STILL A VIRGIN... Nikki's POV... Dahil sa kumalat na balita tungkol kay King shadow ay maagang natapos ang klase. Mabilis na ipinagutos ng paaralan na manatili nalang sa dorm ang lahat pagpatak ng alas siete ng gabi sa halip na alas dies. Mas inagahan dahil sa nangyari. Nabulabog ang buong Mondejar University sa pagpapakitang muli ni King Shadow .ito ang laman ng usapan ng lahat maging ng mga kaibigan. "Katakot na naman dito, ano na naman kaya ang gusto ng king shadow na yan? " bakas ang pangamba nila Calvin sa balita. Naguusap- usap kami sa isang mahabang bench sa field. " malapit na ang bakasyon ,tiyak na may nanakawin ulit sya dito " si Jaime. "Pero bakit? Ang tagal nyang nanahimik.. Ngayon ay nagparamdam na naman sya at pinasok pa nya ang girls dormitory" si Kate. Kunot an

