Kabanata 3

1178 Words
Agaw pansin ang pagdating ni Thomas at Luxuria sa engagement party. Naunang dumating silang dalawa bago ang best friend niya at ang suitor nito. "Thomas, hijo! How are you?" An old man greeted them with a smile. "Good evening, Uncle John. I'm always good," sagot ni Thomas. Napatingin naman ang uncle nito kay Luxuria. He had known Thomas for so long at alam niya din na mapaglaro sa babae ang pamangkin pero hindi nito ugali ang magdala ng babae sa mga parties kahit na kilala si Thomas sa pagiging womanizer. He always went to events without a woman by his side, ang anak niyang babae lang, which is pinsan ni Thomas ang minsang dinadala nito as his date. "Hi, I'm Luxuria! Nice to meet you, uncle!" bati ni Luxuria. Wala yata sa katawan niya ang mahiya, kapal ng mukha meron. "Hello, beautiful lady," compliment ng tito ni Thomas. Ilang beses niya ng narinig ‘yan. There are two types of compliment. The first one is the compliment of appreciation and the second one is the compliment with pagnanasa. In case sa matandang lalaking kausap nila it's a compliment of appreciation. Kita naman ni Luxuria na mabait ang uncle ni Thomas at walang masamang motibo sa kanya hindi tulad ng iba. "Ahm... uncle? Mauna na po kami nakita ko po kasi si Al," paalam ni Thomas "Yes, yes. Go ahead, hijo." Hawak ang bewang ni Luxuria, pumunta si Thomas sa table ng kaibigan. Alfonso was with a woman at mukhang close na close ang dalawa. "Hey man!" tawag ni Thomas kay Alfonso. "Heaven!" Napatingin sa kanila si Heaven, expected na kasi nito ang pagdating ni Luxuria at ang date daw nito. Agad naman itong ngumiti at pinaupo sila sa table. Nag-umpisa na ang program ng event at lumabas na ang newly engaged couple. They went down the stage and greeted the guests’ bago lumakad sa table nila Luxuria. "Oh, I saw a leech coming," mahinang sambit ni Luxuria na narinig naman ni Heaven. "Al, hindi mo ba ako papansinin?" Napataas ang kilay ni Luxuria nang marinig ang malamyos na boses nito. My gosh! Nagpapaka-pabebe pa. Hindi siya nagsalita at hinintay ang sasabihin ni Alfonso. Subukan lang nito maglandi sa harap ng best friend niya. "What's there to look at? I'm busy with my date," malamig na turan nito, sabay saldok ng pagkain na inilagay sa plato ni Heaven. Luxuria smirked before sipping her wine. "Who is she by the way?!" 'How dare this woman shout at her best friend?!' "Mahiya ka girl." Napatingin sa direksyon ni Luxuria ang lahat ng tao na nasa table nila maging ang iba na malapit sa pwesto nila. "What?!" bulyaw ng babae sa kanya. Oh? Is this b***h going to fight with her? "Bakit parang nagseselos ka? Girlfriend ka ba? And you're in a committed relationship right now. What’s with the fuss?" tanong niya dito. Luxuria hated women that acts blind, nakita ng ngang may kasamang babae si Alfonso hindi pa dumistansya at sumiksik pa. Kagaya ng kabit ng ex niya! "I'm just concern, ang dami niya kasing naging babae. Pang-ilan ka na ba Miss?" tanong nito na may panunuya. Aba't—nakakaburaot na ‘tong babae na ‘to, ah? "The nerve—" Luxuria is ready to throw the damn plate to the b***h when Thomas suddenly holds her back. Napatingin siya dito ng nakakunot noo. Bwesit na lalaki! Ready na siya, eh! "Alfonso will deal with her. Don't worry." A crashing sound was heard. Napatingin sila kay Alfonso. A glass of wine broke. Napakahawak si Luxuria sa dibdib at namimilog na mata na tumingin kung saan ito nanggaling. 'Shocks! Buti na lang may pose pa din ang expression niya.' "SHE IS MY WOMAN! Don't you dare disrespect her with that filthy mouth of yours! And she's not included in how many woman I had because she is the only woman I will only have from now until the end." 'Sana all.' Luxuria unconsciously smiled dahil sa ganitong tao ang nakilala ng best friend niya. Sana nga lang hindi ito katulad ng animal niyang ex dahil kung hindi maghahalo ang tubig sa tinalupan. "Sorry," paghingi ng tawad ng fiancé ng babae bago umalis kasama ang fiancée nito. Pagkatapos ng ilang minuto ay umalis na din sina Heaven at Alfonso. "Are you tired?" tanong ni Thomas sa kanya. "Na-stress ang ganda ko sa babaeng ‘yon!" sagot ni Luxuria at inayos ang buhok saka tumingin kay Thomas. "Tara na," yaya niya. Tumayo na ito at sabay silang lumakad palabas nang marinig nila ang sinabi ni Ellison. Kasama pala nila ang lalaking ‘to? Hindi niya napansin. "Putcha naman! Ako na lang mag-isa." Nagkatinginan si Thomas at Luxuria at sabay tumawa. Humarap si Luxuria sa kinaroroonan ni Ellison. "Then, maghanap ka ng babae mo," Luxuria suggested. "Mahirap ‘yan. Daming nakapila hirap mamili," sagot ni Ellison. Luxuria rolled her eyes and twitch her lips. 'Grabe ang apog ng Ellison na’to puro naman hipon ang pinapatulan'. Hindi na siya sumagot at umalis na sa party. "So Luxuria Hernandez, the granddaughter of Francis Hernandez and an international model," sambit ni Thomas at tiningnan si Luxuria na katabi niya sa passenger seat. "Hmm..." Thomas can see her eyelids dropping at mukhang antok na antok na ito. Kanina niya pa kasi napapansin na pumipikit-pikit ito habang kumakain sila. "Sleep. I'll take you to your condo," mahinang saad ni Thomas. "Bakit ba ang mga lalaki nagche-cheat sa mga girlfriend nila?" tanong ni Luxuria. Siguro dahil na rin sa nainom. Matagal bago sumagot si Thomas. "Maybe, because they found someone better." "So I'm not the better woman for him?" mahinang tanong ni Luxuria sa sarili. Kita ni Thomas ang lungkot nito sa mga mata but what makes it more sad to him is that he saw her eyes brimming with tears. "There will always be one person who deserves you, Luxuria. Para lang kayo pinagtagpo ng ex mo pero hindi kayo ang nakatadhana. It's the God's way of protecting you from the wrong man," advise ni Thomas dito at muling sumulyap kay Luxuria na natutulog na. Inayos niya ang pwesto nito dahil baka sumakit ang katawan. Nakarating si Thomas sa condo nito at binuhat niya ang dalaga. Nang nasa pinto na sila ng condo unit nito ay ginising niya si Luxuria dahil may pass code ang pinto ng condo nito. "What's your password?" tanong ni Thomas, habang hawak niya ito para hindi mahulog. "Hmm? I don't know," lasing na sagot ni Luxuria. "Oh, come on, darling," Thomas urges her. "Antok na ako~ it's 255788." Thomas put the numbers on the door pass at bumukas ito. Binuhat niya uli si Luxuria papasok pero napatigil siya at inilibot ang paningin sa loob ng room. Sure, Luxuria is a wealthy woman but her room interior is so simple and homey. Inilagay ni Thomas ang dalaga sa kama at inalis ang mga kamay nito na nakapulupot sa leeg niya nang biglang hinatak ni Luxuria ang leeg ni nito. Thomas tenses and clenches his fist. Their lips are so close.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD