. Tila wala kang ibang maririnig kundi putok ng mga baril at ang mga sigaw mula sa loob. Nakakarinding pakinggan ang umalingawngaw na huni ng baril at ang amoy nito. Nakakabagabag din ang hiyaw at iyak ng mga nasa loob. Ang dapat na sagrado at tahimik na lugar ay ngayon tila ilog na dinadaluyan ng dugo at bundok ng mga bangkay ng mga nasawi. Ang mapusyaw na magarang damit ng mga bisita ay nababalot na ng dugo at

