“I miss you, Lucio,” malamyos na saad ni Luxuria na hindi pa din bumibitaw sa pagkakayakap kay Lucio. Hinayaan naman ito ni Lucio at pinulupot ang mga braso sa balikat ng dalaga. “Welcome back, Papa L! After so so so so many years!” Nakipag bro hug si Manager Kyle kay Lucio na nakangiti sa kanya. “Thanks, Kyle. How are you?” “Ito maganda pa din wala namang kupas, eh.” Tumawa si Lucio. “Sige wala namang nagbago,” saad ni nito sa baklang kaibigan. Manager Kyle pouted at him pagkatapos ay sabay sabay silang umalis ng airport. Luxuria rolled her eyes nang makita ang mga nakalabas na cellphone ng mga naroon. Paniguradong laman na naman siya ng tsismisan sa social media. ----- Manila, Philippines “Dude, saan ka ba nagpunta?” tanong ni Ellison sa kadarating lang na si Thomas. Hinanap niy

