“Am I in love with her?” tanong ni Zeki sa sarili. Nasa loob siya ng opisina niya at nakaupo sa swivel chair. Tagusan ang kanyang tingin sa kawalan. He rested his head against the headrest of the chair and gazed up at the ceiling. Hindi niya alam kung ano ang iisipin. Mahal ba niya si Perlas? Alas otso na ng gabi at nasa opisina pa rin siya. Naka-dim lang ang ilaw sa loob, at tahimik ang buong paligid. Iniisip niya pa rin ang napag-usapan nila ni Vicencio kanina. He would make sure to expedite the transfer process. In fact, he had already asked someone to contact the university administrators. Hindi maganda sa pakiramdam niya na iniisip ng mga tao na may relasyon ito at si Vicencio. Ang ibig bang sabihin niyon ay umiibig siya kay Perlas? “If you fall in love with her, you will pay me twi

